MALOLOS – Mahabang weekend ang naghihintay sa mga Bulakenyo matapos ideklara
ang Lunes, Abril 2, 2012 na “special non-working holiday” sa lalawigan ng Bulacan bilang paggunita sa
ika-224 na kaarawan ng tanyag na makata at mananalumpati na si Gat Francisco “Balagtas” Baltazar.
Ang nasabing anunsyo ay alinsunod sa Provincial Ordinance No.C-004 o kilala bilang “An Ordinance
Enacting the New Provincial Administrative Code of Bulacan”, Chapter II, Section 27, The Provincial
Legal Holidays at Proclamation No. 355, na nilagdaan ni Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr. na may
petsang Marso 27, 2012.
Kaugnay nito, hinikayat ni Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado ang lahat ng Bulakenyo na sama-samang
gunitain ang araw ng pagsilang ni Balagtas sa pamamagitan ng pagkilala sa kanyang mga kontribusyon
hindi lamang sa lalawigan kundi sa buong bansa.
Si Baltazar ay ipinanganak sa Panginay, Balagtas (dating Bigaa), Bulacan noong Abril 2, 1788 kay Juan
Baltazar, na isang panday, at Juana de la Cruz na isang dakilang maybahay.
Tinaguriang Prince of Tagalog Poets at sinasabing William Shakespeare ng mga tulang Filipino, pinaka
naging sikat niyang obra ang Florante at Laura.
Ipinangalan din ang sikat na Filipino debate form na Balagtasan kay Baltazar at naging front cover sa
Pahayagang Kastilyano, publikasyon ng mga Kastila, sa loob ng dalawang linggo. (Provincial Public Affairs Office)
No comments:
Post a Comment