PLARIDEL, Bulacan—Tuwing umaga, nagmamadali sa biyahe ang
mag-asawang Bernardo at Tess Vicente patungo sa kanilang tanggapan sa Lungsod
ng Quezon mula sa Rocka Village sa Barangay Tabang ng bayang ito.
Ito ay upang makaiwas sa mabigat na daloy ng trapiko sa
halos kilometrong Cagayan Valley Road (CVR) mula Rocka Village Complex hanggang
Sta. Rita toll plaza sa katabing bayan ng Guiguinto.
Katulad ng libo-libo pang motorista at empleyadong Bulakenyo
na sa kalakhang Maynila nagtatrabaho, ginagabi sila ng uwi sa bahay dahil din
sa trapiko sa kahabaan ng nasabing lansangan.
Ngunit mula noong Martes ng gabi, Marso 20, napansin nila na
lumuwag na ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng Cagayan Valley Road na nag-uugnay sa
Guiguinto at kabayanan ng Plaridel.
Ito ay anim na oras matapos pasinayaan ang Balagtas
interchange at mabuksan sa mga sasakyan ang 6.87 kilometrong Plaridel by-pass
na nagsanga mula Barangay Borol 1st ng Balagtas sa kahabaan ng northbound
lane ng NLEX hanggang sa Barangay Bulihan ng bayang ito.
“Maluwag talaga,
mabilis na biyahe mula Rocka Complex hanggang Sta. Rita exit,” ani Vicente sa
isang text message na ipinahatid sa Mabuhay noong Miyerkoles ng gabi, Marso 21.
Sabi pa ni Vicente na isang inhinyero ng Maynilad Water
Services Inc., “sana
tuloy-tuloy na ito.”
Ang karanasan ni ng mag-asawang Vicente sa mga unang araw ng
pagbubukas ng Blagtas interchange ng NLEX at Plaridel by-pass ang ay
pangunahing layunin ng proyektong 24.61 kilometrong arterial access road ng
Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ang nasabing proyekto ay mula sa Barangay Borol 1st
sa Balagtas at tatahak sa bayan ng Plaridel at Bustos hanggang umabot sa
Barangay Maasim, San Rafael na nasa hangganan ng
bayan ng San Rafael
at San Ildefonso. Bahagi ng 24.61
kilometrong arterial access road project ang 6.87 kilometrong Plaridel by-pass.
Ayon kay Kalihim Rogelio Singson ng DPWH, kapag natapos ang
nasabing proyekto, higit na mapapabilis ang biyahe mula sa silangang Bulacan at
mga lalawigan sa silangang Gitnang Luzon
patungo sa kalakhang Maynila.
Tinataya nila na aabot lamang sa halos 40 minuto ang biyahe
mula San Ildefonso hanggang Lungsod ng Quezoon kapag natapos ang proyekto sa
2014. Sa dating kalagayan na ang biyahe
ay sa CVR dumadaan, ang nasabing 40
minuto ay nagugugol sa pagitan ng Pulilan at Sta. Rita toll plaza.
Bukod sa mabilis na biyahe, sinabi ni Singson na maghahatid
ito ng dagdag na kaunlaran sa mga bayan sa silangang Bulacan.
Inayunan naman ito ng mga negosyanteng katulad nina Antonio
Tengco at Rudy Kalalang ng Hiyas Water Resoruces Inc., sa Guiguinto at
RockaVilla Properties sa bayang ito ayon sa pagkakasunod.
Maging sina Mayor Lorna Silverio ng San Rafael at Mayor Arnel Mendoza ng Bustos
ay tigib din ng pag-asa sa pangakong kaunlarang ihahatid ng arterial road
project sa kanilang mga bayan.
Bilang dating kinatawan sa kongreso ng ikatlong distrito ng
Bulacan, si Silverio ang nagsulong ng upang maituloy at pondohan ng gobyerno
ang nasabing arterial road project.
Iro ay sinimulan niyang hilingin kay dating Pangulong Gloria
Macapagal Arroyo noong 2007 kung kailan ay iginiit niya na sa pagbubukas ng
nasabing arterial road project nakasalalay ang kaunlaran ng silangang bahagi ng
Bulacan.
Sa kasalukuyan ay 6.87 kilometro pa lamang ang natatapos sa
24.61 kiloometrong arterial road project, ngunit ayon kay Singson, matatapos sa
Hunyo 7.78 kilometrong bahagi ng nasabing proyekto mula Brgy. Bulihan sa bayang
ito hanggang sa bayan ng Bustos.
Batay sa tala ng DPWH, 49 poryento na ng ikalawang bahagi ng
proyekto ang natatapos. Kabilang diro ay
ang pagtatayo ng pitong tulay.
Upang makatawid naman sa Ilog Angat patungong San Rafael ang proyekto magtatayo
ng tulay na may habang 1.12 kilometro ang
DPWH. Ang pondo para sa konstruksyon ng nasabing tulay kasama ang ikatlo at
ika-apat na bahagi ng arterial road project hanggang Brgy. Maasim San Rafael ay
nakatakdang lagdaan sa huling bahagi ng Marso o unang bahagi ng Abril ng taong
kasalukuyan.
Ito ay popondohan ng Japan International Cooperation Agency
(Jica).
Kaugnay nito, sinabi ni Ramoncito Fernandez, ang pangulo at Chief
Executive Officer (CEO) ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) na ang arterial
road project ay isang magandang halimbawa ng programang public-private partnership
(PPP) ng administrasyong Aquino.
“In this PPP, the government provided the road
infrastructure while the Manila North Tollways Corporation (MNTC) will operate
and maintain it as the country’s newest tollway,” ani Fernandez.
Sinabi rin niya na ang MNTC, isang kumpanyang nasa ilalim ng
MPTC ay gumastos ng 109-Milyon para sa pagtatayo ng toll plaza sa Balagtas
interchange.
Ipinaliwanag naman ni Rodrigo Franco, pangulo at CEO ng MNTC
na bukdo dito, namuhunan din ng MNTC ng P22-M para sa operasyon at
pagpapanatili ng maayos na kalagayan ng toll system. installed the fixed and non-fixed equipment
necessary for an efficient tollway system.
Hinggilnaman sa sisingiling toll fee sa Balgtas interchange,
sinabi ni Edmundo Reyes, executive officer ng Toll Regulatory Board na ito ay
batay sa kasalukuyan sinisingil ng Traffic Management Corporation, ang
tagapamahala ng MNTC sa NLEX.
“It is based on per kilometer basis, wala ng consultation
dahil hindi naman toll increase ang ginawa, ibinatay lang sa existing rate per
kilometer,” ani Reyes. (Dino Balabo)
No comments:
Post a Comment