Ito ang buod ng panukala ni Antonio Nangel, ang tagapamahala
ng National Irrigation Administration (NIA), matapos ang kanyang pagbisita sa
kapitolyo noong Lunes, Pebrero 27.
Ayon kay Nangel, ang pagtatayo ng filtration system o
pagsala sa tubig na dumadaloy sa ilog ay mas higit na pakikinabangan.
“We need new innovations to address our water needs and
utilize our potentials,” ani Nangel.
Ipinaliwanag niya na ang tubig sa ilog ay maaaring padaluyin
sa maliliit na tinggalan ng tubig kung saan ito ay masasala at magagamit bilang
tubig inumin.
Ayon kay Nangel, kapag nasala ang tubig, mapapadaloy ito sa
mga tahanan ng mga water district o padaluyang tubig.
Ikinuwento rin ng administrador na ang nasabing sistema ay
hindi nabago.
Bilang patunay, binanggit niya na ito ay ginagawa na sa
Lungsod ng Masbate kung saan ay sinasala ang
tubig sa ilog upang magamit sa mga tahanan bilang inumin.
“We have so much potentials in Bulacan, but we are not
utilizing it. It’s about time we utilize water on Angat
River instead of letting it drain to Manila Bay,”
ani Nangel.
Iginiit pa niya na nakipag-ugnayan na siya sa Department of
Agriculture (DA) at Department of Public Works and Highways upang bigyang
pansin ang panukala.
Ayon pa kayNangel, isang kumpanyang pag-aari ng mga Pilipino
na may kasamang taga-ibayong dagat ang nagpapatupad ng katulad na proyekto.
Bukod naman sa pakinabang sa tubig, ipinaliwanag niya na
mababawasan nito ang pinsalang hated sa mga bayan sa gilid ng Ilog Angat.
“Lumubog ang bulacan sa baha noong nakaraang taon, pero
hindi na dapat maulit yan kung may filtration system,” aniya.
Inayunan din ito
ni Gob. Wilhelmino Alvarado na nagsabing ang tubig sa ilog Angat ay nasasayang
lamang dahil tuluyan itong dumadaloy sa Manila Bay.
Ayon pa sa
gobernador, malaking tulong sa mga water district o mga pambayang padaluyang
tubig ang panukala ni Nangel dahil sa bukod sa makakadagdag ito sa padadaluying
tubig, mababawasana ng paghugot ng tubig sa ilalim ng lupa.
Ayon sa
gobernador, mula pa noong 1995 ay natuklasan na ng mga dalubhasang nagsagawa ng
pag-aaral sa kalagayan ng Bulacan na natutuyo ang ground water o mga balon sa
ilalim ng lupa ng Bulacan.
Batay naman sa tala ng National Water Resources Board
(NWRB), maging ang mga balon ng tubig sa lalawigan ng Pampanga ay nasa kritikal
ng kalagayan.
Sinasabi ng nasabing ulat na hindi na sapat ang tubig sa
ilalim ng lupa sa pangangailangan ng lumolobong populasyon.
No comments:
Post a Comment