MALOLOS
–Pinabulaaanan ng matataas na opisyal sa lalawigan ang alegasyon na ang pagsasagawa ng
earthquake at dam break drill ay walang silbi at isang pananakot lamang.
Sa
halip binigyang diin nila na lubhang kailangan ang pagsasagawa nito upang
maihanda ang Bulakenyo sa posibleng pagkasira ng Angat Dam na maaaring maghatid
ng di masusukat na pinsala ari-arian,imprastraktura,kapaligiran bukod pa sa
pagkasawi ng daan libong buhay.
Ayon
kay Gob.Wilhelmino Alvarado,ang babala sa posibleng pagkasira ng Angat Dam ay
unang ipinabatid sa Bulacan noong 2009 ni Dr. Renato Solidum ng Philippine
Institute of Volcanology at Seismology (Phivolcs).
Sa
pahayag ni Solidum, dapat paghandaan ng lalawigan ang pinakagrabeng sitwasyon o
worst scenario dahil ang Marikina West Valley Faultline ay nakahimlay may 200 meto lamang ang layo sa
dike ng Angat Dam.
Bukod
dito, nakumpirma din sa mga sumunod na pag-aaral ng mga dalubhasa ng Tonkin and
Taylor International (T&T)at
Engineering Development Corporation of the Philippines (Edcop) na ang splay o
sanga ng MWVF ay nasa ilalim ng isang dike ng Angat Dam.
“Hindi
sa nananakot tayo, ang national government ang nagbigay ng babala sa atin, kaya
naman tayo ay kumukilos ngayon para paghandaan ang panganib na anuamng oras ay
maaaring dumating,” sabi ni Alvarado.
Binigyang
diin pa niya na dahil sa babalang hatid ni Solidum, naghanda na ng pondong
P5.7-Bilyon si Pangulong Aquino para sa rehabilitasyon o pagpapatibay sa dam.
Una
rito, nagpalabas ng $1-Milyon ang pamahalaang pambansa para sa pagsasagawa ng
pag-aaral ng T&T at Edcop noong huling bahagi ng 2011 at natapos noong Mayo
2012.
Ayon
kay Alvarado, habang hininhintay ng Bulacan ang pagpapakumpuni sa Angat Dam ay
dapat kumilos ang bawat isa sa paghahanda.
Ito
ay dahil may posibilidad nab ago o habang kinukumpuni ang dam ay maaaring
gumalaw ang WMVF at maglikha ng lindol na may lakas na 7.2 magnitude.
“Naniniwala
tayo na nasa Diyos ang awa at nasa tao ang gawa,” sabi ni gobernador, “habang
naaawa ang Diyos sa atin at hindi hinaahayaang masira ang Angat Dam, gawin
naman natin kung ano ang humanly possible tulad ng paghahanda.”
Inayunan
din ito ni Bokal Micahel Fermin ng Unang distrito ng Bulacan na nagsabing,
lubhang kailangan ang pagsasagawa ng earthquake at dam break drill, lalo na
samga lugar na palagiang tinatamaan ng kalamidad.
Ayon
kay Fermin, sa bawat kalamidad, buhay at kamatayan ang nakataya
Dahil
dito, posible ang kaligtasan kung alam ng bawat mamamayan ang gagawin sa
panahon ng kagipitan.
Ito
rin ang sinabi ni Alvarado at nina Liz Mungcal ang hepe ng Provincial Disaster
Risk Reduction Management Office (PDRRMO ) at ni Jojo Tomasm, ang pinuno ng
Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) ng Calumpit,.
Ayon
sa kanila, hindi dapat isantabi ang pagsasagawa ng earth quake at dam break
drill.
“Bahagi
yan ng Emergency Action Plan (EAP),” sabi ni Mungcal.
Iginiit
pa niya na ang ibang mga dam sa bansa tulad ng Binga, Ambuklao, San Roque at
Pantabangan ay may sariling mga EAP.
Subalit
sa kabila nito, hindi pa nakapagsasagawa ng dam break drill ang mga lalawigan
na nakakasakop sa mga nasabing dam.
“Ang
Bulacan ang kauna-unahang lalawigan ng magsasagaw ang dam break drill dahil
kinikilalal natinang panganib na posibleng puminsala sa atin,” sabi Mungcal.
Iginiit
pa niya na kung sakaling lilindol at masisira ang Angat Dam, tinatayang may
tatlo hanggang limang oras ang mga Bulakenyo upang lumikas at lumayo sa
posibleng daanan ng raragasang tubig.
Ayon
kay Mungcal, maikli lamang asng panahong ito at ang kaloigtasan ng bawat tao ay
nakabatay sa pagkakaunawa sa mga dapat gawin sa oras ng kagipitan.
Dahil
dito, binigyang diin niya ang kahalagahan ng mga pagsasanay sa paghahanda tulad
ng earthquake at dam break drill.
Una
rito, ilang Bulakenyo ang nagpahayag na ang pagsasagawa ng earthquake at dam
break drill ay walang silbi at isang pananakot lamang.
Ito
ay bilang tugon sa mga balitang inilathala ng Mabuhay Online at ng Mabuhay
Newspaper-Bulacan fan page sa Facebook.com
May
mga nagsabi rin na dapat ay kumpunihin na agad ang Angat Dam upang hindi na
magsagawa ng mga drill. (Dino Balabo)
No comments:
Post a Comment