Wednesday, March 14, 2012

50th JUBILEE: Diyosesis ng Malolos, lulunurin sa biyaya at ligaya


MALOLOS—Dahil sa matibay na pananampalataya, higit pang biyaya sa Diyos ang tatanggapin ng Diyosesis ng Malolos na nagdiwang ng ika-50 Jubileo noong Sabado, Marso 12, ayon kay Cardinal Gaudencio Rosales.

Bukod dito, pinapurihan ni Papa Benedicto XVI ang diyosesis sa matagumpay misyon nito sa Bulacan, samantalang ipinaalala ni Cardinal Ricardo Vidal ang pagpapanatiling dalisay ng pananampalataya para sa higit ikapagbabago ng buhay ng mamamayan.

Para naman kay Obispo Jose Oliveros, patuloy na isinasabuhay at isinasagawa na ng diyosesis  ang 50-taon ng biyayang nagpapanibago at pananampalatayang di nagmamaliw, na siya ring tema sa pagdiriwang ng ika-50 Jubileo.

Ayon kay Rosales, kahanga-hanga ang pagtanggap ng mga Bulakenyo sa pananampalataya at pagsuporta sa bayan ng Diyos na kinakatawan ng diyosesis.

“Maraming salamat, hindi ninyo nalimutan ang simbahang itinatag ni Kristo na ang pinangangaral ay ang paghahari ni Hesus na binubuo ng pagmamahala ng Diyos,”

Sinabi ni Rosales na dahil sa matibay na pananalig at pag-ibig sa Diyos, marami pang biyaya ang ibubuhos ng Diyos sa diyosesis.

“Dahil sa katapatan ng inyong pananaligat pag-ibig sa Diyos, lulunurin kayo ng Diyos sa ligaya,” ani Rosales na nagsilbi bilang Arsobispo ng Maynila.

Ipinabatid naman ni Obispo Giussepe Pinto, ang apostolic nuncio sa Pilipinas ang pagbati ni Papa Benedicto XVI sa pagdiriwang ng ika-50 Jubileo.

Ayon sa mensahe na binasa ni Pinto, lubos na nagagalak ang Papa sa pananampalataya ng mga bumubuo sa Diyosesis at ipinalala na ang pagdiriwang ay maging susi sa higoit pang pagpapanibago ng buhay ng tao.

PInangunahan din ni Pinto ang koronasyong kanonikal sa imahe ng Virgen Inmaculada Concepcion de Malolos na binigyang permiso ng Papa.

Puspos din ng kagalakan si Cardinal Vidal sa kanyang pagbabalik sa Malolos.

Si Vidal ang dating arsobispo ng Cebu, ngunit nagsilbi rin bilang co-adjutor bishop ng diyosesis ng Malolos sa loob ng dalawang taon.

“I rejoice with you and I continue to cherish this link. I always look back to my two years in Malolos with fondest memories,” ani Vidal na ngayon ay retirado na.

Bilang isang dating lingkod ng Diyos sa diyosesis ng Malolos, sinabi ni Vidal na malalaim ang pananampalataya ng mga Bulakenyo.

“Bulakenyo faith runs deep. May your faith flows with the same faith I encountered when I was a part of your Christian community.  Ani Vidal.

Idinagdag pa niya na “may your faith be constant and pure, active and generous, so that it may lead souls, and will bear more fruit in renewal of lives.”

Una rito, pinapurihan din ni Obispo Luis Tagle, arsobispo ng Maynila ang mga kasapi ng Diyosesis ng Malolos dahil sa matatag na pananampalataya.

Hinamon din niya ang bawat isa na ipagpatuloy ang pananalig sa Diyos sa pamamagitan ng mabubuting gawa.

Sa kanyang sermon sinabi ni Tagle na di dapata kalimutan ang mga biyuda, estranghero, ulila at iba pa.

“Let us care for the people whom God care and love most,” ani Tagle.

Para naman kay Obispo Jose Oliveros, patuloy na isinasabuhay at isinasagawa ng diyosesis ang 50 taon ng nagpapanibagong biyaya ng Diyos at pananampalatayang di nagmamaliw.

Bilang katunayan, patuloy ang operasyon ng diyosesis sa mga tahanang nagpapala at nangangalaga sa mga babaeng binubugbog at inaabuso ng asawa, mga batang ulila, mga street children, mga matatanda na nasa home for the aged, maging s amga may problema sa pag-iisip, nalulong da ipinagbabawal na droga at sa mga katutubong dumagat.

Bilang patunay din ng biyaya Diyos at di nagmamaliw na pananampalataya, sinabi ni Olivero na sa pagsisimula ng Diyosesis noong 1962, mayroon lamang ito 50 pari na naglilingko sa may 50 parokya kung saan ay halos 500,000 lamang ang kasapi.

Sa kasalukuyan, ang diyosesis ay may mahigit sa 100 parokya na pinaglilikuran ng 216 na pari, samantalang lumobo na sa mahigit 3-Milyon ang kasapi nito.

“When we look back, we are filled with gratitude, and when we look forward, we are filled with hope because of God’s grace and the faith of the people,” ani Oliveros.

Sinabi rin niya na ang biyaya ng Diyos at pananampalataya ng mga kasapi ng simbahan ang nagtaguyod sa diyosesis sa loobng 50 taon at umaasa siyang ito pa rin ang magtataguyod sa diyosesis sa sususnod pang mga taon. (Dino Balabo)

No comments:

Post a Comment