LUNGSOD
NG MALOLOS —Tinutugis ngayon ng pulisya ang isang kandidatong alkalde sa
Bulacan matapos magpalabas ng warrant of arrest ang korte kaugnay ng pagpaslang
sa kaibigang pulis ng kandidato.
Ang
kandidatong target ngayon ng Criminal Investigation Detection Team (CIDT)
manhunt ay si incumbent Vice Mayor Cipriano Violago ng San Rafael na
kasalukuyang tumatakbo sa pagka-alkalde ng nasabing bayan.
Si
Violago at apat pang suspek ay pinaghahanap ng CIDT-Bulacan matapos magpalabas
ng isang WOA noong Miyerkoles si Judge Corazon Domingo-Ranola ng Regional Trial
Court (RTC) Branch 10 sa lungsod na ito kaugnay ng pagpaslang kay SPO1 Rafael
Bartolome na isang operatiba ng CIDT noong May 13, 2012.
Ang
apat pang itinuturong kasabwat ni Violago ay sina Vergel dela Rosa Liquino ng
Barangay Pansumalok,San Rafael; Nicolas Mangaluz alias Boyet at Joel Mangaluz,
kapwa ng Barangay Bahay Pare, Candaba, Pampanga; at Tristan S. Cruz IV ng
Barangay Tanauan, Bustos, Bulacan.
Walang
inirekomendang piyansa sa mga akusado.
Batay
sa tala ng korte, nagsampa ng kasong murder ang CIDT laban kay Violago at apat
pang suspek dahil sa pagpaslang kay Bartolome na sinasabing malapit na kaibigan
ng kandidato.
Si
Bartolome ay pinaslang ng dalawang nakamotorsiklong suspek sa Lapid’s Ville Subdivision
sa Barangay Tambubong, San Rafael noong Mayo 13, 2012 matapos rumesponde sa
tawag ng isang kaibigan.
Bilang
isang kandidato sa halalan sa Lunes, si Violago ay tumatakbo sa ilalim ng
bandila ng Liberal Party (LP) laban kay incumbent Mayor Lorna Silverio ng
National Unity Party (NUP).
Si
Violago ay nagsilbing running mate ni Silverio noong 2010 elections at ama ni
Board Member Mark Cholo Violago, ang kinatawan ng ng Association of Barangay
Captains (ABC) ng Bulacan sa Sangguniang Panglalawigan.
No comments:
Post a Comment