HAGONOY, Bulacan--Para sa higit na pagkakaunawa sa posibilidad ng Angat Dam break, minabuti ng pahayagang Mabuhay na tipuninang mga impormasyon ito hinggil sa mahahalaga tala sa kasaysayan ng Angat Dam at mga kaganapan hinggil sa naaantalang rehabilitasyon ng nasabhing dam.
1926—Itinayo ang Angat
Afterbay Regulator Dam (AARD) na kilala sa tawag ngayon bilang Bustos Dam.
1929—Itinatyo ang La Mesa
Dam sa Novaliches, Lungsod ng Quezon. Ito ang pinagkukunan noon ng tubig inumin
ng kalakhang Maynila.
1938—Nagsimula ang
pagkuha at paggamit ng Metropolitan Water District (bago naging Nawasa) ng
tubig mula sa Angat River sa pamamagitan ng pagpapadaloy ng tubig Ipo-La Mesa Dam
Aqueduct.
1959—Tinaasan ang La Mesa
Dam upang higit na mas marami ang maitinggal na tubig para sa pangangailangan
ng kalakhang Maynila.
1938—Nagsimula ang Metropolitan Water district (bago naging
Nawasa) sa pagkuha at paggamit ng tubig mula
sa Angat River na pinadaloy sa Ipo-La Mesa Aqueduct.
1961 Nobyembre 16—Nagsimula ang
konstruksyong para sa Angat River Hydroelectric Power Plant (Arhepp) ng
ipagkaloob ng National Power Corporation (Napocor) ang kontrata sa Grogun Inc.,
para sa konstruksyong ng diversion tunnel, dam foundation excavation and
grouting.
Ang
kontrata para sa konstruksyon ng dam, dike, spillway tunnels, powerhouse at
power facilities ay ipinagkaloob sa Paul
Hardeman (Phil) Inc., para sa kabuuang P72-Milyon.
Ngunit
ang tumapos sa konstruksyon ay ang
Filipino Engineers Syndicate Inc..
1964-1967—Konstruksyon para sa
Arhepp na bahagi ng Angat Dam. Ang
Arhepp ay kauna-unahang proyekto sa Pilipinas kung saan ay pinagsama-sama sa disensyo ang
ibat-ibang functional activities tulad
ng paglikha ng kuryente (power generation), patubig sa bukirin (irrigation),
tubig inumin (water supply), at pamigil baha (flood control).Ito ay ginugulan
ng kabuuang halaga na P476.344-M.
1967—Nanalasa sa Gitnang
Luzon ang super bagyong Welming (Emma). Dahil sa lakas ng ulan, mabilis na
umakyaw ang water elevation sa 212 meters above sea level (masl) kaya’t
napilitan ng Napocor na magpatapon ng tubig sa spillway ng dam upang maiwasan
ang pag-apaw. Nagsanhi din ito ng pagkasira ng mga kagamitan ng Engineering Construction
Inc., (ECI) ng masagasaan ng tubig mula sa spillway.
1967 Setyembre 9—Pinasinayaan ni
Pangulong Ferdinand Marcos ang inisyal na operation ng Arhepp. Ito ay may kakayahang
lumikha hanggang 246 megawatt ng kuryente.
1968—Kinomisyon ang Angat
Dam at nagsimula ang operasyon ng Arhepp.
1972—Naitala ang 4,919 milimetrong
ulan sa Angat Dam bilang pinakamataas o maximum
annual rainfall.
27 Oktubre 1978—Nanalasa ang super bagyong
Kading (Rita) at dahil sa lakas ng ulan nagbanta ito ng pag-apaw sa dam. Sa kasagsagan ng bagyuo bandang alas-9 ng
gabi, sabay-sabay na binuksan ng Napocor ang tatlong floodgates ng Angat
Dam. Ang bawat floodgates ay may angat o
awang na isa hanggang walong metro.
Rumagasa ang mahigit sa 5,000 cubic meters per second (CMS) ng tubig na
naging sanhi ng biglaang pagbaha sa malaking bahagi ng Bulacan pagkasira ng
pananim at ari-arian at pakasawi ng mahigit 100 buhay. Umabot sa mahigit P100-M
ang nasalanta sa Bulacan at sinampahan ng 11 kasong sibil ang Napocor sa RTC
1986 Agosto—Naitala ang pagguho malapit dating batcher plant ng Angat Dam. Ayon pa sa ulat, nagkaroon din leakage sa penstock ng dam at turbine draft
tube, nagkaroon bg ng seepage o pagkatas ng tubig sa
left abutment ng dike ng dam. Kinailangan nito ng agarang pagkukumpuni.
