SAN
RAFAEL, Bulacan—Tatlong magkakahiwalay na kaso ang hinaharap ng bise-alkalde ng
bayang ito kaugnay ng pagpaslang sa isang pulisya na diumano’y kaibigan niya.
Batay
sa mga dokumento, sinampahan ng kasong murder ng mga kaanak ng pinaslang na
si SPO1 Rafael Bartolome si Cipriano Violago, ang kasalukuyang bise alkalde at
kandidatong alkalde sa bayang ito.
Si
Violago ay sinampahan ng kaso nina Luz, Rolando, Rael, Leonarda, Estrelita at
Herbert na pawang may apelyidong Bartolome, at ni Adorable Bartolome-Parabas;
pawang mga kaanak ni SPO1 Bartolome na pinaslang noong Mayo 13, 2012 sa bayang
ito.
Kaugnay
nito, nagsampa rin ng mga kasong grave coercion at obstruction of justice sa
Ombudsman for Luzon si Supt. Boy Hernandez, hepe ng bayang ito laban kay
Violago.
Ang
nasabing kaso at kaugnay na kasong preventive suspension na isinampa ni
Hernandez laban kay Violago ay kapwa nakabinbin pa sa tanggapan ng Ombudsman
for Luzon.
Veneracion: Binili lang |
Samantala,
biglang nagtago si Violago noong Mayo 8 o ilang araw bago maghalalan dahil sa pagpapalabas
ng isang warrant of arrest (WOA) ni Judge Corazon Domingo-Ranola ng Regional
Trial Court (RTC) Branch 10 laban kay Violago dahil sa kasong murder.
Noong
Mayo 10, nagpalabas ng isang opisyal na pahayag sa video ang asawa ni Violago
na si Maria Isabel, kasama ang mga kapartido ng bise alkalde at isinisi kay
Mayor Lorna Silverio ang pagpapalabas ng WOA.
Ang
nasabing WOA at inilarawan pa ni Kapitan Edison Veneracion, kandidatong
Bise-Alkalde na kapartido ni Violago bilang "harassment."
Nag-akusa
pa si Veneracion na “binili lang yung WOA.”
Ang
pagpapatupad ng nasabing WOA ay pansamantalang ipinatigil ng special third
division ng Court of Appeals noong Mayo 10 matapos umapela si Violago.
Dahil
dito, muling nakapagpatuloy ng pangangampanya si Violago hanggang noong Mayo
11.
Samantala,
nilinaw ni Mayor Silverio na wala siyang kinalaman sa warrant laban kay
Violago dahil hindi siya kasama sa kaso.
“I’m
not a party to the case, bakit sa akin nila isinisisi ang warrant,” ani
Silverio at iginiit na pulisya ang nagpursigeng magsampa ng kaso kay Violago.
Sinagot
din ni Silverio ang mga paratang na binili ang WOA.
“Saan
ba nakakabili ngayon ng warrant, baka yung TRO ay nabili din,”pahayag pa ng
alkalde.
Ayon
pa kay Silverio, kung may dapat panagutan sa batas si Violago ay dapat niya
itong harapin at huwang siyang gamitin bilang “convenient excuse.”
“Dahil
ba halalan, kaya sa akin nila isinisisi ang kaso nila, harapin na lang nila,”
ani ng alkalde.
Ang
mga kaso laban kay Violago ay nag-ugat sa pamamaslang kay SPO1 Bartolome sa
Lapid’s Ville sa Barangay Tambubong ng bayang ito noong Mayo 13, 2012.
Bukod
kay Violago, kinasuhan din ang apat niyang mga tauhan na sina Vergel dela Rosa
Liquino, Barangay Pansumalok sa bayang ito; Nicolas Mangaluz alias Boyet at
Joel Mangaluz ng Barangay Bahay Pare, Candaba, Pampanga; at Tristan S. Cruz IV,
ng Barangay Tanauan sa bayan ng Bustos.
Batay
sa mga ulat ng pulisya, si Bartolome ay napaslang matapos rumesponde sa tawag
ng isang kaibigan sa Lapids Ville.
Pagdating
ni Bartolome sa lugar, pinagbabaril siya ng dalawang suspek.
Si
Violago ay dating kapartido ni Silverio sa halalan noong Mayo 2010.
Siya
ay ama ni Bokal Mark Cholo Violago, ang kinatawan ng Pederasyon ng Samahan ng
mga Kapitan ng Barangay sa Sangguniang Panglalawigan ng Bulacan.
(Dino
Balabo)
No comments:
Post a Comment