NORZAGARAY, Bulacan—Pormal na tinanggap ni dating Punong Mahistrado Reynato Puno ang pagiging legal consultant ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) kung saan ay susuweldo siya ng piso sa loob ng isang taon.
Add caption |
Ito ay sa kabila na ang humalil sa kanyang bilang punong mahistradoi na si Renato Corona ay sumasailalim sa impeachment trial kung saan ay inakusahan na nagtatago ng milyon-milyong piso, bukod pa sa depositong dolyar sa bangko.
“This is a P1 a year job,” ani Puno matapos na lumahok sa isang inspeksyon sa ipo Dam Watershed noong Huwebes, Pebrero 16.
Kasama niya sa nasabing pagsisiyasat sa watershed si Gerado Esquivel, ang administrador ng MWSS at si Grace Padaca, ang dating gobernador ng Isabela.
Bilang dating Punong Mahistrado, si Puno ang magsisilbing legal advisor ng Integrated Watershed Management System (IWMS) ng MWSS, kung saan ay pangunahin niyang trabaho ay lumikha ng legal na batayan para sa IWMS.
Bahagi nito ay ang konsolidasyon ng iba pang batas na tumutiukoy sa pangangalaga sa watershed, at pagbuo ng koordinasyon sa ibat-ibang ahensiya na nangangalaga sa watewrshed.
“Its payback time,” ani Puno patungkol sa kanyang bagong trabaho.
Iginiit niya na siya ay naging mapalad sa paglilingkod sa gobyerno at malaki ang naitulong nito sa kanya.
Hinggil naman sa pangangalaga sa watershed, sinabi ni Puno na bahagi ito ng kanyang personal na adbokasiya.
Sa kanyang panungkulang bilang punong mahiostrado ng Korte Suprema, ang paglilingkod ni Puno ay namarkhan ng “judicial activism.”
Siya ang nanguna at gumabay sa Korte Suprema sa pagbuo ng Writ of Habeas Data, Writ of Amparo at Writ of Kalikasan.
Ang Writ of Kalikasan ay itinuturoing na kauna-unahan sa mundo. Ito ay nagtatakda ng mga proseso sa pagsasampa ng kaso sa mga lumabas sa batas pangkalikasan.
Dahil sa Writ of Kalikasan, sinauman, indibidwal man o samahan ay maaaring magsampa ng kaso sa Korte Suprema hinggil sa mga gawaing nakakasira sa kapaligiran at kalikasan.
No comments:
Post a Comment