MALOLOS—Hindi ako
susuko, hindi ako pugante, at inosente ako!
Ito ang may
paniniyak na pahayag na retiradong heneral Jovito Palparan na ipinalabas ng isa
kanyang mga abogado na si Jesus Santos noong Lunes, Pebrero 6.
Ayon kay Santos,
ang isang pahinang pahayag ay hiniling ni Palparan na ipamahagi niya sa mga
mamamahayag upang mapakinggan ang kanyang panig, partikular na ng Human Rights
Watch at ng administrasyong Aquino.
Sa nasabi ring pahayag, nilinaw ni Palparan na hindi pa siya
lumalabas sa bansa, ngunit tiniyak niya na hindi susuko sa kabila ng hamon ng
mga militante sa kanya.
“I am just around, but
I will try my best not to surrender,” ani Palapran.
Sinabi ng retirading heneral na binasagang “Berdugo” ng mga
militanteng grupo na isa sa dahilan kung bakit hindi siya susuko ay dahil sa
pagsasampa ng kaso laban sa kanya na hindi naaayon sa batas.
“I will not allow myself to be a victim of this farce. My
name is clean, and I have served our great AFP with all my mind, soul and body,”
aniya.
Binigyang diin pa niya na “I am not a fugitive” at
ipinaliwanag na ang warrant of arrest na ipinalabas laban sa kanya ay iligal
dahil iyon daw ay bunga lamang ng di tamang paunang imbestigasyon
Ayon sa pahayag ng heneral, isang malinaw na paglabag sa
proseso batas ang isinampang kaso laban sa kanya, sapagkat ang walong kasong
isinampa sa kanya sa Department of Justice ay ibinasura na.
Sinabi niya na nais lamang siyang idiin ng administrasyong
Aquino.
“The government clearly intends to pin me down because when
the case reached the Department of Justice, an entirely new charge of
kidnapping and serious illegal detention was recommended and with undue haste
was immediately filed in court,” ani Palparan.
Idinagdag pa niya na, “what I’m pleading for is for my side
to be heard in a preliminary investigation to show that I am an innocent of the
charges imputed on me.”
Kaugnay nito, sinabi nina Fr. Rolly De Leon, tagapagasalita
ng Alyansa para sa Karapatang Pantao-Bulacan (ALMMA-Bulacan) na dapat ay
mauklong ang heneral dahil sa paglabag sa karapatang pantao.
No comments:
Post a Comment