MALOLOS—Inaasahang
masisimula sa susunod na taon ang pagkukumpuni sa Angat Dam matapos maisalin
ang isasapribadong bahagi nito sa pamamahala ng Korrean Water Resources
Corporation (K-Water) sa unang bahagi ng 2014.
Ngunit
ang pahayag na ito ay posibleng hindi matuloy ayon sa naunang pahayag ng isang
dam safety expert dahil mahaba pa ang prosesong dadaanan ng pagsasapribado at
pagkukumpuni sa dam.
Sa
isang pahayag na inilabas noong Disyembre 9 ng Power Sector Assets and
Liabilities Management Corporation (Psalm), kabilang sa obligasyon ng K-Water
ang pagsasagawa ng mandatory rehabilitation sa dam.
Ang
K-Water ay isang kumpanyang Koreano na
nagkamit ng kontrata para pamahalaan ang bahagi ng 218 megawatt ng isinasapribadong
Angar River Hydro Electric Power Plant (Arhepp)).
Ang
Arhepp ay ang bahagi ng Angat Dam na ginagamit sa paglikha ng kuryente sa
pamamagitan ng mga turbinang pinatatakbo ng tubig mula sa dam.
“Under
the Angat HEPP operation and maintenance (O&M) agreement, K-Water has the
obligation to perform the mandatory rehabilitation activities to make Angat dam
and its related facilities conform to international standards,” sabi ni
Emmanuel Ledesma, pangulo ng Psalm.
Nilinaw
ni Ledesma na ang pagsasagawa ng pag-aaral sa katatagan ng Angat Dam ay
isinagawa bago pa ipagkaloob ng Psalm ang kontrata sa K-Water.
Iginiit
pa niya na maaaring gamitin ng K-Water ang mgas naunang pag-aaral hinggil sa
katatagan ng Angat Dam, at maaari din
itong magsagawa ng sariling pag-aaral para sa pagbuo ng pinal na disenyo para
sa pagpapatibay sa dam.
“K-Water
under the O&M agreement for the non-power components, however, can engage
the services of at least two independent consultants to conduct its own study,”
sabi ni Ledesma.
Ayon
pa sa pahayag ng Psalm, sinab i naman ni Metropolitan Waterworks and Sewerage
System (MWSS) administrator Gerardo Esquivel na, “Angat dam and dyke
rehabilitation is one of the key infrastructure projects of the government
which we’re hoping will start next year through K-Water.”
Ito,
ayon kay Esquivel ay matapos magpulong ang mga kinatawan ng MWSS, PSALM,
National Power Corp., K-Water at
pamahalaang panglalawigan ng Bulacan noong Nobyembre 20 hinggil sa
implementasyon ng panukalang rehabilitasyon sa dam.
Ayon
kay Esquivel, isinasapinalna nila ang mga iskedyul samantalang bumubo na ng modelo
ng Angat Dam ang K-Water sa kanilang laboratoryo sa Korea.
Ang
scale modeling dam ay inaasahang matatapos ngayong Disyembre, at pagkatapos
nito ay magsasagawa ng pagsusuri ang K-Water sa mga impormasyong naipon na
inaasahang matatapos sa Marso 2104.
“We
already gave them a Tonkin and Taylor study. So using this study and their
laboratory and whatever independent studies they have, then we’re ready to
proceed with the project,” sabi ni Esquivel.
“So
we hope in the middle of next year, they already have an actual method that
will be used in the rehabilitation and the project will already start by then,”
dagdag pa niya.
Ayon
pa kay Esquivel, ang pagbuo ng disenyo at pagsasagawa ng rehabilitasyon sa dam
ay tatagal ng 42 buwan.
Una
rito, sinabi ni Inhinyero Roderick Dela Cruz, isang Bulakenyong dam safety
expert na nakabase sa California na kung ang K-Water ang gagastos sa
pagpapatibay sa Angat Dam ay maaaring matagalan ito.
Sinabi
ni Dela Cruz na metikuloso ang mga K-Water dahil may sarili itong mga dalubhasa
sa pag-aaral sa dam.
“May
posibilidad na hindi gamitin ng K-Water ang pag-aaralna isinagawa ng Tonkin
& Taylor dahil mas sanay silang gumawa ng pag-aaral sa dam,”sabi ni Dela
Cruz patungkol sa anim na buwang feasilibity study sa katatagan ng dam.
Nilinaw
niya na maikli ang anim na buwang
ginugol ng Tonkin & Taylor sa pagpaaral, at inihalimbawa na sa
Estados Unidos, umaabot sa tatlong taon ang pag-aaral sa dam bago simula ang
rehabilitasyon.
Isa
sa binigyang pansin ni Dela Cruz ay ang kawalan ng site specific seismic study
sa isinagawang pag-aaral ng Tonkin and Taylor.
Ang
site specific seismic study sa Angat Dam ay lubhang mahalaga upang matukoy kung
gaano kalakas ang lindol na ihahatid ng paggalaw ng MWVF.
Ayon
pa kay Dela Cruz isinasaad ng Terms of Reference sa nasabing feasibility study
na ang pangunahing dahilan ng pag-aaral ay upang matukoy ang katatagan ng dam.
Ngunit
ayon kay Noel Ortigas, Executive Vice President ng Engineering and Development
Corporation of the Philippines (Edcop), hindi sila nagsagawa ng site specific
seismic study dahil nasasagawa na ng pag-aala ang Philippine Institute of
Volcanology and Sesimology (Phivolcs) sa kahabaan ng MWVF.
Ito
naman ay kinumpirma ni Inhinyero Romualdo Beltran ng Napocor Dam Management
Division ng kanyang sabihing ngsasagawa ng trenching study ang Phivolcs sa
MWVF.
Gayunpaman,
sinabi ni Dela Cruz na gamitin man ng K-Water ang pag-aaral ng Tonkin and
Taylor at Phivolcs, magsusuri pa rin ang K-Water upang matiyak ang katatagan ng
dam.
Kasunod
nito ay ang pagbuo ng disenyo at aktwal na rehabilitasyon. Dino Balabo
No comments:
Post a Comment