Monday, December 10, 2012

Paalam, Sir!

Antonio L. Tamayo(ang larawang ito ay mula sa album ni Cecilia Martin ng RTHS)

Nakikiisa ang Mabuhay Online sa pagdadalamhati sa pagpanaw ng edukador na si Antonio L. Tamayo ng Hagonoy.  Siya ay pumanaw kahapon, Disyembre 10, 2012.

Si Tamayo ay dating punong guro ng Saint Anne's Catholic High School (SACHS).  Nagsilbi rin siya sa katulad na posisyon sa Ramon Trillana High School (RTHS) sa Barangay Sto. Rosario, Hagonoy.

Sa kanyang mahabang panahong paglilingkod bilang punong guro, maraming taga-Hagonoy ang kanyang naimpluwensiyahan, natulungan at nabigyang direksyon.

,

No comments:

Post a Comment