Hindi nakapasagawa ng pagsusuri sa penstock dahil hindi ito napatuyuan ng tubig
ng Napocor.
Habang
nagsasagawa ng imbestigasyon, nagpahatid agad ng kahilingan ang Napocor sa pamahalaan ng Japan para sa technical
assistance sa rehabilitation program.
1987 Pebrero—Agad na tumugon ang
Japan, nagsimula ang pag-aaral ng mga dalubhasa ng Japan International Cooperation Agency (JICA)
sa kalagayan ng Angat Damk.
1991 Hulyo 16—Niyanig ng lindol
ang Luzon partikular na ang mga Lungsod ng Baguio at Cabanatuan sa Nueva Ecija,
ngunit walang naitalang pinsala sa Angat Dam.
1992-Nagsimula ang
konstruksyon ng Umiray Angat Transbasin Project (UTAP), o ang 13-kilometrong tunnel mula sa Umiray,
Quezon na pinadadaluyan ng tubig patungo sa Angat Dam.
1992—Nilagdaan ang
Memorandum of Understanding sa pagitan ng Bulacan at Metropolitan Waterworks
and Sewerage System (MWSS) na nagkakaloob ng kabuuang 230 million liters per
day na alokasyong tubiginumin para sa Bulacan dahil sa pag-iiwi ng Angat Dam ng
tubig mula sa UATP. Ito ang basehan ng hindi pa natutuloy na Bulacan Bulk Water
Supply Project (Bulacan Bulk).
1992—Pinagtibay ng MWSS
Board ang resolution na ibinibilang nito ang Bulacan sa kanilang service area.
1993--Nagsimula ang Angat
Water Suplly Automization Project (AWSOP) na inireklamo ng Napocor dahil nalugi
sila ng P2.77-B, at taunang pagkaluging umaabot sa P36.26-M bawat taon. Ayon sa
Napocor ang kanilang energy at capacity losses sa Arheppay dahil paglilipat ng 15 cms na alokasyong tubig mula
sa patubuig ng magsasaka patungo sa karagdagang inumin ng kalakhang Maynila.
1993—Sa taong din ito
unang natukoy na ang Angat Dam ay malapit sa Marikina West valley Faultline na
nakabalatay sa ilalim ng lupa mula sa Angat Dam hanggang sa Taal Lake sa Batangas.
Ayon pa sa dokumentong mula sa Napocor,”
the dike has one of the steepest slope in the world.”
1993—Sa isang memorandum
ng Malakanyang, pinagtibay ang pagsasailalim sa Bulacan sa service area ng MWSS.
1997—Sinagasaan ang ng El
Nino ang bansa at naitala ang pinakamababang water elevation sa 30-taong
kasaysayan ng Angat. Nagtiis ang magsasakang Bulakenyo at pansamantalang
ipinagkaloob ang alokasyong tubig sa kanilang bukirin para sa kapakanan ng
kalakhang Maynila. Hindi na nabalik ang
alokasyong ipinahiram ng magsasaka sa MWSS.
1997 Disyembre—Iniulat ng
Powerlines, isang newsletter ng Napocor ang madaliang pagpapakumpuni sa lownlevel
outlet ng Angat Dam na dapat nasimulan noong Pebrero 1999. Ang low
level outlet ay huling nagamit noong 1992 dahil sa El Nino.
2000 Hunyo—Pinangunahan ni
dating Pangulong Joseph Estrada ang pagpapasinaya sa 13-kilometrong UATP.
2002
Nobyembre 29—Sa kanyang Report No.1
sinabi ni Dr. Kaare Hoeg ng Norwegian Technical Institute na “the new information
about the Marikina Fault and the uncertainties
related to future earthquake loads, and due to the lack of performance
monitoring to evaluate the present conditions of the structures, the level of
risk involve (product of probability of failure and consequences of failure) is unacceptable
2004—Nagsampa ng kaso ang
Bulacan sa pangunguna ni dating Gob.Josie Del Cruz laban sa Napocor dahil sa
hindi pagbabayad ng National Wealth Tax.
