CALUMPIT, Bulacan—Limang
milyong piso na ang inihanda ng administrasyong Aquino para sa pagpapakumpuni
ng hanging bridge na nag-uugnay sa mga barangay ng bayang ito at ng bayan ng
Hagonoy.
Ngunit
sa kabila na matagal nang naihanda ang nasabing piondo ay hindi pa rin ito na
nailalabas upang magugol sa pagpapakumpuni ng nasabing hanging bridge na muling
nasira noong Marso 3.
Ayon
kay Gob. Wilhelmino Alvarado, ang nasabing pondo ay mula sa pondo ng National
Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC).
Ito
ay nakakatulad ng pondo na ipagkakaloob din sana ng Malakanyang sa isa pang
gobernador para sa pagpapakumpuni rin ng tulay.
Ngunit
hindi rin nailabas ang nasabiong pondo dahil sa nagkaroon ng kalaban sa halalan
sa Mayo ang nasabing punong lalawigan.
“Maghintay
na lang tayo ng ilang panahon, marerelease na yung pondo para sa Iba hanging
bridge.”ani Alvarado.
Ngunit
sa pananaw ng ibang Bulakenyo,hindi na kailangan ang pondo mula sa NDRRMC upang
maisagawa ang malawakang pagpapakumpuni sa Iba hanging bridge.
Ito
ay dahil sa ang pondo ng pamahalaang panglalawigan para sa kalamidad ay umaabot
sa mahigit P100-M bawat taon.
Ang
calamity fund ng bawat pamahalaang lokal ay limang porsyento ng kabuuang pondo
sa isang taon.
Batay
sa impormasyong naipon ng Mabuhay,umaabot sa halos P3-Bilyon ang pondo ng
kapitolyo sa taong 2012.
Batay
sa mas naunang pahayag, sinabi ni Kapitan Celerino Fajardo ng Iba, Hagonoy na
ang nasabing hanging bridge ay sinimulang itayo noong 1997.
Sa
pananalasa ng malalim napagbahang hatid ng Bagyong Pedring noong 2011,nasira at
pumalipit ang hanging bridge matapos bumalandra sa ilalim nito ang maraming
waterlily na tinangay ng agos.
Noong
Enero ay sinimulan ng kapitolyoang inisyal na pagpapakumpuni sa hanging bridge,
ngunit nito Marso 3 at nasira ang pamakuan o girder nito sa gitna.
Dahil
dito, nagsagawa ng pansamantalang pagkukumpuniang pamahalaang barangay ng Iba,
Hagonoy.