Sunday, December 23, 2012

Pagbuo sa PHL space agency isinulong, benepisyo inihayag





LUNGSOD NG QUEZON—Hiniling ng mga pangunahing Pilipino astronomers ang paglikha ng Philippine Space Agency (PSA) matapos mailunsad ang inisyatiba hinggil dito noong Biyernes, Disyembre 14 sa lungsod na ito.

Kaugnay nito, binigyang diin nila ang benepisyo ang pagkakaroon ng PSA sa bansa, na ang panukalang batas ay isinusulong na sa Kongreso ni Kinatawan Angelo Palmones ng Agham party-list.

Ayon kay Dr. Jose Edgardo Aban ng University of Brunei Darussalam, ang paglikha sa PSA ay maghahatid ng karagdagang kaunlaran sa bansa dahil ang mga teknolohiyang gagamitin dito ay magagamit sa iba pang suliranin ng bansa tulad ng climate change.

Bilang dating tapangulo ng Committee on Space Technology Applications ng Department of Science and Technology (DOST), sinabi ni Aban na isa sa beneipisyo ng PSA ay ang pagkakaroon ng sariling satellite ng bansa.

Ito ay magagamit sa pagbuo ng mapa ng buong bansa na tutukoy sa mga hangganan nito; at maging sa mga lugar na madalas mapinsala ng kalamidad.

Ito ay magagamit din sa mga pagsusuri sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad.

Ayon kay Aban, sa panahon na siya naglilingkod sa DOST, may mga pagkakataon na kung saan saang ahensioya sila sa nakikisuyo upang magkaroon ng satellite based images ng mga lugar na napinsala ng kalamidad.

“It has been a long time dream for Filipino astronomers and space scientists to someday have a single agency on the country, just like NASA that will navigate the country’s space science  research and development that will spur development of applications that can generate wealth to the nation,” sabi ni Aban.

Ikinumpara din niya ang bansa sa mga kapit-bansa nito sa South East Asia na nakapagsimula na ng sariling space program.

Bilang isa sa mga pangunahing tagapagsulong ng paglikha sa PSA noong siya ay nasa DOST, sinabi ni Aban na noon pang 2006 nila ito unang ipinanukala.

Sa panahong iyon, sinabi niya na ang mga kapit-bansa ng Pilipinas ay nagsusulong na rin ng kanilang space program.

“They move forward while our space program remain a proposal,” sabi ni Aban.
Dr. Custer Deocaris

Kinatigan ito ni Dr. Custer Deocaris ng Rizal Technological University (RTU), ang nag-iisang pamantasan sa bansa na nagtuturo ng kursong Astronomy.

Sinabi ni Deocaris na ang Pilipinas ay napag-iwanan na ng mga bansang Vietnam, Bangladesh at Sri Lanka sa larangan ng space program.

Isa mga epekto nito ay mapapakinabangan na ng mga nasabing bansa ang benepisyo ng kanilang space program, ngunit ang Pilipinas ay wala pang nasisimulan.

Ayon kay Deocaris, “we should not forget that most of today’s modern conveniences like cellular phones, internet, cloud computing, LEDs and solar panels are spin offs from investments in space technology.”

Idinagdag pa niya na, “countries that have some control on those technologies are able to develop even faster as they break the vicious cycle of technological parasitism and are able to compete in the global market.”

Bukod naman sa mga benepisyong pangteknolohiya, idinagdag ni Dr. Aban ang benepisyong pang-makabayan ng space program.

“Its patriotic benefits will be immeasurable, because it will be a source of pride,” abi ni Aban.

Inayunan pa rin ito ni Deocaris at inihalimbawa ang pagwawagi ni Gloria Diaz sa Miss Universe noong 1969; at ang pamamayagapag nina Leah Salonga sa larangan ng musika at Manny Pacquiao sa boksing.

“Mula ng manalo si Gloria Diaz sa Miss Universe, naging bahagi na ng kultura natin ang mga beauty pageant; at nung makasama si Leah Salonga sa Miss Saigon, mas dumami sa atin ang nahilig sa pagkanta,” ani Deocaris.

Hinggil naman kay Manny Pacquiao, sinabi niya na hindi maitatanggi ang pagkilala at pagmamalaki ng mga Pilipino sa boksingero.

Gayundin ang naging mga epekto ng pagwawagi ng mga Pilipino sa larangan ng bowling at billiards.

Matatandaan na ilang beses na nagwagi pandaigdigang kumpetisyon si Rafael Nepomuceno at sa bilyar si Efren “Bata” Reyes.

Ilan sa mga epekto ng mga pagwawaging ito ay ang pagdami ng mga mga bowling lanes at billiard hall sa bansa dahil dumami ring Pilipino ang nahilig sa mga nasabing laro. (Dino Balabo)

No comments:

Post a Comment