Nanalo sa RTC ang kaso, inapela ito ng Napocor sa Court of Appeals na
noong 2008 ay kumatig sa Bulacan. Sa kasalukuyan nakabinbin sa Korte Suprema ang
kaso.
2004 Nobyembre 25-Nanalasa ang bagyong
Winnie sa Gitnang Luzon sa sinundan agad ng bagyong Yoyong. Naghatid itong pagbaha sa Bulacan noong unang
linggo ng Disyembre. Ngunit ang pinakamalaking pinsala nito ay sa UATP. Nabarahan ng mga troso, tipak ng bato at
putikang 13-kilometrong tunnel kaya’t Marso pa lamang ng sumunod na taon ay
mababa na ang tubig sa dam. Ang kontrata sa paglilinis at pagkukupuni sa UATPay nasungkit ng CM Pancho Engineering
Corporation.
2005 Pebrero 4 --Iniulat ng Manila
Times na sinundan ng Mabuhay ang pagkalat ng mga itim na container sa kailugan
ng Sitio Macua sa DRT na bahagi ng Angat dam reservoir. Ang mga itim na container
ay pinaglagyan ng mga kemikal na ginamit ng Italyanong kontraktor sa pagbutas
ng 130 kilometrong tunnel.
2007
Oktubre-Disyembre—Naging
mainit ang mga sesyon sa Sangguniang Panglalawigan na ilang beses na inabot ng
hating gabi at madaling araw hinggil sa usapin sa Bulacan Bulk. Ang usapin ay
nakasentro kung iuurong o itutuloy ang demanda ng kapitolyo laban sa MWSS
hinggil sa di pagbabayad ng national wealth tax. Sa huli,namayani ang kapanalig
sa Sanggunian ni Gob. Mendoza at napagtibay ang kasunduan sa pagitan ng MWSS at
Bulacan.
2009 Setyembre—Inilahad sa
Sangguniang Panglalawigan ng Bulacan ni Dr. Renato Solidum, executive director
ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na ang MWVF ay
may 200 metro lamang ang layo sa dike ng Angat Dam at ito ay hinog na samuling
paggagalaw. Ayon kay Solidum, ang MWVF
ay gumagalaw tuwing ika-200 hanggang ika-400 taon at noong 2009ay tapos na ang
ika-200 taon kayat anumang oras ay maaaring gumalaw ito at lumikha ng lindol na
may lakas na 7.2magnitude na posibleng sumira sa Angat Dam. Dahil dito nagbabala si Solidum na “Bulacan
must prepare for the worst.”
2009 Setyembre 25—Isang araw bago
manalasa ang Bagyong Ondoy, sinabi ng
Provincial Disaster Coordinating Office (PDCRO) na nakahanda ang Bulacan sa
malawakang kalamidad tuladng pagbaha.
2009 Setyembre 26—Nagbuhos ng malakas
na ulang ang bagyong Ondoy sa Kalakhang Maynila na naging sanhi ng malawakang
pagbaha; maging sa bahagi ng San Jose delMonte City, Bulacan at Rodriguez, Rizal na naging sanhi ng malalim at biglang pagbaha
sa mga bayan ng Sta. Maria, Bocaue, Balagtas, Marilao, Obando at Lungsod ng
Meycauayan. Makalipas ang isang linggo, lumubog sa backflood ang Hagonoy at
Calumpit.
2009 Setyembre 27—Sa agarang pulong ng
Provincial Disaster Coordinating Council ng Bulacan (PDCC) isinalalim ang lalawigan
sa state of calamity. Inamin din ni Gob. Joselito Mendoza na hindi handa ang Bulacan
sa malawakang kalamidad.
2010 Hulyo –Naitala ang
pinakamababang water elevation sa Angat Dam dahil sa El Nino. Ito ay bumaba sa
157 masl.
2011 Setyembre 27—Nanalasa ang Bagyong
Pedring nanaging dahilan pagkaputol ng kuryente at pagbaha sa Hagonoy at Calumpit.
2011 Oktubre 1—Nasa kalaliman pang bahang
hatid ng bagyong Pedring ay nanalasa naman ang bagyong Quiel na naghatid ng
dagdag na pagbaha. Isa sa sinisi sa
pagbaha ay ang pagpapatapon ng Angat Dam ng halos 1,700 cms ng tubig.
