MALOLOS—Huwag
iboto ang mga kandidatong laban sa buhay at pamilya
Ito
ang buod ng dalawag pahinang liham pastoral na inilabas noong Linggo, Abril 28
ng Diyosesis ng Malolos kaugnay ngnalalapit na halalan sa Mayo 13.
Ang
nasabing liham pastoral na nilagdaan ni Obispo Jose Francisco Oliveros ay
binasa sa lahat ng parokyang nasa diyosesis sa lalawigan ng Bulacan at Lungsod
ng Valenzuela na dating bahagi ng Bulacan.
Sa
nasabing liham, binigyang diin ni Oliveros na
hindi dapat iboto ng mga katoliko ang kandidatong laban sa buhay at pamilya.
Ang
kanyang tinutukoy ay ang mga kandidatong pumabor sa pagpapatibay ng batas sa
Reproductive Health (RH) at mga kandidatong nais magsulong ng mga batas para sa
diborsiyo, same sex marriage,aborsyon, at euthanasia o mercy killing.
Iginiit
pa ng Obispo na hindi dapat iboto angmga kandidatong nagsulong pagtatayo ng
landfill sa Bulacan, maging ang mga
simapahan ng kasong graft at corruption, at mga sangkot sa iligal na
pagmimina, iligal na pangingisda, illegal logging, mga kasapi ng dinastiyang
pampulitika, at maging ang mga may kabit o kulasisi o kalaguyo.
“Ito
ang aking panawagan sa lahat ng mga layko ang kusa at malayang pagtugon sa
gawaing ito,” sabi ni Oliveros sa kanyang lihamat idinagdag pa na, “dapat
tumulong ang mga laikong kalalakihan at kababaihan namay mataas na katungkulan
sa ating lipunan sa paghubog ng budhinh panlipunan ng botante at dapat silang
kumilos upang hayagang suportahan ang pagkakahalal sa mga katungkulang
pampublikong mga pinunong may wagas na katapatan.”
Sa
nasabing liham, ipinaliwanag ni Oliveros na hindi partisan o walang kinilingan
ang kanyang mensahe, sa halip iyon ay pagkilala sa mga kandidatong patuloy na
kumikilala at nagbibigay suporta sa katuruan ng simbahan.
Ipinalala
rin niya sa bawat katoliko, na sa pagpili ang kandidato sa halalan sa Mayo,ang
mga botanteng katoliko ay dapat “may alam,” may
“Paki-alam,at may “pakikialam”.
Ito
ay nangangahulugan ng pagpapataas ng antas ng kaalaman sa pamamagitan ng
pagsusuri at pananaliksik sa uri ng pagkatao ng kandidato at maging sa
kapaligiriang panglipunan.
Sa
pagsuri ng mga kandidato, ipinayo ni Oliveros angmga batayang “5 C” o ang
“conscience, character, competence, compassion at commitment.”
“Marapat
lamang na ang botanteng katoliko ay mapag-isip, mapanuri,at mapagsaliksik sa
uri ng pagkatao ng isang pulitiko,”sabi ng Obispo.
Hinggil
naman sa sinasabing Catholic Vote, inilarawan niya ito na ay “isang puwersang
espiritwal na dapat mapanuri sa laranganng lipunan, pjulitika at kultura upang
manindigan, bumatikos, magpadalisay omagpatibay ayon sa liwanag ng Salita ng
Diyos.”
Binigyang
diin pa niya na, “ang botong katoliko ay pagtutol,hindi pagboto sa mga pulitiko
na ang programa at panuntunan ay laban sa pananampalataya at moral ng Katoliko.”
Samantala,ialng
tagamasid sa pulitika sa lalawiganna ilang sa mga kandidatong nasaling ng liham
pastoralay angmag-asawang Gob. Wilhelmino at Kint. Marivic Alvarado.
Ito
ay dahilsa pananaw na ang mag-asawa ay nabibilang sa dinastiyang pampulitika,si
Kinatawan Alvarado ay bumoto ng pabor sa RH law.
Ilan
pang mga kandidatong nasaling ng liham ay si Mayor Patrick Meneses ng Bulakan
na nabibilang sapamilyang namuno sanasabing bayan sa loob ng mahigit 50 taon;
Mayor Feliciano Legazpi ng Niorzagaray na nagpabalik-balik na sapuwesto at ngayon
ay runningmate ang kanyang anak.
Maging
sina Mayor Joan Alarilla ng Lungsod ng Meycauayan at Ronaldo Flores ng
bulubunduking bayan ng Donya Remedios Trinidad ay tinamaan din.
Ito
ay dahil sa si Alarilla ay nasampahanng kasong plunder sa Ombudsman samantalang
si Flores ay nasuspinde noong nakaraang taon.
Sa
bayan ng Obando, tinamaan din si mayor Orencio Gabriel dahilisa siya sa
nagsulong Bulacan Sanitary Landfill sa islang barangay ng Salambao. (Dino
Balabo)
No comments:
Post a Comment