HAGONOY,
Bulacan—Naghahanda na ngayon ng mga pamamaraan ang mga kasapi ng municipal
disaster risk reduction management office (MDDRMO) sa bayang ito sa posibilidad
ng pagkasira ng Angat Dam.
Ito
ay dahil sa maaaring walang masulingan ang mga resident e ng Hagonoy at
Calumpit kung sakaling masisira ang Angat Dam na maghahatid ng malalim at
malawakang pagbaha.
“Definitely,
walang evacuation center sa Hagonoy at Calumpit,” sabi ni Liz Mungcal, ang hepe
ng provincial disaster risk reduction management office (PDRRMO) na nagmula rin
sa bayang ito.
Ang
pahayag ni Mungcal ay kanyang inilahad sa mga kasapi ng mga disaster risk
reduction management office (DRRMO) ng ibat-ibang bayan at mga mamamahayag noong Lunes, Disyembre 9
kaugnay ng isang oryentasyon hinggil sa planong earthquake at dam break drill.
Ito
ay kanyang inihayag matapos ipakita sa mga kasapi ng DRRMO ang Angat Dam break flood map o mga mapa ng
bawat bayang maaapektuhan ng posibleng pagkasira ng Angat Dam kung lilindol ng
may lakas na 7.2 magnitude.
Makikita
sa mga nasabing mapa ang posibleng maging lalim ng baha sa bawat barangay sa
mga bayan at lungsod na maaapektuhan ng kung masisira ang Angat Dam.
Ang
sipi ng mga mapa na nagmula sa Tonkin and Taylor International (T&T) at
Engineering and Development Corporation of the Philippines (EDCOP) ay
ipinagkaloob ng PDRRMO matapos isaayos ng Provincial Planning and Development
Office (PPDO).
Batay
sa nasabing mapa, ang bahang ihahatid ng pagkasira ng dam ay nasa pagitan ng
isa hanggang 30 metro ang lalim, depende sa mga lugar.
Sa
bayan ng Hagonoy, tinatayang aabot lamang sa isang hanggang tatlong metro ang
maaaring maging baha ayon sa inundation map mula sa T&T at EDCOP.
Ngunit
sa kabuuan, sinasabi ng T&T at EDCOP na posibleng madagdagan pang lalimng
baha sa bawat bayan ng dalawa hanggang tatlong metro, depende sa sitwasyon.
Sa
kabila nito hindi kumbinsido si Mungcal at Gob.Wilhelmino Alvarado na kapwa
nagmula sa bayang ito na aabot lamang sa isa hanggang tatlong metro ang lalim
ng baha sa Hagonoy, na posibleng umabot sa anim na metro kung isasama ang
margin of error.
Ito
ay dahil na rin sa mga nagdaang karanasan ng Hagonoy noong 1978 at 2001 kung kailan lumubog ang nasabing
bayan sa malalim na baha.
Ang
sitwasyong ito ay unang binigyang pansin ni Inhinyero Roderick dela Cruz, isang
dam safety expert mula sa Hagonoy na nakabase sa Estados Unidos.
Sa
kanyang pag-aaral habang nagsisilbing tagapayo ni Alvarado sa ilalimng Balik
Scientist Program (BSP) ng Department of Science and Technology (DOST), inihayag
ni Dela Cruz ang resulta ng kanyang pananaliksik.
Batay
sa pagsasaliksik ni Dela Cruz, ang lumubog sa mahigit dalawang metro baha ang
Hagonoy noong 1978 matapos magpatapon ng 5,000 cubic meters per second (cms)ng
tubig ang Angat Dam.
Noong
2011, umabot sa 1,700 cms ng tubig ang pinatapon ng Angat Dam at lumubog sa
halos dalawang metrong baha ang bayang ito.
Ayon
kay Dela Cruz, kung masisira ang dam, posibleng rumagasa ang 800-Milyon
hanggang 900-milyong kubiko metro ng tubig mula sa Angat Dam patungo sa Manila
bay na dadaan sa mga bayan sa gilid ng Angat River kasama ang Calumopit at ang
bayang ito.
Batay
sa pagtaya ni Dela Cruz, maaaring umabot sa 20 hanggang 60 talamapakan ang
lalim ng maging baha sa bayang ito at sa Calumpit dahilsa dami ng tubiog na
lalabas mula sa dam.
Dahil
sa kalagayang ito, pinag-iisipan ng MDRRMO ang Hagonoy ang posibleng mag
solusyon.
“Hindi
simpleng ang paghahanda sa Hagonoy, kailangan ay maging akma sa sitwasyon,”
sabi ni Edgardo Montances,isang kasa;pi ng MDRMMO ng bayang ito.
Sinabi
pa niya na ilalahad niya ito sa pinuno ng MDRRMO upang higit na mapag-aralan.
Kabilang
naman sa mga posibleng solusyon ay ang paghahanda ng mga bangka sa bawat purok
ng mga barangay, bukod pa sapaghikayat ng mga mamamayan ng maghanda ng mga
salbabida.
Ito
ay dahil na rin sa mas mabagalang magiging daloy ng tubig sa Calumpit at
Hagonoy kumpara sa mga bayan ng San Rafael, Bustos, Baliwag at Plaridel na
posibleng pagragasa.
Bukod
sa mga bangka at salbabida,kailangang ding ihanda ng mga mamamayan ang mga
pangunahing kailangan tulad ng tubig, pagkaing de lata, baterya, flashlight,
gamot, ilang damit at mga pangunahing dokumento. (Dino Balabo)
No comments:
Post a Comment