Sunday, February 19, 2012

Kawani ng Malolos City tinodas ng text mate

 
MALOLOS CITY--Malagim ang naging wakas ng buhay ng isang bading na kawani ng pamahalaang lungsod ng Malolos matapos  na ito'y bagsakan sa ulo ng bato at laslasin ang leeg ng textmate.

Ang biktima ay nakilalang si Crisanto Tolentino, 37 anyos, kawani sa tanggapanni Vice Mayor Bebong Gatchalian ng lungsod na ito, at nakatira sa Barbara Street, Menzyland Subdivision.

Inamin naman ng isa sa dalawang inarestong suspek ang pagpaslang  matapos siyang tumangging makipagtalik sa biktima.

Ayon kay John Paulo Mercado, 23, binata, naging katext-mate niya si Tolentino ng minsang magkita sila sa kapitolyo ng Bulacan.

Ikinuwento ni Mercado na inimbitahan siya ng biktima sa bahay nito upang mag-inuman doon, ngunit ng siya ay magpunta, gusto muna daw nito na magtalik sila bago mag-inuman.

Dahil dito, nagdilim ang paningin ni Mercado at binagsakan ng bato sa ulo ang biktima.  Nguniyt nanlaban pa ang biktima kaya't nilaslas niya ang leeg nito.

Si Mercado ay naaresto ng pulisya matapos maaresto ng pulisya si Roden Dela Cruz na nagtangkang ibenta ang motrosiklong Honda XRM ng biktima  na may plakang )R-5231 sa Brgy. Balayong.

Walang bumili sa motorsiklo kaya iniyan ito ni Dela Cruz, ngunit ng balikan niya ito kinabukasan ay nasa kustodiya ng ng barangay ang motorsiklo at siya inaresto.

Pinasinungalingan naman ng pamilya ng biktima ang akusasyon ng suspek na sa Mercado.

Ayon kay Rosalinda Tolentino, ina ng biktima, dapat lamang pagdusahan ni Mercado ang malagim na pagpatay sa kanyang anak.

Sinabi ni Tolentino na huli nilang nakitang buhay aqng biktima noong Miyerkoles, Pebrero 15, at inakala na ginabi lamang ito.

Ngunit kinabukasan ay hindi pa rin nila nkita ito at ibakalang maagang pumasok sa Malolos City hall.

Gayunpaman, iniulat nila sa pulisya ang pagkawala ng biktima, at ng puntahan ng pulisya ang bahay nito, tumambad sa kanila ang nakadapang bangkay na naliligo sa sariling dugo matapos na puwersahang buksan ang pinto.

1 comment:

  1. Kung sino ka mang journalista ka na nagsulat ng articel na ito tanong ko lang sa iyo Nag imbitiga ka ba ha??????? Isang malaking kasinungalingan ang sinulat mo na niyayang makipag inuman ni Tolentino si JOHN PAULO MERCADO dahil hindi po umiinom ang biktima. BAkit hindi ninyo tinanong kung saan dinala ni Mercado ang 3 mobil na ninakaw niya bukod sa motor. At bakit di ninyo halukayin kung anong klase tao demonyo iyan si JOHN PAULO MERCADO isa siyang magnanakaw at ADIK.Payo ko lang bago kayo maglabas ng ganitong issue at sana may police statement din kayo. Ayusin ninyo ang pag rereport ninyo sa palagay ko eh mukhang one sided lang kayo.

    ReplyDelete