Sunday, December 23, 2012

Taga-San Ildefonso at Sta. Maria ang nagwagi sa ika-16 na Lakan at Lakambini ng Bulacan


Photo by Dee Gonzales


PAOMBONG, Bulacan—Tinanghal na 2012 Lakan at Lakambini ng Bulacan ang binata at dalagang nagmula sa bayan ng San Ildefonso at Sta. Maria.

Sila sina Joey Taruc at Bernadette Mae Aguirre.

Ayon kay Jo Clemente, tagapagtatag ng taunang timpalak, bukod sa pangunahing karangalan, tumanggap din sina Taruc at Aguirre ng tig-dalawangh special awards.

Si Taruc ay tumanggap ng “People’s Choice” at “Best in Swimwear” awards, samantalang si Aguirre ay tumanggap din ng “Best in Swimwear” award at “Best in Formal wear.”

Tumanggp din sila ng tropeo at tig-P30,000 premyo.

Ang iba pang nasipagwagi ay ang mga sumusunod:

Tumanggap ng ikalawang karangalan o first runner up honors sina Jonathan Maniquiz ng Lungsod ng San Jose Del Monte, at Christina Andrea Munsayac ng San Rafael.

Ang ikatlong karangalan at tinanggap nina Charlie Rick Sheen Flores ng Sta. Maria, at Rickie Mae Bernabe; ang ika-apat na karangalan ay nasungkit nina Mark Louie Bornilla ng Plaridel at Kriszha Mae Soriano ng Lungsod ng Meycauayan; at ang ikalimang karangalan ay tinangggap nina Aaron Neil Borja ng Lungsod ng San Jose Del Monte at Rachell Navarro ng Hagonoy.

Ang mga tumanggap naman ng mga special awards ay ang mga sumusunod.

Ang Peoples Choice na Lakambini ay si Kriszha Mae Soriano; Mister and Miss Congeniality naman sina mark Louie Bornilla ar Guia Paula Gutierrez ng Sta. Maria; at tumanggap ng “Best in Talent”award sina Carlie Rick Sheen Flores at Michelle Osit ng San Ildefonso.

Ang Mister and Miss photogenic naman ay sina Christian Allen Soriano ng Lungsod ng Meycauayan at Michelle Osit; samantalang nasungkit din ni Bornilla ang Best in Formal wear award sa hanay ng kalalakihan.
Photo by Ed Galang

Ayon kay Clemente, hindi makakalimutan ang timpalak na Lakan at Lakambini ng Bulacan sa taong ito ay ito ay ang ika-16 na taon.

Bukod dito, sinabi ni Clemente na ang nagwaging Lakambini 2012 ay nauna ng sumali may tatlong taon ang nakakaraan.

“Dati na ng sumali si Bernadette sa Lakambini pageant, at pagkatapos at sumali na rin sa iba pang prestisyosong timpalak tulad ng Binibining Pilipinas.

“Talagang pinili niyang magbalik at sumali ulit sa Lakambini ng Bulacan dahil kinikilala niya na ito ang pinakaprestisyosong timapalak sa ating lalawigan,” ani Clemente.

Iginiit pa ni Clemente na higit nilang pauunlarin ang timpalak sa susunod na taon upang makapipili ng magiging kinatawan ng lalawigan sa mga mas prestisyosong timapalak.

Sa taong ito, umabot sa mahigit 50 ang lumahok nngunit 36 lamang ang naging opisyal na kandidato at kandidata sa 2012 Lakan at Lakambini ng Bulacan.  (Dino Balabo)

No comments:

Post a Comment