MALOLOS—Nasungkit
ni Bokal Michael Fermin ang karangalan bilang Senior Board Member ng Sangguniang
Panglalawigan matapos magtamo ng pinakamataas na porsyento ng boto.
Ikinagalak
ito na Fermin at nagpasalamat sa pagtangkilik sa kanya ng mga botante mula sa
unang distrito.
“Maraming
salamat, hindi ako makapaniwala na ako
ang magiging Senior Board Member,” aniya sa isang panayam sa telepono noong
Mayo 21.
Ito
ay dahil sa si Fermin ay nagmula sa bayan ng Calumpit na nasasakop ng unang distrito.
Kumpara
sa Lungsod ng Malolos at bayan ng Hagonoy, mas mababa ang bilang ng botante sa
Calumpit.
Ang
Lungsod ng Malolos ay sinasabing teritoryo ng muling nahalal na si Bokal Ayee
Ople at sa Hagonoy naman nagmula ang muli ring nahalal na Bokal na si Felix
Ople.
Batay
sa tala ng Commission on Elections (Comelec), umabot sa 282,857 aqng botante sa
unang distrito na bumoto sa katatapos na halalan.
Sa
nasabing bilang, umabot sa 167,051 ang nakuhang boto ni Fermin para sa 59.05
porsyento ng kabuuang bilang ng bumotong botante.
Pumangalawa
naman sa kanya si Felix Ople na nakakuha ng botong 157,104 o 55.54 porsyento;
at pangatlo si Ayee Ople na ang botong 151,776
ay 53.65 porsyentong kabuuang bilang ng bumoto.
Ang
pumang-apat ay si Bokal Enrique Dela Cruz na may kabuuang botong 153,263 o
52.81 porsyento ng kabuuang bilang ng bumoto na 290,164 sa ikalawang distrito.
Ang
panglimang puwesto ay nakuha ni Bokal Enrique Delos Santos ng ikapat na
distrito na may kabuuang botong 193,446 o 50.18 porsyento ng kabuuang bilang na
385,449 ng botante na bumoto sa ika-apat na distrito.
Ayon
kay Fermin, hindi niya inaasahan na magiging senior board member dahil mas
mataas ang botong nakuha ng mga kapwa halal na Bokal.
Ngunit
ayon kay Abogado Elmo Duque, ang Provincial election supervisor sa Bulacan ang
pagpili sa Senior Board Member ng Sangguniang Panglalawigan ay batay sa
porsyento ng bilang ng boto ng nanalong kandidato at kabuuang bilang ng bumoto
sa kanilang distrito.
Ang
resulta ng pagpili sa Senior Board Member ay inilabas ng Comelec noong Martes, Mayo
21 o walong araw matapos ang halalan.
(Dino Balabo)
No comments:
Post a Comment