Wednesday, March 14, 2012

2 Bulakenyo filmmaker nanalo sa 8th Art Filmfest, 3 pa ang kasama 10 finalists


HAGONOY, Bulacan—Dalawang kabataang Bulakenyo na film maker ang sumungkit sa dalawang pangunahing parangal sa 8th Art Film Festival na isinagawa sa Philippine Women’s University noong Marso 8.

Sila ay sina Herwin Cabasal ng ABS-CBN na tinanghal na Best Director para sa kanyang short film na “Viscera”; Joana Marie Bautista ng Bulacan State University (BulSU) na tumanggap ng parangal na Best Screenplay para sa kanyang pelikulang “Sergio.”

Tinanghal namang Best Short Film ang “Sarong Adlaw” ni Marianito Dio ng De La Salle University (DLSU) Lipa City.

Kaugnay nito, tatlo pang Bulakenyo ang napabilang sa 10 finalists ng nasabing paligsahan.

“I’m overwhelmed. It’s really a surprise. Hindi ko inaasahang mananalo ako,” ani ng 26 na taong gulang na si Cabasal na nagmula sa bayang ito.

Si Cabasal ay nagtapos ng Bachelor of Arts in Mass Communications sa Centro Escolar University (CEU) Malolos noong 2007, kung saan ay tumanggap siya ng karangalang cum laude at gintong medalya  para sa Outstanding Academic Performance in Mass Communication at Best Thesis Award na patungkol sa mga documentary films.

Naging bahagi rin ng Mabuhay si Cabasal.  Una ay bilang isang trainee bago magtapos sa CEU-Malolos, at bilang pinakabatang kolumnista noong 2007.

Bilang isang baguhang film maker, patuloy ang pagnanais ni Cabasal na mapataas ang antas ng kanyang kakayahan, kaya’t siya ay nag-aral sa Asia Pacific Film Insitute.

Sinundan niya ito ang paglahok sa ibat-ibang paligsahan katulad ng San Francisco Film Festival sa California noong nakaraang taon.

 “I always do that. I keep on looking for possible opportunities, until one day I browsed the net and learned about the Art Film Festival,” ani Cabasal na noong nakaraang taon ay lumahok sa 7th Art Film Festival ngunit nabigo.

Sa kabila ng di pagwawagi, hindi siya tumigil.

Ayon sa batang film maker, “the truth is, it doesn’t matter whether you win or not. The fact that your films have been screened to a crowd or sets of audience, all your hard works have already paid off. From the very beginning, it has always been the purpose of filmmaking- create them then show them to your audience and let them react the way they want to or the way you want.”

Ang patuloy na pagsisikap ni Cabasal ay tinugon g tagumpay sa 8th Art Film Festival ng kanyang ilahok ang “Viscera.”

Ang nasabing short film ay nagsilbing thesis ni Cabasal sa Asia Pacific Film Institute (APFI). Ito ay binigyang inspirasyon ng mga balitang may mga batang dinudukot at ninanakaw ang lamang loob.

Para sa mga kabataan nagnanais maging film maker, narito ang payo ni Cabasal: “Just get your camera and shoot! There’s no such thing as right timing. The best time is now. And that now is the beginning of everything.”

Bukod sa lahok nina Cabasal, Bautista at Dio, 37 pang short film ang inilahok sa 8th Art Film Festival, ngunit 10 lamang ang pumasok sa finals, at tatlo pa rito ang lahok ng mga mag-aaral ng BulSU.

Ang pito pa sa 10 finalist ay ang “Chizbarger” ni Karen Eve Parilla ng University of Perpetual Help System DALTA, “Flatline” ni Harold Cruz ng BulSU,  “Garapon”  ni Ramon Villegas Jr., ng BulSU.

“Hando” ni Martika Ramirez ng University of the Philippines (UP) Diliman, “Her Eyes Do Feel You” ni John Erwin Padilla ng Far Eastern University,  “Kung Ano Ang Alam Ng Manok  (O, Ang Walong Yugtong Pighati) ni Ramon Nino Raquid of UP,  at “NXX-704” ni Jaime Jacob ng BulSU.  (Dino Balabo)

1 comment: