Larawang kuha ng Royal Canada Mounted Police sa crash site kung saan namatay ang 4 na OFW kabilang si Joey Mangonon ng Bocaue. |
MALOLOS— Nilukuban ng
kalungkutan ang isang pamilya mula sa bayan ng Bocaue na naghahandang magpunta
sa Canada
upang sumunod sa kanilang padre de pamilya na si Joey Mangonon, 35.
Ito ay dahil sa kabilang si
Joey sa apat na Pilipinong nagtatrabaho sa Coast Edmonton Plaza Hotel na
namatay matapos salpukin ng Range Rover ang sinasakyang nilang Dodge Journey
van noong Linggo ng gabi, Lunes ng hapon sa Pilipinas.
Isa pang kasam nina Joey ang
nakaligtas sa nasabing aksidente, at ayon sa ulat ng CBC News website noong
Miyerkoles, Marso 7, nasa kritikal pa itong kalagayan ngunit ligtas na.
Nakaligtas din si Tyler
James Stevens, 29, ang driver ng Range Rover na sumalubong at sumalpok sa
sasakyan ng mga Pilipino. Si Stevens ay kinasuhan na ng Royal Canada Mounted
Police (RCMP).
Dahil naman sa pighati,
halos walang masabi ang asawa ni Joey na si Jeanelle kung ang humingi ng ayuda
sa Department of Foreign Affairs (DFA) upang maiuwi ang bangkay sa Bocaue.
Ang mag-asawang Mangonon ay
may apat na anak. Sila ay nakatira sa Brgy.
Bambang sa bayan ng Bocaue.
Ayon sa mga kaanak, halos hindi matanggap ni Jeanelle ang balkitang
natanggap noong Martes ng madaling araw, Marso 6.
Ito ay dahil sa halos isang taong pagtatrabaho ni Joey sa Coast Edmonton
Plaza Hotel, nagplano na sila na pepetisyunin ang mag-iina upang makasama niya
sa Lungsod ng Edmonton sa Canada.
Ngunit ang lahat ng kanilang pangarap ay naglaho sa isang iglap ng salubungin
at salpukin ng Range Rover na minamaneho ni Stevens ang Dodge Journey na
sinasakayan ni Joey at mga kasama na hindi pa nakikilala.
Ayon sa mga kaanak ng mga Mangonon, ihahatid lamang nina Joey ang isang
kaibigang babae patungo sa Estados Unidos sa pamamagitan ng long driving o
mahabang pagbibiyahe mula Edmonton, Canada.
Batay sa ulat ng mga pahayagang Toronto Sun at Vancouver Sun, naganap ang
insidente sa kahabaan ng Queen Elizabeth Highway sa timog ng Innisfail may 120
kilometro sa hilaga ng Calgary bandang ala-1 ng hapon sa Pilipinas noong Lunes.
Ang ikalimang biktima ay pasahero
ng apat ay inilarawan bilang isang 28 anyos na Pilipina na nasa kritikal na
kalagayan sa Alberta Hospital sa Edmonton.
Sinabi rin sa ulat na hindi
pa inilabas ang pangalan ng mga biktima dahil hindi pa naipapabatid sa mga
kaanak nito ang pangyayari.
Sinabi pa sa ulat na wala sa
linya ang suspek at may posibilidad na lasing.
Hindi pumayag ang suspek na magbigay ng breath sample sa pulisya, ngunit
nananatili siya sa kustodiya ng mga ito.
No comments:
Post a Comment