CALUMPIT,
Bulacan—Baha na naman, taun-taon na lang baha.
Ito
ang katagang nasambit ng mga Bulakenyo sa pananalasa ng baha na hatid ng
hanging habagat noong Agosto na nagpaalala sa kanila ng pinakamalalim na baha
na nagpalubog sa Bulacan noong Setyembre at Oktubre noong nakaraang taon.
Masasalamin
sa himig ng pananalita ang pagkadismaya sa hanay ng mga mamamayan dahil sa
hindi lamang ari-arian nila ang napinsala ng baha, sa halip ay maging
hanapbuhay nila ay naantala.
Sa
madaling salita, ang una nilang pakahulugan sa pananalasa ng baha ay perwisyo,
ngunit sa mga namamalaisdaan sa lalawigan na napinsala din ay may nababanaag na
benepisyo.
Ang
benepisyo mula sa baha ay isinatinig ni Abogado Rustico De Belen, ang dating
hepe ng Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO) na nakapanayam
ng Mabuhay bago siya nagbitiw sa tungkulin noong nakaraang buwan.
Katulad
ng mga pahayag ng mga namamalaisdaan sa bayan ng Hagonoy, sinabi ni De Belen na
ang pagbaha ay isang paraan ng kalikasan sa paglilinis sa sarili ito.
“Its
nature’s way of cleasing our river systems and water ways,” ani ng dating hepe
ng BENRO.
Ipinaliwanag
niya dahil sa dami ng tubig na dumadaloy sa kailugan, natatangay nito ang mga
basura at iba pang bagay na nagsasanhi ng polusyon.
Ito
ay kinumpirma ni Pedro Geronimo, isang beteranong namamalaisdaan sa Hagonoy.
Ayon
kay Geronimo, ang tubig sa kailugan at sa dalampasigan ng dagat ay umiikot
lamang.
“Pag
low tide, lumalabas ang polluted na tubig sa dagat, pero hindi masyadong
lumalayo, kaya pag high tide, bumabalik din,” ani Geronimo.
Ito
ay inayunan din ni Carlos Garcia, isang dating kapitan ng Barangay Perez sa
bayan ng Bulakan, at isa ring beterano sa larangan ng pamamalaisdaan.
Ayon
kay Garcia, kailangan ng maraming tubig ang dumaloy sa mga kailugan upang
mapalitan ang maruming tubig doon.
“Karanasan
na naming iyan na karaniwang dumadami ang isda sa ilog ilang buwan pagkatapos
ng baha o tag-ulan dahil luminis ang tubig,” ani Garcia.
Maging
sina Rodolfo Cabangis ng Barangay Pugad sa bayan ng Hagonoy at dating Bokal
Patrocinio Laderas ay umayon din.
Gayunpaman,
sinabi nila na kapag naitulak ng baha sa karagatan ang basura, ang mga isda
naman sa karagatan ang napipinsala.
Bilang
isang mangingisda sa baybayin ng Manila Bay sa loob ng 30 taon, binanggit ni
Cabangis ang mga pygmy shark na sumasad sa dalampasigan ng Malolos sa mga
nagdaan taon.
Ayon
kay Cabangis, matapos mamatay ang pygmy shark at binuksan ang tiyan nito upang
magsagawa ng necropsy o pagsusuri at natuklasang nakakain ng maramin plastic
ang malaking isda.
“Isipin
na lang natin na yung malalaking isda ay kinakain ang plastic, pero yung
maliliit lalo na yung mga similya pa lang, ano mangyayari sa kanila kapag
napasok sa sa plastic na naanod sa tubig,” ani Cabangis at sinabing ang isda at
karaniwang pasulong ang paglangoy at madalang ang paurong. (Dino Balabo)
No comments:
Post a Comment