LUNGSOD
NG MALOLOS, Bulacan, Peb. 27 (PIA) - Bagamat sa buwan pa ng Abril inaasahan ang
pormal na pagbubukas ng isinasagawang renobasyon ng modernong Pamilihang Bayan
ng Balagtas, bukas na ito sa mamimili at patuloy na nakakatangap ng positibong
reaksyon.
Ito
ang kinumpirma ni Balagtas Mayor Romy Castro dahil kahit sumasailalim pa ang
nasabing
pamilihang bayan sa renobasyon patuloy itong nagsisilbi sa tao at kasiyahan sa
mga mamimili dahil sa nakikitang kalinisan nito.
Ani
Mayor Castro, ang public market na sinimulan noong Enero ay nasa halos 52
porsyento na ang natatapos sa ginagawang renobasyon at inaasahang pormal na
bubuksan sa Abril 2012.
“Ang
kalinisan at magandang kita ng mga vendor sa palengke ang aming prayoridad kaya
sa tulong ng aming engineering at market office minarapat naming isa-ayos at
pagandahin ang aming pamilihang bayan”, ani Castro.
Humihingi
rin ang punong bayan ng paumanhin at konsiderasyon sa mga mamimili sa kaunting
abala habang isinasagawa ang pagsasa-ayos ng palengke.
Ang pag-uupgrade
ng Balagtas Public Market na aagapay sa pagsulong ng North Food Exchange (NFEX)
project ay umaani na ng positibong reaksyon sa publiko partikular sa mga
mamimili.
“Hindi
ko na nararamdaman ang hassle sa ngayon kapag ako ay bumibili sa palengke dahil
hindi na maputik at wala ng nagliliparang mga langaw at kung ano-ano. Ang
feeling ko ay komportable at para akong nasa first class na public market”,
sabi ni Remedios Dela Cruz, isang suki sa palengke.
Sinabi
naman ni Vicente Alcoriza, market master ng naturang bayan na bagamat patuloy
ang isinasagawang renobasyon sa palengke, hindi naputol ang pagtitinda ng mga
vendors dito matapos ayusin ng pamahalaang bayan at ng Balagtas Vendors
Association ang kapakanan sa pagitan ng mamimili at ng mga nagtitinda.
“Siniguro
namin na hindi mahihinto ang operasyon ng palengke at “business as usual’ kahit
isinasagawa ang renobasyon dahil pangunahing pangangailangan ito ng aming
kababayan at ito rin ang gusto ng aming Mayor”, sabi pa ni Alcoriza.
Ang renobasyon ng Balagtas Public Market ay
ginawa upang maging kapantay nito ang ibang modernong palengke sa bansa at
upang mapataas ang kita at ginhawa sa mga vendors at maging ng mga mamimili,
dagdag pa ni Rolly Danes, municipal information officer.
Bago ito, ang NFEX na sinasabing magiging
Divisoria ng Central Luzon ay kasalukuyan na
rin idinedevelop sa Brgy. San Juan,
Balagtas. Ang 130 ektaryang agro-industrial complex ang inaasahang magiging
sentro ng kalakalan at pagkain sa rehiyon mula sa produktong galing ng Northern Luzon. (CLJD/VFC-PIA 3)
No comments:
Post a Comment