MALOLOS—Tiniyak
ng Bise-Gobernador ng Bulacan na higit siyang magiging aktibo sa mga teleserye
at muling mapapanood sa telebisyon matapos na muling mahalal.
“Babalik
ako sa mga teleserye, I will be more active this time,” sabi ni Bise-Gob.
Daniel Fernando sa isang esklusibong panayam.
Isa
sa sa mga layunin ng pagbabalik sa telebisyon ng aktor na naging pulitiko ay
makaipon ng pondo para sa matustusan ang itinayo niyang Dunong Filipino
foundation.
Ang
Dunong Filipino Foundation ay nagbibigay ng iskolarsip sa mga kapuspalad na
mag-aaral sa Bulacan.
“Nagsimula
na kami ngayong taon ito at may 100 scholars na kami, balak namin ay magdagdag
pa para mas marami ang matulungan,” ani ng Bise Gobernador.
Binigyang
pa ng diin ni Fernando na ang programa ng Dunong Filipino foundation ay isang
ayuda sa sa programa ng kapitolyo.
Batay
sa tala, umaabot na sa 13,000 ang bilang ng mga kabataang nasa ilalim ng
scholarship program ng kapitolyo.
Ngunit
sa kabila nito, may mga Bulakenyo pa rin na hindi nakakapasok sa iskolarsip
kaya binuo ni Fernando ang Dunong Filipino foundation.
“Tulong
naming ito sa programa ni Gob. Willy Alvarado, kaya kalahati lang ng
scholarship ang ibinigay namin,” sabi ni Fernando.
Iginiit
pa niya na ang kanyang kikitain sa mga teleserye ay kanyang ibubuhos sa Dunong
Filipino Foundation.
Dahil
dito itinanong ng mamamahayag na ito ang posibilidad na maapektuhan ng
pagbabalik sa telebisyon ni Fernando ang kanyang tungkulin bilang bise
gobernandor ng lalawigan.
“Hindi
naman, nakipag-usap na ko para sa schedule para hindi magkasabay,” sabi niya
patungkol sa mga producer at network.
Ayon
pa sa kanya posibleng kontrabida ang maging papel niya sa teleserye.
Bilang
aktor at bise gobernador ng lalawigan itinanong din ng mamamahayag na ito kung
ano ang higit na mas mahalaga kay Fernando.
“Mahirap
talikuran yung isa para sa isa.
Napapaligaya ko ang mga tao kapag nasa teleserye ako dahil
na-e-entertain ko sila, pero napapasaya ko rin sila kapag naglilingkod ako sa
kanila,” aniya.
Si
Fernando ay produkto ng mga grupo san a gumaganap sa teatro sa Bulacan hanggang
gumanap siya sa pelikulang “Scorpio Nights 1.”
Siya
ay nagsimula sa pulitika matapos na italaga bilang tagapangulo ng Sangguniang
Kabataan sa Barangay Tabang,Guiguinto.
Noong
1998, natalo siya sa kanyang kandidatura bilang bise alklade ng Guiguinto,
ngunit nahalal na Bokal ng ikalawang distrito noong 2001 at 2004.
Noong
2007, natalos siya sa kanyang kandidatura bilang bise gobernador ng Bulacan,
ngunit nagwagi siya noong 2010 at muling nahalal nitong Mayo 13 kung kailan ay
nakaipon siya ng kabuuang botong 914,960.
Ito
ang pinakamataas na bilang ng boto na nakuha ng isang lokal na kandidato sa
isang halalan sa Bulacan. (Dino Balabo)
No comments:
Post a Comment