Thursday, March 1, 2012

Inspirasyon ang hatid ng Bulakenyong bar topnotcher


MALOLOS— Inspirasyon ang hatid ni Raoul Angelo Atadero sa mga Bulakenyo matapos siyang manguna sa 2011 bar examination and ang resulta ay inilabas noong Pebrero 29.

Kaugnay nito, naghahanda na ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) Bulacan chapter para sa pagbibigay pagkilala kay Atadero na ang ama na si Raoul ay isang konsehal sa Lungsod ng Meycauayan..

Batay sa ulat na inilabas ng Korte Suprema, naitala ni Atadero na nagtapos sa Ateneo de Manila University ang pinakamataas na puntos na 85.5363% sa katatapos na bar examination at nahigitan ang 1,912 pang mag-aaral ng batas na sumailalaim sa naturang pagsusulit.

Narito ang ibang pumasok sa Top 10 at ang kanilang paaralan:

2. Luz Danielle Bolong, Ateneo de Manila University, 84.5563%.
3. Cherry Liez Rafal-Roble, Arellano University, 84.4550%.
4. Rosemil Bañaga, Notre Dame University, 84.1226%.
5. Christian Louie Gonzales, University of Santo Tomas, 84.0938%.
6. Ivan Bandal, Siliman University, 84.0901%.
7. Eireene Xina Acosta, San Beda College, 84.0663% na nagmula sa Lungspd ng San Jose Del Monte.
8. Irene Marie Qua, Ateneo de Manila University, 84.0575.
9. Elaine Marie Laceda, Far Eastern University-DLSU (Jurist Doctor-MBA), 84.0401.
10. Rodolfo Aquino, San Beda College, 83.7276%.

“It’s no ordinary achievement. It’s really inspiring,” ani Abogado Ted Villanueva, ang pangulo ng IBP-Bulacan.

Iginiit pa nya dapat ding bigyang pagkilala ang magulang at pamilya ni Atadero.

“I tip my hats off to his parents for helping and encouraging him,” ani Villanueva patungkol sa Konsehal Raoul Atadero ng lungsod ng Meycauayan, at sa kanyang maybahay.

Ang pamilya Atadero ay angmula sa Brgy. Saluysoy sa lungsod ng Meycauayan, at namamahala sa mga negosyong sanglaan.

Bilang pangulo ng IBP-Bulacan, sinabi ni Villanueva na umaasa sila na sasapi sa kanila si Atadero.

Bukod dito, sinabi niya na naghahanda sila para sa pagbibigay ng pagkilala kay SAtadero ay iba pang Bulakenyong naskapasa sa bar examination.
Tiniyak naman ni Abogado Jose Dela Rama Jr.,  dating pangulo ng IBP-Bulacan na mabibilang si Atadero sa talaan ng mga Bulakenyong naging top notcher sa bar examination.

Ilan sa mga Bulakenyong abogado na naging bar topnotchers ay sina Pablo Trillana  II ng Hagonoy, Henry Villarica,  at January Sanchez.
All of Fame ng IBP-Bulacan.

Para naman kay Abogado Teddy De Belen, ang hepe ng Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO) ang pangunguna ni Atadero  ay nagpapatunay na ang mga Bulakenyo ay nakahandang manguna sa anumang larangan basta’t mabigyan ng pagkakaraton.

“Bulakenyos are really cut above the rest.  We are proud of them,” aniya at sinabing halos taon-taon ay may Bulakenyong napapasama sa Top 10 ng bar examination.

Inayunan din ito n Mayor Christian Natividad ng lungsod ng Malolos na nakapasa sa bar exam may apat na taon na ang nakakaraan.

Ayon kay Natividad, “Bulakenyos continuously position its youth as a potent source of bright men motivated by opportunities in their proximity to schools.” (Dino Balabo)

No comments:

Post a Comment