2011 Oktubre 8—Galit na nagpahayag
si Gob. Wilhelmino Alvarado sa palatuntunang Rommel Ramos Po sa radyo DWSS na
pangungunanan niya ang pagsasampa ng kaso laban sa Napocor dahil sa paghabang
hatid ng pagpapatapon ng Angat Dam ng tubig sa Angat river na sinisisi sa
pagbaha sa Hagonoy at Calumpit.
Kinabukasan, ito ay nalathala sa bilang banner story sa pahayagang
Philippine Star.
2011 Oktubre 10—Ipinatawag sa
Malakanyang si Alvarado hinggil sa banta ng pagdedemanda laban sa Napocor.
Ngunit naigiit niya ang agarang pagpapakumpuni sa Angat Dam.
2011 Nobyembre 11—Sa kauna-unahang pagkakataon,
nakaharap ng pormal ni Alvarado ang dam safety expert na taga-Hagonoy na si Inhinyero
Roderick Dela Cruz na nakabase sa California. Ipinakita ni dela Cruz ang
kanyang presentasyon kay Alvarado na nag-alok na isasama siya sa Technical
Working Group para sa Angat Dam Rehabilitation program.
2011 Nobyembre 11—Isinumite ni Kint.
Marivic Alvarado anfg panukalang batas para sa national dam safety program sa Kongreso
matapos ang isang privileged speech.
2011 Disyembre—Naglabas ng $1-M ang
Power Sector Assets and Liabilities Management (Psalm) para sa pagsasagawa ng feasibility study sa
katatagan ng Angat Dam. Ito ay ipinagkaloob sa Tokin & Taylor International
(T&T) at Engineering and Development Corporation of the Philippines
(Edcop).
2012 Mayo—Nakumpleto ang
feasibility study ng T&T at Edcop at kabilang sakanilang rekomedasyon ay
ang agarang rehabilitasyon sa Angat Dam, pagtatayo ng auxiliary spillway at
pagsasagawa ng site specific seismic study.
2012 Hunyo 21—Inihayag ni Arkitekto
Gerry Esquivel, administrador g MWSS na nakahanda na ang P5.7-Bilyon piso para
sa rehabilitasyon ng Angat Dam na magmumula sa pondo ng MWSS. Sinabi ni
Esquivel na aabutin ng 42 buwan ang rehabilitasyon at ito at matatapos sa 2016.
2012
Oktubre—Kinatigan ng Korte Suprema ang pagwawagi ng Korea Water Resources
Corporation (K-Water) bilang winning bidder sa pagsasapribado ng 246 megawatt
na Arhepp.
2013
Pebrero—Makalipas ang mahigit anim na buwan, hindi pa nasimulan ang bidding
para sa rehabilitasyon ng Angat Dam. Ngunit ayon sa MWSS, malapit na itong
masimulan.
2013 Abril 4—Matapos ang exit presentation
ni Inhinyero dela Cruz sa ilalim ng Balik-Scientist Programng DOST at nangako
si Gob. Alvarado na isusulong ang dam safety legislation sa Sangguniang
Panglalawigan.
2013 Agosto 30—Tiniyak ni MWSS
Gerry Esquivel na mapipirmahan na I Pangulong Aquino ang dokumento para sa
pagpapasubasta ng rehabilitasyon ng Angat Dam sa Disyembre 2013.
2013 Setyembre 2—Pormal na ipinagkaloob
ng Psalm ang Certificate of Effectivity (CoE) sa K-Water bilang winning bidder
sa pagsasapribado ng Arhepp.
2013 Setyembre 17—Humarap sa
Sangguniang Panglalawigan si Inhinyero Dela Cruz dalawang araw matapos tumanggap
ng Dangal ng Lipi award. Nagbigay siya ng presentasyon sa SP hinggil sa
kahalagahan ng local legislation sa dam safety program. Pinaboran itong SP, pero
hanggang ngayon ay wala pahg nabubuong panukalang batas.
2013 Oktubre 15—Niyanig ng malakas
na lindol ang Bohol at Cebu. Ngunit ang higit na takot at tumining sa Bulacan
partikular na kay Alvarado na nagsabing, “paano kung sa Bulacan nangyari yon?”
