MALOLOS—Handang-handa na ang Metropolitan Waterworks and
Sewerage System (MWSS) sa pagpapasubasta ng P5.7-Bilyong pagpapakumpuni sa
Angat Dam.
Ngunit posibleng hindi matuloy ang pagpapasubasta sa
proyekto sa taong ito dahil hinihintay pa ng MWSS ang tugon ng Korea Water
Resources Corporation (K-Water) kung saan ay inaasahang makakatipid ng daang
milyong piso ang pamahalaan.
Ito ay dahil sa batay sa kontrata ng K-Water na nagakabilsa
isinubastang Angat River Hydro Electric Power Plant (Arhepp), maglalabas sila
ng pondo para sa pagpapakumpuni ng Angat Dam.
Noong nakaraang taon, nagwagi sa pagpapasubasta sa Arhepp
ang K-Water, ngunit pinigilan ito ng Korte Suprema na kamaikailan lamang ay
naglabas ng pinalna desisyon na pumabor sa K-Water.
“We are ready to rock
and roll because all are planned, but we have to wait for little bit more
time,” ani Arkitekto Gerardo Esquivel, ang administrador ng MWSS sa panayam ng
Mabuhay.
Sa panayam sa telepono ng
noong Linggo, Nobyembre 25, sinabi ni Esquivel na na hinihintay na lamang nila
ang tugon mula sa K-Water.
Ayon kay Esquivel, bilang winning bidder sa
Arhepp, bahagi ng kontrata ng K-Water ang paglalabas ng pndo para sa
pagpapakumpuni ng istraktura ng dam.
Inamin ng
administrador ng MWSS na malaki ang matitipid ng pamahalaan sa gastusin sa
pagpapakumpuni sa dam kapag inilabas ng K-Water ang pondo.
“Doon
sa P5.7-Billion na inallocate ni Presidente sa Angat rehab, naghanda kami ng
P100-Million to P200-M for installation of instrumentations. But I was told
that K-water has set aside at least $10-Million for the upgrading of
instrumentations in Angat Dam,” ani Esquivel.
Idinagdag pa niya na ang pondong inihahanda ng K-Water para
sa rehabilitasyon ng Angat Dam ay gugugulin para sa mga weather instruments sa
paligid ng Angat Dam.
Bukod rito,
magpapadala rin ang K-Water ng mga inhinyerong dalubhasa sa pangangalaga sa
dam.
“We are not worried on the possible delay in the bidding and
actual rehabilitation because we are expecting more good things to come out of
it,” ani Esquivel.
Hinggil naman sa
mga payo ni Inhinyero Roderick Dela Cruz, sinabi ni Esquivel na malaking tulong
ito sa kanila partikular na sa pagpapakumpuni sa dam.
Si Dela Cruz ay
isang dam safety expert mula sa bayan ng Hagonoy na kasalukuyang nagtatrabaho
sa Southern California Edison sa Amerika.
Si Dela Cruz ay
nagbalik sa bansa noong Nobyembre 11 at muling nagbalik sa Amerika noong
Nobyembre 25.
Ang dalawang linggong pananatili ni Dela Cruz sa bansa ay
hatid ng Balik-Scientist Program ng Department of Science and Technology
(DOST).
Ang pagbabalik ni
Dela Cruz ay hiniling ni Gob. Wilhelmino Alvarado upang makapabigay ng
ekspertong pananaw sa proyekto. Nagsilbi
ring tagapayo ni Alvarado si dela Cruz hinggil sa dam safety mula noong
nakartaaang taon.
Ito ay ginugol niya sa pagsusuri sa isinagawang
pag-aaral ng Tonkin and Taylor International para sa pagpagpapatibay ng Angat
Dam.
Kabilang sa mga
resulta ng pagsusuri ni Dela Cruz ay ang rekomendasyon na dagdag ng pagsusuri
ng mga dalibhasa sa dam at sa kukumpunihing bahagi nito.
Ayon kay Dela Cruz, “it is important that they conduct sa
peer review of the project from dam safety experts in the US.”
Ayon kay Dela Cruz, ang mga dam safety experts sa US na kasama
niya ay may mahabang karanasan sa
pagsasagawa ng proyekto para sa pagkukumpuni ngh dam.
Idinagdag pa niya na
“this is the first time the Philippine government will rehabilitate a dam, and
it is important that the government fully understand what to do.”
Para kay Esquivel, hindi
matatawarana ng kontribusyon ni Dela Cruz sa proyekto, partikular na ang mga
payo nito sa pagsasagawa ng pagkukumpuni.
“Engineer Dela Cruz
provided us with good points and even provided us the avenue to contact his
fellow experts in the US,”
aniya.
Sinabi ni Esquivel nagpadala na siya ng liham sa US Bureau
of Reclamation upang magpadala ng mga dam safety expert sa bansa na magsusuri
sa proyekto bilang bahagi ng panukala ni Dela Cruz na peer review.
Inaasahang darating ang mga dam safety experts sa bansa sa
susunod na taon. (Dino Balabo)
No comments:
Post a Comment