Angat Dam sa Norzagaray, Bulacan. |
MALOLOS—Dapat
magsagawa ng pag-aaral upang matiyak ang katatagan ng Angat Dam laban sa lindol
matapos yanigin ng lindol na may lakas na 7.2 ang lalawigan ng Bohol.
Ito
ang payo ni Inhinyero Roderick Dela Cruz, isang dam safety expert na Bulakenyo
na nakabase sa Estados Unidos.
Ang
panukala ni Dela Cruz ay kinatigan ng kapitolyo dahil sa pananaw na ang Bulacan
ang unang mapipinsala kapag gumalaw ang West Marikina Valley Faultline na
inaasahang maghahatid ng kasing lakas na lindol na nagpayanig sa Bohol.
Bukod
dito, kinatigan din ng kapitolyo ang pananaw ng mga opisyal ng National Power
Corporation na hindi sapat ang isinagawang feasibility study o pagpaaral sa
Angat Dam halos dalawang taon na ang nakakaraan.
Sa
panayam ng Mabuhay sa Skype kay Dela Cruz noong Lunes, Oktubre 21.
Bilang
isang lead dam safety engineer ng Southern California Edison (SCE) at naging
bahagi ng technical working group sa planong rehabilitasyon sa Angat Dam,
sinabi ni Dela Cruz na kailangang magsagawa ng cite specific seismic study sa Angat Dam.
Importante
itong seismic study dahil kailangang matiyak at matukoy natin yung
maximum
credible earthquake (MCE) na maaaring makaapekto sa Angat Dam,” sabi ng
inhinyero.
Ipinaliwanag
niya na ang MCE ay isang pamamaran upang matukoy ang pinakalamas na posibleng
lindol na magpagayanig.
Ayon
kay Dela Cruz, kapag natukoy na ang pinamakamalakas na lindol, maaari ng gumawa
ng mga hakba kung paano ito tutugunan, kasam rito ay ang rehabilitasyon.
“It
is a design criteria we use in risk analysis on dams in the United States, kailangan malaman natin yung MCE para
doon maiakma ang disenyo sa rehabilitasyon,” sabi niya.
Ipinaliwanag
ni Dela na lubhang mahalaga ang hakbang na ito dahil kung ang disenyo ng dam ay
para lamang sa magnitude 6 na lindol at ang yayanig ay 7.2, tiyak na masisira
ang istraktura.
“Kailangang
matukoy natin ang MCE para ma-increase natin ang level ng comfortability natin
na kahit lumindol ng 7.2 ay hindi tayo basta nangangamba dahil alam nating kaya
nung disenyo yung lindol,” sabi ni Dela Cruz.
Bilang
isang dam safety expert, sinabi ni Dela Cruz na samantalang ang mga dam ay
isang mahalagang imprastraktura, ito ay naghahatid rin ng panganib dahil sa
dami ng tubig na maaaring rumagasa kung sakaling ito ay masisira.
Sa
kalagayan ng Bulacan, nagbabala si Dela Cruz na kung masisira ng lindol ang
Angat Dam, raragasa ang tubig at sasagasaan mapipinsala ang lahat ng nasa
direksyong dadaanan ng tubig.
“Hindi
na nananakot ako, pero kailangan alam natin may mga ganitong posibilidad ng panganib para makakilos at makapaghanda
tayo,” sabi ng Inhinyero mula sa bayan ng Hagonoy.
Batay
sa may naunang pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology
(Philvolcs), ang Angat Dam ay nakaupo sa splay o sanga ng West Marikina Valley
Faultline (WMVF).
Kung
gagalaw ang WMVF, ayon sa Phivolcs, lilikha ito ng lindol na may lakas 7.2
magnitude.
Ayon
kay Renato Solidum, ang WMVF ay maaaring gumalaw anumang oras.
Dahil
dito, inilarawan ni Dela Cruz na ang pagkasira ng Angat Dam sanhi ng lindol ay
maaari ding maganap anumang oras.
Gayunpaman,
binigyang diin niya na maaaring hindi masira ang dam dahil ito ay rock and
earth filled dam o gawa sa pinagpatong-patong na bato at lupa.
Batay
sa sa mga impormasyong inilahad ni Dela Cruz, ang rock and earth filled dam ay
karaniwang itinatayo sa mga lugar na palagiang nililindol tulad ng Pilipinas.
Dahil
dito, muli niyang iginiit ang pag-aaral upang matukoy ang maximum credible
earthquake. (Dino Balabo)
Bakit hindi inaaksyunan ng Gobyerno yan habang wala pang problemang malaki? Malaki nga ninakaw ni Napoles dapat bawiin at ilaan sa mga proyekto para s mamamayang Pilipino
ReplyDeleteYan talagang Pangulong Noynoy mahinang kumilos dapat pag aralan nya mabuti yan bago mahuli ang lahat Nasa huli ang pag sisisi at sisihan sa bandang huli pa lang naman Ouch!
Pres. Aquino na nmn,,db pwedeng mga local official mna ng Bulacan at mga district congressman ang mghain nito...db nmn superman c pres. Pnoy pra mtugunan lhat yan at pg aralan dahil mrami din cyang trabho...isip isip din pg me time....
ReplyDelete