Saturday, December 1, 2012

Pagsasawalang bahala ni PNoy; pagkabilang ng mga kasapi ng Ampatuan sa LP at UNA, binatikos




HAGONOY, Bulacan—Binatikos ng mga mamamahayag ang pagsasawalang bahala ni Pangulong Aquino sa katarungan at malayang pamamahayag na masasalami sa mga pagkakamali at pagkukulang ng kanyang administrasyon.

Ito ang buod ang nagkakaisang pahayag na inilabas ng mga samahan mga mamamahayag sa bansa kaugnay ng paggunita sa ikatlong taong anibersaryo ng Maguindanao massacre noong Biyernes, Nobyembre 23.

Ang nagkakaisang pahayag ay nilagdaan ng mga kinatawan ng Center for Community Journalism and Development (CCJD), Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR), Freedom Fund for Filipino Journalists (FFFJ), National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), Philippine Press Institute (PPI), at ng University of the Philippines-College of Mass Communication (UP-CMC).

Kabilang sa mga puntos na isiniwalat ng mga mamamahayag ay ang pagsama ng mga kasapi ng pamilya Ampatuan sa hanay ng mga kandidato ng Liberal Party (LP) ni Aquino at United Nationalist Alliance (UNA) ni Bise Presidente Jejomar Binay.

Kaugnay nito, binanggit din nila na dahil sa pagkukulang at pagkakamali ng administrasyon, ilang kasapi ng pamilya ng biktima sa [pamamaslang ay nawawalan na ng pag-asa at ito ay isinisi nila sa gobyerno.

“Taken together, the acts of commission and omission by the Aquino administration betray sheer lip service to justice and press freedom, and a dangerous tendency to sacrifice both to the exigencies of power,” sabi ng mga mamamahayag sa dalawang pahinang pahayag.

Binanggit nila na noong Agosto 2010, ipinangako ng Pangulo ang limang krusyal na reporma para makamit ang katarungan.

Kabilang dito ay ang pagpapaunlad sa Witness Protection Program (WPP), pagbuo ng  quick-response teams na mag-iimbestiga sa pamamaslang sa mga mamamahayag, [pagpapabilis sa paglilitis, at pagrebisa sa Rules of Court upang maiwasana ng pag-abuso at manipulasyon.

Ngunit matapos ang dalawang taon, sinabi ng mga mamamahayag na ang mga problemang kanilang binigyang pansin noon ay nananatili pa ri.

Ininalimbawa nila ang pag-aaral na isinagawa ng ng CMFR kung saan ay nabulgar na halos 100 warlord ang patuloy na naghahari sa ibat-ibang bahagi ng bansa kung saan nakapagtala ng mataas na bilang ng pamamaslang sa mga mamamahayag.

Dahil dito, patuloy rin nangangamba ang mga saksi at mga nagsmpa ng kaso sa kanilang personal na kaligtasan.

Ang kalagayang ito ay higit pang pinalala ng pagkakabilang ng mga mga kasapi ng pamilya Ampatuan sa LP at UNA.

Ayon sa ulat ng PCIJ, umaabot sa 72 kasapi ng pamilya Ampatuan ang kandidato sa halalan sa 2013.

Siyam sa mga ito ay kandidato ng LP, at 34 ang kandidato ng UNA.

“The big number of candidates from the clan bares an intact financial and power infrastructure. In fact, the PCIJ report shows that Andal Ampatuan Jr. has managed to sell eight prime properties, an outrage when the government has pledged to forfeit wealth that multiplied many times as the clan consolidated its powers with help from successive administrations that wooed the clan’s formidable voting machine,” ani ng nagkakaisang pahayag.

 Patungkol sa  kaligtasan ng mga mamamahayag sa bansa, binanggit sa pahayag ang ulat ng Southeast Asian Press Alliance (SEAPA) kung saan ay isinasaad na ang Pilipinas na itinuturing na may pinakamasiglang demokrasya sa rehiyon, ngunit nananatili namang pinakadelikadong lugar para sa mga mamamahayag.

Batay sat ala ng NUJP, umabot na sa 153 mamamahayag ang pinaslang sa bansa muila noong 1986; kabilang dito ang 14 na pinaslang sa ilalim ng halos tatlong taong administrasyong Aquino.

Bukod sa di mapigil na pamamaslang sa hanay ng mga mamamahayagt, pinuntusan din sa pahayag ang patuloy na pagkalulong ng Pangulo sa mga panukalang batas na sumasalangsang sa malayang pamamahayag at paghahayag ng damdamin.

 “Despite his avowed pledge to implement “tuwid na daan,” he has reneged on a promise to prioritize the passage of the Freedom of Information bill – an initiative that could help his government fulfill its promise to rid the country of corruption. Aquino supported instead is the patently unconstitutional Cybercrime Prevention Act, a law which grants the state draconian powers to crack down on dissent and critical expression on digital space,” ani ng mga mamamahayag sa nagkakaisang pahayag. (Dino Balabo)

No comments:

Post a Comment