Tuesday, February 7, 2012

PAGHAHANDA SA KALAMIDAD: Seal of Disaster Preparedness, hamon sa LGU



MALOLOS— Hinamon ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga pamahalaang lokal sa bansa na higit na pataasin ang antas ng paghahanda laban sa kalamidad sa taong ito.

Kaugnay nito, ipinangako rin ng DILG na nakatakda silang magkaloob ng “Seal of Disaster Preparedness” (SDP) para sa mga natatanging pamahlaang lokal.

Ayon kay Jesse Robredo, kalilhim ng DILG, ang pagpapataas ng antas ng paghahanda laban sa kalamidad sa pamamagitan ng pagppaatupad ng programa hinggil dito ay bahagi ng mabuting pamamahala o good governance.

“Dalawa ang elemento ng pamamahala,” ani Robredo sa mga dumalo sa unang Talakayan hinggil sa Mabuting Pamamahala sa Kapitolyo ng Bulacan noong nakaraang linggo, “kapangyarihan at o pananagutan.”

Nilinaw niya na dapat isaisip ng mga namumunong lingkod bayan na ang malaking bahagi ng pagkakahalal sa kanila ng taong bayan ay nangangahulugan ng mas mataas na pananagutan.

Ayon kay Robredo, ang pananagutang ito ay nakaugnay sa pagbibigay proteksyon sa mga mamamayan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga programang may kinalaman sa paglaban sa kalamidad.

Binigyang diin ni Robredo ang dapat isipin ng mga halal na opisyal ay hindi ang susunod na halalan, sa halip ay trabaho muna.

Ipinaliwanag niya na sa pamamagitan ng mga programang panglaban sa kalamidad, tiyak na “panalo ang bayan, panalo ang mamamayan,  at baka manalo rin kayo sa susunod na halalan.”

Ayoin sa kanya napapanahon ang pagpapataas ng natas ng kakayahan ng mga pamahalaang lokal laban sa mga kalamidad dahil sa nararamdaman na ang epekto ng climate change sa bansa.

Ilan sa mga palatandaan nito ay ang mapanirang pagbahang hatid ng malalakas na pag-ulan may bagyo o wala.

Ilan sa halimbawa ng mapanlantang pagbahay ay ang bahang nanalasa sa Calumpit at Hagonoy noong Setyembre at Oktubre; at sa mga Lungsod ng Cagayan De Oro atr Iligan sa Mindanao noong Disyembre 16.

Ayon kay Robredo, hindi lamang niya hinihikayat ang mga namumuno sa mga pamahalaang lokal, sa halip ay hinahamon niya.

 “We will asses every LGU’s disaster preparedness programs because it is part of their responsibilities and a clear measurement of good governance,” ani ng kalihim sa isang ambush interview ng Mabuhay noong Huwebes, Pebrero 2.

Ipinaliwanag niya na ang SDP ay magkakaroon ng ibat-ibang kategorya dahil sa pagkakaiba ng mga kalagayan ng  mga pamahalaang lokal.

Sinabi ni Robredo na mga mga pamahlaang lokal na palagiang binaha samantalang ang iba naman ay nasa landslide, earthquake prone areas, at ang iba ay mga nasa baybaying dagat.

Ang mga kinalalagyang ito ng mga pamahalaang lokal, ayon sa kalihim ay nangangahulugan magkakaibang paghahanda.

Binigyang diin niya na dapat pagyamanin ng mga pamahalaang lokal ang kanilang kakayahan at kaalalaman upang makatugon ng akma at napapanahon sa kalamidad.

No comments:

Post a Comment