MALOLOS—Congrats!
Ang lakas mo Vice Gov!
Ito
ang magkakahiwalay na pagbating ipinahatid ng mga Bulakenyo sa muling nahalal
na Bise-Gobernador ng Bulacan na si Daniel Fernando matapos malathala sa
Mabuhay Newspaper-Bulacan fan page ang larawan niya na may nakalagay na
mensaheng “highest vote earner.”
Ito
ay dahil sa ang bise-gobernador na isa ring artista ang nag-iisang kandidato sa
lokal na posisyon na nakaipon ng pinamakataas na bilang ng boto sa isang
halalan sa kasaysayan ng Bulacan.
Kaugnay
nito, apat pang artista o celebrity na kumandidato sa ibat-ibang halal na
posisyon sa lalawigan ang hindi pinalad na magwagi katulad ni Fernando na unang
nakilala sa pelikulang “ScorpioNights 1.”
Ayon
kay Abogado Elmo Duque, provincial election supervisor ng Commission on
Elections (Comelec) sa Bulacan, mahigit sa kalahati ng 1,497,873 rehistradong
botante sa Bulacan ang bumoto sa releksyunistang bise gobernador na hinamon ng
dalawang katunggali.
Batay
sa certificate of canvass and proclamation (COCP) na ipinagkaloob ng Provincial
Board of Canvassers (PBOC) kay Fernando, umabot sa 853,558 Bulakenyo ang bumoto
sa bise gobernador.
Ngunit
hindi pa kasama sa nasabing bilang ang boto mula sa lungsod ng Meycauayan.
Batay
sa pinal na tala ng PBOCang kabuuang botong naipon ni Fernando ay 914,960.
Ang
nasabing bilang ay mas mataas sa mahigit 894,593 botong naipon ni Gob.
Wilhelmino Alvarado na kumandidato bilang unopposed o walang kalaban.
Ang
kabuuang botong naipon ni Alvarado ay ang pinakamatyaas na boto para sa isang
gobernador sa kasaysayan ng lalawigan.
Ayon
kay Duque ang naipong boto ni Fernando sa halalan ngayong 2013 ay ang
pinakamataas na bilang ng boto na naipon ng isang lokal na kandidato sa isang
halalan sa kasaysaysan ng Bulacan.
Sa
panayam ng Mabuhay, itinanong kay Duque kung ang bilang ng botong naipon ni
Fernando ay pinakamataas din sa iba pang lalawigan Luzon.
Ngunit
ayon kay Duque, hindi pa niya ito masabi at iginiit na “I could only speak for
this province.”
Ang
mahigit 800,000 botong naipon ni Fernando sa katatapos na halalan ay higit na
mas mataas sa botong mahigit na 535,000 sa halalan noong 2010.
Sa
panayam ng Mabuhay matapos ang proklamasyon, mapakumbabang inilarawan ni
Fernando ang bilang ng botong naipon ng kanyang sabihing “tsamba lang.”
Sa
patuloy na pagtatanong ng Mabuhay sinabi niya na”siguro naramdaman ng tao na
ang ating tanging layunin ay maglingkod para sa kapakanan ng lalawigan.”
Hinggil
sa mga kapwa artista o celebrity na hindi pinalad sa kanilang kandidatura,
simpleng ang naging mensahe ni Fernando.
“May
bukas pa, kung talagang nasa puso ang paglilingkod, ituloy lang ninyo,” aniya
at idinagdag pa na ang mga artista ay hindi lang popularidad ang puhunan, sa
halip ay may puso ring handang maglingkod.
Ang
iba pang celebrity na kumandidato sa Bulacan at ang artitang si Alex Castro na
natalo bilang Bise-Alkalde sa Marilao; at ang mang-aawit na si Rey Valera na
natalo rin sa pagka-bise alkalde ng Meycauayan.
Maging
ang mang-aawit na si Imelda Papin ay hindi pinalad sa pagka-kongresita ng Lone
District ng Lungsod ng San Jose Del Monte; gayundin ang komedyanteng si Long
Mejia na muling natalo sa pagka-konsehal Calumpit.
Itoang
ikalawang pagkatalo sa nasabing posisyon Mejia, samantalang si Castro ay unang
nahalal na konsehal ng Marilao noong 2010.
Ipinayo
pa ni Fernando sa mga natalong celebity na “huwag kayong susuko” na batay sa
kanyang sariling karanasan.
Matatandaan
na noong 1998, kumandidatongunit natalong bilang bise alkalde ng Guiguinto si
Fernando; ngunit noong 2001, siya at nahalal na Bokal ng ikalawang distrito ng
lalawigan.
Muli
siyang nahalal noong 2004, ngunit noong 2007, kumandidato siya bilang bise
gobernador; ngunit tinalo siya noon ni Kint. Wilhelmino Alvarado.
Noong
2010, nagtambal sina Alvarado at Fernando at kapwa sila nagwagi bilang
gobernador at bise gobernador ayon sa pagkakasunod.
Bago
pumasok sa pulitika si Fernando, siya ay itinalaga at nanungkulan bilang tagapangulo
ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Tabang sa bayan ng Guiguinto.
Kasunod
nito ay ang pagpasok niya sa teatro noong dekada 80 hanggang sa mapabilang sa
bumubuo ng pelikulang “Scorpio Nights 1.” (Dino Balabo)
No comments:
Post a Comment