Sunday, February 19, 2012

2 suspek sa pagpatay sa paslit sa Sta. Maria, kakasuhan na



STA. MARIA, Bulacan—Kalunos-lunos ang sinapit ng isang anim na taong gulang na batang babae sa bayang ito na natagpuang patay sa likod ng isang abandonadong bahay noong Sabado ng umaga.

Ayon sa pulisya, ginahasa rin ang paslit bago patayin ng salaring kakasuhan ngayong Lunes..

Ang biktima ay kinilala ng mga kaanak sa pangalang Angel Garcia, anim na taong gulang, residente ng Brgy. Caypombo sa bayang ito.

Batay sa ulat ng pulisya, ang biktima ay huling nakitang buhay bandang alas-4 ng hapon noong Biyernes habang nakikipaglaro sa isang kapitbahay.

Ngunit gabi na ay hindi pa umuuwi ang biktima, kaya’t noon di’y ipina-blotter ng mga kaanak na ito ay nawawala.

Noong Linggo ng umaga, natagpuan ang bangkay ng paslit sa likod ng isang abandonadong bahay na may 20 metro lamang ang layo sa bahay ng biuktima.

Marami din pasa sa katawan ang paslit na palatandaan na binugbog at pinahirapan ito bago pinatay.

Batay naman sa pagsisiyasat ng mga kasapi ng Scene of Crime Operatives (Soco), nakarecover sila ng isang walang laman na supot ng Piatos, at lapis ng biktima sa loob ng abandonadong bahay.

Ayon sa pulisya, posibleng ang Piatos ang ginamit na pang-akit ng salarin upang maisama ang biktima sa loob ng abandonadong bahay.

Batay sa pahayag ng pulisya kaninang umaga (Lunes), dinakip na nila ang kapitbahay ng biktima kasama ang kasambahay na kasabwat, at nakatakdang sampahan ng kaso ngayong araw ng Lunes.

No comments:

Post a Comment