MALOLOS—Halos
200 pulis at sundalo ang itinalaga sa Bulacan bilang paghahanda sa nalalapit na
halalan sa Mayo 13.
Ito
ay karagdagan sa mga nakatalaga ng pulis sa 21 bayan at tatlong lungsod sa lalawigan.
Ang
pagtatalaga sa mga pulis at sundalo ay isinagawa noong Sabado, Mayo 4 o siyam
na araw bago isagawa ang halalan.
Ayon
kay Senior Superintendent Joel Orduna, ang nanunuparang direkto ng pulisya sa
Bulacan, ang pagtatalaga ng dagdag na sundlo at pulis ay upang matiyak ang
pagiging payapa at maayos ng isasagawang halalan.
Sinabi
niya na ang mga pulis at sundalo ay magbabantay sa bawat polling centers o mga
lugar na pagsasagawaan ng halalan tulad ng mga kapilya at paaralan sa 569
barangay sa lalawigan.
“Gusto
naming matiyak na mananatiling sagrado ang botohan at balota,” ani Orduna at
sinabing 100 pulis na nakatalaga sa Kampo Heneral Alejo Santos sa Lungsod na
ito ay itatalaga samga polling centers.
Bukod
dito, magtatalaga rin ng mga sundalo mula sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Gayunpaman,
hindi ibinulgar ni Orduna ang bilang ng sundalong itatalaga.
Hinggil
naman sa sitwasyon sa lalawigan isang linggo bago maghalalan, sinabi ng
direktor ng pulisya na nananatiling payapa ang Bulacan.
Gayunpaman,sinabi
niya na tinututukan nila ngayon angmga bayang nagsisilmula ang pagalan sa
“San.”
Ito
ay angmga bayan ng San Miguel, San Ildefonso, San Rafael at Lungsod ng San Jose
del Monte.
Ang
pagbabantay ng pulisya sa mga nasabing bayan ay kaugnay ng mainit na takbo ng
pulitika dahil sa mga magkakatunggaling kandidato.
Hinggil
naman sa pagpapatuipad ng gun-ban, inihayag ni Orduna na umaboty na sa 104 ang
bilang ng barilna kanilang nakumpiska mula ng magsimula hanggang nitong
Huwebes, Mayo2.
Sinabi
niya na ang mga baril ay karaniwang nakumpiska sa mga checkpoints.
Ayon
kay Orduna, malaki ang posibilidad na tumaas pa ang biling ng nakumpiskang
baril dahil halos araw-araw ay may nakukumpiska sila.
Matatandaan
na noong nakaraang linggo, nakakumpiska ng mataaas na kalibre ng baril ang
pinasanib na puwersa ng pulisya at sundalo mula s amga naarestong hinihinalang
kasapi ng rebeldeng New People’s Army (NPA). (Dino Balabo)
No comments:
Post a Comment