SAN
RAFAEL, Bulacan—Idinepensa ni Mayor Lorna Silverio ang kanyang asawa na si
dating Kinatawan Ricardo Silverio na inakusahan ng panunutok ng baril sa
tatlong menor de edad.
Ayon
kay Mayor Lorna, may simoy ng pulitika ang akusasyon sa kanyang 82-taong gulang
na asawa at iginiit na ang usapin ay ginagamit ng kanyang kalaban sa pulitika
upang mabaling atensyon mula sa anak nito na sangkot naman sa diumano’y
pambubugbog sa isang 14-taong gulang na binatilyo noong Nobyembre 2.
“It
politically motivated because they are trying to convince the family of
children to file charges against my husband,” ani Mayor Lorna patungkol kay
Cipriano Violago Jr., ang kasalukuyang bise alklade ng bayang ito.
Si
Violago ay ang nag-iisang katunggali sa pagka-alkalde ni Mayor Lorna.
Ang
ka-tiket naman ni Violago ay si Edison Veneracion na diumano’y kumausap sa
pamilya ng tatlong batang naaktuhan ni dating Kint. Ricardo Silverio na
naliligo sa kanyang palaisdaan Barangay Banca-banca ng bayang ito.
Sa
panayam, sinabi ni Mayor Lorna na umamin sa kanya ang magulang ng tatlong
kabataan na kinausap sila ni Veneracion hinggil sa kaso.
“This
is an unfortunate event, some people are trying to use the children to earn
more political capital,” ani ng alkalde.
Igiiniit niya na noong Nobyembre 2 ay
nasangkot ang anak ni Violago na si Bokal Mark Cholo Violago sa pambubugbog sa
isang 14-anyos na binatilyo.
Noon
namang nakaraang buwan, tatlong tauhan ng mga Violago ang nasangkot sa
pamamaslang sa kay Renato Ignacio, ang nakababatang kapatid ng isang pulis na
pinaslang din matapos na diumano’y makasagutan ang Bokal sa isang sabungan sa
Baliuag.
Sa
panayam naman sa mga mamamahayag noong Lunes, Nobyembre 19 ay inamin ni dating
Kinatawan Silverio na nagpaputok siya ng baril ng makita ang tatlong kabataan
na nakalusong at naliligo sa kanyang palaisdaan.
Ngunit
itinanggi niya ang akusasyong tinutukan niya ng baril ang mga ito,.
Ipinaliwanagng
dating kinatawan na kaya siya nagpaputok ng baril ay upang matawag ang pansin
ng mga bata at makasusap niya.
Ito
ay upang makausap din niya ang mga magulang nito na pagbawalan sa paliligo ang
mga bata sa palaisdaan.
Ayon
sa dating kinatawan, iniingatan lamang niya na mapahamak ang mga kabataan sa
palaisdaan ng tilapia.
Ito
ay dahil sa malalima ng tubig doon at may posibilidad na malunod ang mga bata.
Ayon
pa sa dating kinatawan, nakahanda siyang harapin ang anumang kasong isasampa
laban sa kanya.
Ang
dating kinatawan ay nagsilbing pinuno ng Toyota Philippines noong dekada 60
hanggang 70 at kinilala bilang isang pangunahing industrialist sa bansa.
Noong
1992, siya ay unang nahalal na kinatawan ikatlong distrito ng Bulacan at
naglingkod hanggang noong 2001.
Nahalal
din siyang alklade ng San Rafael at naglingkod sa nasabing posisyon hanggang
noong 2010 kung kailan ay muli silang nagtangka sa kumandidatong kongresista
ngunit hindi pinalad na manalo. (Dino Balabo at Rommel Ramos)
No comments:
Post a Comment