Friday, May 17, 2013

Alvarado, Fernando nagpasalamat, plano inilahad



MALOLOS—Maraming-maraming salamat po sa inyong pagsuporta.

Ito ang magkahiwalay na mensahe nina Gob. Wilhelmino Alvarado ar Bise-Daniel Fernando sa mga Bulakenyo matapos mahalal kung saan ay natamo nila ang pinakamatataas na bilang ng boto sa kasaysayan ng halalan sa Bulacan.

Kaugnay nito, inilahad ni Alvarado ang mga pangunhing proyektong isasagawa sa pagsisimula ng kanyang ikalawang termino sa Hunyo, samantalang nagpahayag ng buong suporta si Fernando sa programa ng punong lalawigan.

“Maraming-maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtitiwala,” ani Alvarado sa panayam ng Radyo Bulacan noong Sabado, Mayo 18.

Ito ang unang pagkakataon ng nagbigay ng pagkakataon si Alvarado na makapanayam sa himpapawid matapos ang halalan kung kailan ay nakaipon siya ng kabuuang botong 894,593  bilang isang unopposed candidate o walangkalaban.

Ito ang pinakatamaas na bilang ng boto na nakamit ng isang kandidatong gobernador sa lalawigan ng Bulacan.

Gayundin ang naging pahayag ni Fernando sa mas naunang panayam ng Mabuhay matapos na siya ay maiproklama noong Miyerkoles, Mayo16.

Sa nasabing panayam, nagpahayag ng buong suporta si Fernando sa mga programa ni Alvarado.

“Full support pa rin kami kay governor dahil alam naming ang priority niya ay welfare of the Bulakenyos,” ani Fernando na nagkamit ng kabuuang botong 914,960

Ito ang pinamataas na bilang ng botong nakamit ng isang lokal na kandidato sa halalan sa lalawigan.

Ito ay nangangahulugan na mahigit na 80 posyento ng kabuuang bilangng botante bumoto asa halalana ng nagbigay suporta kina Alvarado at Fernando.

Batay sa tala ng Comelec, ang kabuuang bilangng rehistradong botante sa lalawigan ay 1.497-Milyon kung saan ay 80.47 poryento ang bumoto o katumbas ng bilang na 1,205,388 botante.

Kaugnay nito inilahad ni Alvarado ang kanyang mga pangunahing proyektong ipatutupad sa ikalawang termino.

Ito ay dredging o pagpapahukay sa mga kailugan upang maiwasan at mabawasan ang pagbaha sa nalalapit na tag-ulan.

Bukod dito,mas paiigtingin ni Alvarado ang programa sa kalusugan, edukasyon at hanapbuhay na bahagi ng kanyang pitong puntong agenda.

Ang iba pang bahagi ng pitong puntong agenda ng administrasyong Alvarado ay ang kaayusan at katahimikan, mapanagutang pamamahala, panangangalaga sa kalikasan at pagsusulong  ng sining, kalinangan at kasaysayan ng lalawigan.  (Dino Balabo)

No comments:

Post a Comment