Friday, May 17, 2013

12 bagong alkalde nalalal sa Bulacan



Mayor-elect Boy Cruz of Guiguinto

MALOLOS—Namayani ang mga kandidato ng Liberal Party-National Unity Party (LP-NUP) coalition sa Bulacan, ngunit 12 bagong  alkalde ang nahalal sa 21 bayan ng lalawigan.

Kaugnay nito,pormal na iprinoklama noong Martes ng gabi, Mayo 14 ng provincial board of canvassers (PBOC) sina Gob. Wilhelmino Alvarado at kanyang maybahay na si Kint. Marivic Alvarado.

Ito ay dahil sa kapwa walang kalaban ang mag-asawa, ngunit hindi sila dumalo sa proklamasyon.

Sa iba pang halal na posisyong panglalawigan kabilang ang apat pang distrito ng kongreso at distrito para sa Sangguniang Panglalawigan, nanguna rin sa bilang ng boto ang kandidato ng koalisyon.

Batay sa monitoring report ng PBOC, tinalo ni Angat Vice Mayor si incumbent Mayor Reggie Santos; samantalang nagtagumpay ang indipendienteng si Carol Dellosa na pigilan ang tangka ni Ferdinand Estrella na halinhan ang kanyang ama na si Mayor Romy Estrella sa Baliwag.
Team Calumpit



Sa Calumpit, naiproklama na si Dr. Jessie De Jessie noong Lunes bilang kapalit ng kanyang kapatid na si outgoing mayor James De Jesus; samantalang matagumpay na nakabalik sa pwesto si dating Mayor Ambrosio Cruz ng talunin si incumbent Mayor Isagani Pascual ng Guiguinto.

Sa Hagonoy, tinalo ni Raulito Manlapaz, pangulo ng Association of the Barangay Captain si incumbent Mayor Angel Cruz; samantalang papalitan ni mayor-elect Tito Santiago si outgoing mayor Epifanio Guillermo sa Marilao sa Hunyo 30.

Sa Norzagaray, pinutol ni Fred Germar ang 15-taong pamamayagpag ng pamilya Legazpi ng talunin niya si incumbent Mayor Feliciano Legazpi; samantalang sa Obando; nagtagumpay sa ikalawang pagtatangka sa pagka-alkalde si Edwin Santos ng talunin si incumbent Mayor Orencio Gabriel.

Mayor-elect Manlapaz & Vice-mayor elect Santos
Sa  Paombong, ginulat ni Abogado Isagani Castro, isa ring indipendiente ang marami ng talunin si Maryann Marcos, ang maybahay ni incumbent Mayor Donato Marcos; samantalang hahalinhan ni Jocell Vistan ang kanyang inang si outgoing Mayor Tessie Vistan ng Plaridel sa Hunyo matapos talunin ang tatlon pang kandidato.

 Sa San Ildefonso, Galvez pa rin ang nanalong alkalde matapos talunin ni Gerald Galvez ang kanyang tiyuhin na si dating Mayor Edgardo Galvez na nagtangkang palitan ng kanyang anak na si incumbent Mayor Carla Paula Galvez Tan na noong Disyembre ay umurong upang magbigay daan sa kanyang ama.

Sa bayan ng San Rafael, nabahiran ng alegasyon ng pamimili ng boto ang pagwawagi ni Vice Mayor Cipriano Violago laban kay incumbent Mayor Lorna Silverio.

Mayor-elect Violago
Ang iba pang alkalde sa Bulacan na muling nahalal ay sina Mayor Romy Castro ng Balagtas, Eduardo Villanueva ng Bocaue, Patrick Neil Meneses ng Bulakan, Arnel Mendoza ng Bustos, Ronaldo Flores ng Donya Remedios Trinidad, Enrico Roque ng Pandi, Vicente Esguerra ng Pulilan, Roderick Tiongson ng San Miguel, at Bartolome Ramos ng Sta.Maria.

Muli rin nahalal sina incumbent Mayor Christian Natividad, Joan Alarilla at Rey San Pedro  ng mga lungsod ng Malolos, Meycauayan at San Jose Del Monte, ayon sa pagkakasunod.  (Dino Balabo)

No comments:

Post a Comment