Friday, May 17, 2013

Mabagal na na transmission ng ER, isinisi sa maulap na papawirin




 HAGONOY, Bulacan—Ikinagalak ng mga resident eng bayang ito at iba pang bahagi ng lalawigan ang maulapat makulimlim na panahon noong araw ng halalan, Mayo 13.

Ang kalagayang ito ay nagpatuloy pa hanggang noong Mayo 15.

Ginhawa ang hatid ng makulimlim na papawirin sa mga tao dahilnagsilbing pananggalang ito sa init na hatid ng tag-araw.

Ngunit para sa mga bumubuo ng Commission on Elections (Comelec), perwisyo ang hatid ng maulap na papawirin dahil naantala nito ang pagpapahatid ng resulta ng halalan.

Ang pagkaantalang ito ay nagbunga ng pagkaantala ng proklamasyon sa ilang kandidato na nanalo sa lokal at maging sa mga pambansang posisyon.

Ayon kay Abogado Elmo Duque, provincial election supervisor sa Bulacan, ang maulap na papawirin ay naging sanhi ng pagpapahatid ng resulta ng halalan mula sa mga bayan patungo sa kapitolyo, at patungo sa National Board of canvassers.

 “Our technicians told us that cloudy sky is keeping us from transmitting canvassed results of the elections to the NBOC,” ani Duque sa isang panayam noong Mayo 15 o dalawang araw matapos ang halalan.

Sa pagkakataong iyon, sinabi ni Duque na naiproklama na ang mga nanalong kandidato, partikular na ang mga alklade at bise alkalde salahat ng bayan at lungsod sa lalawigan.

Ngunit naantala ang pagpoproklama samga kandidato sa mga panglalawigan at pambansang halal na posisyon.

Batay sa proseso ng Comelec,ang mga resulta ng halalan ay dapat ipahatid ng mga Municipal Board of Canvassers (MBOC) sa Provincial Board of Canvassers (PBOC) sa pamamagitan ng electronic transmission gamit ang signaling telepono.

Ngunit dahil sa maulapna papawirin, naantala ang electronic transmission, kaya’t inatasan ni Duque ang mga electionofficer sa bawat bayan na ihatid ng personalang mga certificate of canvass sa PBOC.

Sinundan ito ng manwal na pagpapahatid ng PBOC ng resulta ng halalan mula sa mga bayan at lungsod sa NBOC.

Batay sa pahayag ni Duque, sinabi niya na ayon sa mga technicians ng Comelec, ang maulap na papawirin ay nakakasagabal sa signal ng mga satellite na gamit sa electronic transmission ng mga resulta.

“Kaya mabagal ay dahil sa kulimlim,” ani Duque at iginiit na paulit0ulit nilang tinangka ang pagsasagawa ng manual transmission o ang pagpapahatid ng reulst ang halalan mula sa MBOC na tinanggapng PBOC patungo sa NBOC.

Ito ay sa pamamagitan ng pagpapahatid ng resulta na nakalaga sa compact disc (CD).

Sinabi niya na kung hindi maulapang papawirin,natapos sana nila ang lahat ng proklamasyon at transmission ng resutta noong Martes ng gabi, o 24 na oras matapos ang halalan.  (Dino Balabo)

No comments:

Post a Comment