Wednesday, December 5, 2012

Ka Kiko, 20 pang cultural masters pinarangalan ng NCCA



Francisco "Ka Kiko" Eligio, 1925-2012
MALOLOS—Iginawad ng National Commission on Culture ang Arts (NCCA) ang pagkilalang “Cultural Master” kay Francisco “Ka Kiko” Eligio at sa 20 sa pagtatapos ng tatlong araw na Dayaw Festival sa lungsod na ito noong Huwebes ng gabi, Nobyembre 29.

Ang parangal ay iginawad sa bakuran ng makasaysayang simbahan ng Barasoain na tinampukan ng isang masaganang kainan at pagtatanghal ng ibat-ibang katutubong grupo na lumahok sa pagdiriwang.

Inihalintulad ni Dr. Joycie Dorado-Alegre , tagapangulo ng NCCA sub-commission on cultural communities and traditional arts (SCCTA) ang pagtitipon sa Barasoain sa pagtitipon ng mga kinatawan sa Kongreso ng Malolos 114 na taon na angnakakaraan.

“This is historic and symbolic event because it happened 114 years after the opening of Malolos Congress,” ani Dorado-Alegre at iginiit na ang may 600 katutubong lumahok sa pagdirwang ng Dayaw 2012  ay kumakatawan sa 47  grupo ng katutubo sa buong bansa.

Tinugon ng mahabang palakpakan ng mga lumahok ang pahayag ni Dorado-Alegre at sinabi ng ilan na ang pagtitipon ay nahahalintulad din sa isang pambansang “tribal council” na walang kahalong pulitiko.

 Hinggil sa 21 isang cultural masters, sinabi ni Dorado Alegre na sila ang patuloy na nagsusulong mga mga kalinangan ng mga katutubo sa ibat-ibang panig ng bansa.

Sinabi niya na ang mga pinarangalan ay nabibilang na sa school of living traditions.

“Their skills and craftsmanship are unparallel and a testament of our creativity and colorful traditions,” sabi ni Dorado-Alegre.

Una rito, sinabi ni Dr. Felipe De Leon,tagapangulo ng NCCAna marami ang matututunan ng mga Pilipino sa mga katutubo.

Binanggit din niya ang nilalaman ng pahayag ni Pangulong Benigno Aquino na binasa ni dating Senador Jamby Madrigal sa pagbubukas ng Dayaw 2012 Festibal kung saan ay sinabing ang kalinangang Pilipino mula Luzon hanggang Mindanao ay naimpluwensiyahan ng mga katutubo.

Ayon kay De Leon, ang mga katutubo ay dapat maging tagapagturo ng mga Pilipino dahil sa napanatili nila ang kanilang kalinangan samantalang ang mga taga kapatagan ay naimpluwensiyah ng ibat-ibang kalinangan.

 Patungkol sa 21 cultural masters, sinabi niya na ang mga ito at nagsisilbing tagapagtaguyod ng katutubong kalingan.

Ang 21 cultural masters ay pinangunahan ni Francisco “Ka Kiko Eligio, ang maestro ng paggawa ng singkabang kawayan mula sa bayan ng Hagonoy.

Francisco "Ka Kiko" Eligio ng Hagonoy at
ang kanyang mga obrang kinayas na kawayan
Si Ka Kiko ay yumao sa edad na 87 noong nakaraang Setyembre.

Ang iba pang pinarangalan ay sina Michael Dexter Aliguyon ng Kiangan,  cultural master (CM) sa Ifugao performing arts; Emilia Alindayo, (Ifugao textile weaving at clothing), Ellenera Aliguyon (Ifugao performing arts, loom weaving, textile weaving at clothing).

Amparo Mabanag ng Mountain Province (Ga’dang cloth weaving and accessory making), Rebecca Reyes ng Abucay, Bataan (Ayta Magbukon performing arts), Cenia Lastrilla ng Calinog, Iloilo (Panay-Bukidnon epic narration with chanting, Binanog dance and Panubok hand embroidery), Aurelio Damas ng Calinog, Iloilo (Binanog dance), Nedemio Badac ng Brooke’s Point, Palawan (Pala’wan dances and songs).

Gloria Emag of Aborlan ng Palawan (school of living traditions on Tagbanua music, songs and dances), Richard Impil ng Bagong Silang, Don Salvador Benedicto (Ati language, music and dance), Marleta Mahinay ng Sagay City, Negros Occidental (Ata pandan mat weaving), Rodrigo Panganiban ng Nabas, Aklan (Ati traditional baskets and crafts), Delia Pauden ng Hamtic, Antique (Ati languages, songs, dances  and literature).

Janeth Hanapi at Kamaria Sabturani ng Sofronio Espanola, Palawan (Jama Mapun mat weaving), Tirso Serdena ng Gasan, Marinduque (Kalutang playing),  Abbay Tacabil  at Solaw Duca, kpwa ng Sanggani, Davao Del Sur (Sangir dances & musical instruments playing; and mat weaving, respectively), Florita Umilos ng Zamboanga Del Norte (Subanen basket weaving), at Datu Josefino Gonlibo of Maramag, Bukidnon (Manobo beads and accessories making).  (Dino Balabo)

No comments:

Post a Comment