Monday, December 9, 2013

Norzagaray, Bulacan inundation map in case of Angat Dam break

Upang higit na makita at mabasa ang mapa ng mga lugar na maaapektuhan ng pagbahang ihahatid ng posibleng pagkasira ng Angat Dam, nagsanib puwersa ang Mabuhay Online at PromdiNEWS upang mailathala ang mga larawan ng mapa.

Ang mga mapang ito ay mula sa mas malaking mapa na inihanda ng Tonkin & Taylor at EDCOP na nagsagawa ng pag-aaral mula 2011 hanggang 2012. Ang mapa ay inilabas para sa publiko ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office ng Bulacan noong Lunes, Disyembre 9.

Ang mga unang kopya ng extracted maps ay ipinost sa Mabuhay Newspaper-Bulacan fan page noong Disyembre 10.  Ngunit ilang bahagi nito ay malabo at hindi mabasa dahil sa automatic resizing ng uploaded files.

Ito ay isa lamang sa serye ng mapa na ilalathala sa www.mabuhayonline.blogspot.com, at www.promdino.blogspot.com

Bahagi ito ang pagtatangka na higit na maipaunawa sa mamamayang Bulakenyo ang panganib na nakaamba upang matukoy ang mga akmang paghahanda na gagawin.


No comments:

Post a Comment