Thursday, March 29, 2012

PROMDI: Paquiao natutong sumuntok sa Bulacan?




Nasakop na ba ng Salita ng Diyos ang isipan nhg pambansang kamao na si Manny Pacquiao?

Ito ang karaniwang tanong ng marami dahil sa mga huling araw, tuwing mapapanood nila sa telebisyong ang boksingero ay palaging may binabanggit na bersikulo mula sa Bibliya.
***
Hindi masamang mahilig sa pagbabasa ng Bibliya ang pamnasang kamao, sabi ni Father Pedring ng Leighbytes Computer Center sa Malolos.

Mas mabuti raw ito kaysa sugal o kaya ay manok sa sasabungin ang pagtuunan ng pansin ng boksingerong ngayon ay kinatawan na sa kongreso ng lalawigan ng Saranggani.
***
Marami sa atin ang humahanga sa galing sa boksing ni Pacquiao, at marami din ang nanghihinayang na hindi siya Bulakenyo.

Mas proud kasi ang mga Bulakenyo kapag nalaman na ang sikat na tao ay Bulakenyo rin o may lahing Bulakenyo.  Nakaka-relate daw sila.
***
Ngunit alam ba ninyo na hindi man Bulakenyo si Pacquiao, isang bahagi ng buhay niya ay naging bahagi ang Bulacan?

Hindi po ito tsismis dahil ang nagkuwento nito sa Promdi ay walang iba kungdi si Obispo Jose Oliveros ng Diyosesis ng Malolos.
***
Sa panayam ng mga mamamahayag sa Bulacan sa Obispo noong Miyerkoles, Marso 21, pinukaw niya ang diwa ng bawat isa sa amin sa pamamagitan ng isang tanong.

“Alam ba ninyo kung saan natutong sumuntok si Pacquiao,” tanong Obispo.
***
Walang nakasagot sa hanay ng mga mamamahayag.  At lalo kaming nagulat ng sagutin ng Obispo ang sariling tanong.

“Sa Bulacan,” aniya.
***
Batay sa pahayag ng Obispo, bago naging boksinero si Pacquiao ay nagtrabaho sa isang panaderya sa Bulacan bilang taga masa ng tinapay.

Talagaaaaa?  Pero, ang tanong, saan sa Bulacan?
***
Hindi naman ipinagdamot ni Obispo Oliveros ang impormasyon atnagpatuloy siya sa pagkukuwento.

Samantalang kaming mga mamamahayag ay abala sa pagsusulat ng mga impormasyong kanyang sinalita.
***
So, saan sa Bulacan nagtrabaho ang pambansang kamao bilang taga-masa ng tinapay bago siya naging boksingero, yumaman, naging kongresista, at ngayon ay mukhang magigig “Bible Ambassador” ng simbahan.

Ayon kay Obispo Oliveros, si Paquiao ay nagtrabaho sa isang panaderya sa isang bayan sa ika-apat na distrito ng Bulacan.
***
Whoooopsss!  Saan doon, ang laki ang ika-apat na distrito ng Bulacan.  Kabilang doon ang mga Lungsod ng San Jose del Monte (SJDM) at Meycauayan, mga bayan ng Sta. Maria, Marilao at Obando.

Saan nga ba?  Sa SJDM?  Hindi.  Meycauayan?  Di rin? Sta. Maria?  Lalong hindi?  Marilao?  No.
***
Eh, saan nga? Di sa SJDM, di rin sa Meycauayan, sir in sa Marilao o Sta. Maria.

Saan pa, eh di, sa Obando!
***
Hindi lang basta sa Obando, binanggit pa ni Obispo Oliveros yung barangay sa nasabing bayan?

Saan? Eh saan pa, eh di sa Paco!
***
Ayon kay Obispo Oliveros, kinikilala ni Pacquiao ang bahaging ito ng kanyang buhay, ngunit hindi binanggit ang lugar kung saan siya nagsilbing taga-masa ng tinapay.

Ibig sabihin, kumpirmadong nagtrabaho si Pacquiao sa isang panaderya.
***
Pero kung saan man matatagpuan yung panderyang iyon ay hindi pa kinukumpirma ni Pacquiao kung saan.

Hintayin na lang natin ang kanyang kumpirmasyon.
***
Para sa marami sa atin, hindi na mahalaga kung saan panaderya nagtrabaho si Pacquiao.

Ang mahalaga daw ay hindi inililihim ng pambansang kamao ang kanyang simpleng pinagmulan.
***
Ngunit para sa iba nating kababayan, mas higit na mabiobigyan kulay ang bahagi  buhay ng pambansang kamao kung tutukuyin kung saang panderya siya nagtrabaho bago siya naging boksingero.

Ang impormasyoing ito ay higit na importante sa mga nagnanais magsulat ng buhay at kasaysayan ng pambansang kamao.  (Dino Balabo)

No comments:

Post a Comment