2013 September 15—Inilahad ng isang
consultant ng MMDA samga mamamahayag na lumahok sa Lopez Jaena Journalism Fellowship
on Disaster Reporting sa UP-Diliman na kung gagalaw ang MWVF at lilikha ng
lindolna 7.2 magnitude, aabot sa 33,000 ang masasawi sa kalakhang Maynila, at
posibleng magkaputol-putol sa 4,000 piraso ang aqueduct at pipelines ng MWSS,
Maynila at Manila Water na maghahatid ng krisis sa tubig sa kalakhang Maynila.
2013 Oktubre 16—Nagpulong ang mga kinatawan
ng MWSS, Napocor, National Irrigation Administration (NIA) at Bulacan sa Edsa
Shangrila Hotel. Sentro ng usapan ay
kung sino ang magpapakumpuni gagastos sa pagpapakumpuni sa Angat Dam. Ito ay
matapos ilahad ni Esquivel na bahagi ng kontrata ng K-Water ay ang paggastos ss
isasagawang rehabilitasyon sa Angat Dam.
2013 Nobyembre—Isang mataaas na
opisyal ng Napocor ang nagsabi sa Mabuhay na natakot si Esquivel na mademanda
kaya iniurong ang P5.7-B pondo para sa pagpapakumpuni sa Anhat Dam. Ito ay
dahil kung popondohan din ito ng K-Water, lalabas na doble ang gastos.
2013Nobyembre 8—Sinagasa ng super bagyong
Yolanda ang Visayas, Mabuti na lamang at hindi nagbago ng direksyon dahil kung
bahagyang kumanan ito sa Luzon, malaki ahg posibilidad naumapaw ang Angat Dam
dahil noon ay 208 masl na ang water elevation nito, Kinabukasan, umangat sa 211
masl ang tibig sa Angat Dam.
2013 Nobyembre 12—Nagpulong ang mga
kasapi ng Angat Dam and Dyke Safety Technical working Group sa La Mesa Dam sa
Quezon City kung saan ay inihanda ang ipiprisintang Emergency Action Plan (EAP)
sa Bulacan bilang paghahanda sa posibleng pagkasirang Angat Dam dahil sa lindol
o bagyo.
2013
Nobyembre 12—Tiniyak ni Noel Ortigas, Executive Vice President ng EdCop na 50
hanggang 60 porsyento ng Bulacan ang maaapektuhanng posibleng pagkasira ng dam
kapag luminddol ng malakas. Sa
paglilinaw sa kanya, sinabi ni Ortigas na hindi lahat ng may 3-M Bulakenyo aay
mamamatay. Sa halip ay tinataya niyang
aabot lamang sa 100,000 ang mamamatay sa Bulacan.
2013 Nobyembre 28—Igiiit ni Gob.
Alvarado na masyadong konserbatibo ang pagtaya ni Ortigas at nagpahayag siya ng
pangamba na maaaring umabot 500,000 ang masasawi sa Bulacan. Inihalintulad pa
niya ang posibleng pagkasirag Angat Dam sa pagsabog ng bombing nukleyar dahil
sa posibilidadng dami ng masasawi.
2013 Disyembre 2—Pinangunahan ng
PDRRMC ang pulong para sa pagsasagawa ng earthguak at dam break drillsa
Bulacan.
2013 Disyembre 9—Orientasyon para sa
mga mamamahayag at mga rescue groupna kalahok sa pagsasagaawa ng earthquake at
Angat Dam Break Drill. Nsgsimula na ring ilabas ng PDRRMO ang mga flood o
inundation map para sa mga bayang apektadong dam break.
2013 Disyembre 13—isinagawa ang Earthquake
at Dam Break Drill sa Lungsod ng Malolos na nilahukan ng may 12,500 mag-aaral
at mga kawani ng gobyerno.
Bago
matapos ang nasabing drill,hindi kayat din ang bawat bayan at lungsod sa
Bulacan na maghanda ng sariling EAP at magsagawang sariling dam break drill. Dino Balabo
bakit mismong Angat na derektang tatamaan ng pagguho ng Angat dam ay walang preparasyong ginagawa no nagbibay ng hazard map sa mga mamamayan?
ReplyDelete