Tuesday, May 7, 2013

Platapormang “baterya” isusulong ng oposisyon sa Bulakan



MALOLOS—Tiniyak ng mga kandidato ng oposisyon sa bayan ng Bulakan na isusulong nila ang plataporma ng pagbabago na nakapaloob sa salitang “baterya.”

Ang pahayag ay isinagawa nina Dr. Roberto Ramirez at Abogada Aina Pagsibigan sa pagsasagawa ng talakayan sa Radyo Bulacan noong Linggo Abril 28, kung saan ay hindi dumalo si Patrick Meneses ang kasalukuyang alkalde ng Bulakan.

Ayon kay Ramirez, ang bawat letra ng salitang “baterya” ay nangangahulugan ng “Basura at Baha,” “Accountability at Transparency”, “Traffic at Transportation,” Education at Economy,” “River Management System at Religious Council,” “ Youth Empowerment”, at Agrikultura.

Sa kanayang pahayag,sinabi ni Ramirez na ang kung siya ay mahahalal tutukanng kanyang administrasyon ang problema sa baha at basura sa nasabing bayan.

“Walang sistematikong koleksyon ng basura, at mababaw na ang kailugan,”aniya.

Bilang solusyon, iginiit niya ang pagtatayo ng Material recovery Facility uapng maresiklo ang basura, at ang pagpapahukay sa kailugan upang mabilis bumaba ang baha.

Para sa accou8ntability,tiniyak ni Ramirez na magiging tapat ang kanyang panunungkulan at ang paggamit ng pondo ng bayan.

Ipinagmalaki pa niya na bialng kasapi ng ibat-ibang samahan kasama ang Regional Development Council, wala siyang naging kaso ng korapsyon.

Upang maayos ang daloy ng trapiko sa Bulakan, ipinanukalaniya ang pagtatauo ng isang sentral terminal.

Para sa edukasyon, magpapatayo sila ng mga kolehiyo at iba pang paaralan gamita ng pondo ng munisipyo.

Iginiit niya na kung nakagagastos ng Bulakan para sa sweldo ng bodyguard ng kasalukuyang alklade,ang pondong iyon ay magagamit para sa edukasyon at pagbibigay ng iskloarship sa daan daang kabataan.

Ayon kay Ramirez, kapag dumami ang mag-aaral hindi magtatagal ay dadami ang negosyante sa Bulakan katulad ng mga fastfood na Jolibee.

Hinggil naman sa river management, sinabi niya na may pano na ang National Economic Development Authority sa pagbuhay ng transportasyon sa kailugan,kailangan lamang ay mabigyanng sapat na pag-aaraluapng masimulan.

Para pa rin sa letrang ”R”, sinabi niya na makikipag-ugnayan siya s amga religious organization upang bumuo ng isang konseho na magsasagawa at mangunnguna ng moral recovery program sa Bulakan.

Ang mga kabataan naman ay kanilang pasisiglahin sa ibat-ibang programang pagh edukasyon, pampalakasan at pangkukltura.

At para sa Agrikultura, tiniyak ni Ramirez ang pagbibigay ng mga subsidiya sa mga magasasaka at maging sa mga mangingisda.

Inayunan dinito ni Pagsibigan at tiniyak niya na magiging tapat at malinis ang kanilang administrasyon.

Ayon pa kay Pagsibigan, hindi siya magbubulag-bulagankung sakaling magkakaroon ng pag-abuso sa tungkulin si Ramirez kung sila ay mahahalal.  (Dino balabo)

No comments:

Post a Comment