MALOLOS—Sisimulan
na sa Hulyo ang pagpapasubasta ng pagkukumpuni sa Angat Dam sa Norzagaray,
Bulacan.
Ang pagkukumpuni
o rehabilitasyon sa dam ay tinatayang magkakahalaga ng P3.3-Bilyon hanggang
P5.1-B.
Ito ay batay sa
panukala ng Tonkin and Taylor International, ang kumpanyang kinontrata ng Power
Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) para magsagawa ng anim na
buwang pag-aaral sa katatagan ng 43-taong Angat Dam na pinagkukunan ng 97
porsyentong tubig inumin ng kalakhang Maynila.
Ang nasabing pag-aaral ay nagsimula nong Nobyembre at sa
kasalukuyan at tinatapos na lang ang pinal na ulat ng resulta ng pag-aaral.
Batay sa inisyal na ulat na inihatid ng Tonkin and Taylor kay Gob. Wilhelmino
Alvarado, dalawa ang kanilang pagpipiliang ipinanukala.
Bilang punong lalawigan ng Bulacan, si Alvarado ay kaspi sa
Technical Working Group (TWG) na nagsulong ng pagsasagawa ng pag-aaral sa
katatagan ng dam.
Ang unang panukala ay nagkakahalaga ng $79.9-Milyon na ang
katumbas ay mahigit sa P3.3-Billion kung ang pagbabasehan ay ang palitang P42
sa $1.
Ang nasabing halaga ay gugugulin para sa rehabilitasyon main
dam at dike ng tumatandang Angat Dam.
Batay sa panukala ng Tonkin and Taylor, ang rehabilitasyon ng dam at dike ay
nangangailangan ng overlay o pagtatambal ng mga bato sa labas nito upang
mapatatag.
Ito ay nangangahulugan na palalaparin ang ibabaw ng dam at
dike, at ang labas na bahagi nito, ula itaas hanggang ibaba ay pakakapalin.
Ang ikalawang panukala ay nagkakahalaga ng $122.5-M na ang katumbas ay aabot sa P5.145-B kung
ibabatay sa palitang P42 sa $1.
Bukod sa pagpapatatag sa dam at dike, kabilang ang panukalang
konstruksyon ng panibagong spillway sa dam at paglalagay ng sapat na
instrumento na gagamitin sa pangmatagalang pagmomonitor sa istraktura ng dam,
at pagsasagawa ng full environment impact assessment (EIA) study.
Dahil tapos na ang kanilang pag-aaral at tinatapos na lang
ang pinal na ulat, ipinanukala ng Tonkin and Taylor ang pagpapasubasta Hulyo para sa
pagkukumpuni ng dam.
Sa mas naunang pahayag, sinabi ni Arkitekto Gerry Esquivel,
ang administrator ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), handa
na sila sa pagpapasubasta.
Iginiit niya na kailangang matapos ang rehabilitasyon ng dam
sa loob ng 42 buwan.
Gayundin ang naging pahayag ni Inhinyero Russel Rigor ng
Angat River Hydro Electric Power Plant (ARHEPP) ng National Power Corporation
(Napocor) na siyang namamahala sa dam at Angat watershed sa paligid nito.
Para naman kay Gob.
Alvarado, ang pagtatapos ng pag-aaral ng Tonkin and Taylor ay isa lamang sa maraming hakbang
upang matiyak ang kaligtasan ng mga Bulakenyo sa panganib na hatid ng posibleng
pagkasira ng dam kapag lumindol.
“Simula pa lang
ito, mahaba pa ang kasunod. Pero
nagagalak ako dahil sa pinakinggan ng Malakanyang ang isinatinig nating
pangamba ng mga Bulakenyo noon hinggil sa panganib na maaaring ihatid ng
pagkasira ng dam,” ani Alvarado.
Matatandaan na
bago manalasa ang bagyong Ondoy sa Bulacan noong Setyembre 2009 ay ibinulgar ni
Dr. Renato Solidum ng Philippine Institute of Volacanology ang Seismology
(Phivolcs) na ang ang dike ng Angat Dam ay nakaupo sa West Marikina Valley
Faultline (WMVF).
Sinabi pa ni
Solidum na maaaring gumalaw ang WMVF anumang oras at maaring maghatid ng lindol
na may lakas na magnitude 7.2, na posibleng sumira sa dike ng dam at magpabaha
sa malaking bahagi ng Bulacan at Pampanga.
“Ipagdasal natin
na hindi mangyari yung paggalaw ng Marikina Faultline bago matapos ang
rehabilitation,” ani ng punong lalawigan.
Bilang kasapi ng
TWG, sinabi niya na ieendorso agad nila sa Malakanayang ang pinal na ulat ng
Tonkin and Taylor upang mapondohan agad ang pagkukumpuni sa dam. (Dino Balabo)
No comments:
Post a Comment