Thursday, December 29, 2011

DOST urges public to sync all watches to PST for the New Year’s Eve countdown



By Joy M. Lazcano
S&T Media Service, STII

With a few more days left before the year ends, the Department of Science and Technology urges the Filipinos to sync all time pieces with the Philippine Standard Time (PST) in celebrating the New Year’s Eve countdown.

            Various TV networks and cities around the country hold similar New Year’s Eve celebration culminating with the traditional midnight countdown. 

            According to DOST Secretary Mario G. Montejo, it is imperative that organizers of various New Year’s Eve countdown should refer to a standard time which is the PST so that the whole nation can simultaneously celebrate the coming of the new year.

            Just this year, DOST through its attached agencies such as the Science and Technology Information Institute (DOST-STII), and the Philippine Atmospheric, Geophysical, Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA) launched Juan Time, a national advocacy campaigning for the synchronization of all time pieces with the PST in all government and private offices.

 DOST-PAGASA, being the designated official time keeper by virtue of the Batas Pambansa Blg. 8 Sec.6., is equipped with the timing device system consisting of a rubidium atomic clock, and a Global Positioning System receiver that precisely adjust PST accordingly.

            The campaign was received by many government institutions including the Department of Education which came with a Department Order no. 86 urging all offices and schools under DepEd to synchronize all time pieces to the PST.

            Recently, the City Government of San Pablo and the DOST Regional Office in Davao adopted the campaign while private companies have already expressed interest.

“We hope that the whole nation will join and synchronize our watches and other time pieces with the PST so we can all celebrate the New Year’s Eve countdown as one nation.”

Wednesday, December 28, 2011

Bulacan nagbigay ng P400, 000 sa Iligan at Cagayan de Oro


 
LUNGSOD NG MALOLOS- Sa pangunguna ni Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado, nagbigay ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ng P200, 000 kapwa sa Pamahalaang Lungsod ng Iligan at Cagayan de Oro para sa mga biktima ng bagyong Sendong. 

Binanggit ni Alvarado na ang nasabing cash donations ay para makatulong sa relief operations sa libo-libong residente naapektuhan at namatayan dulot ng pagbaha.

 “Ngayon ang pagkakataon para ibalik ng ating lalawigan ang tulong na ibinigay sa atin. Ngayon ang ating pagkakataon para makatulong na kahit sa konting halaga ay maiparamdam natin sa kanila ang ating simpatiya,” wika ni Alvarado.

Idinagdag pa niya na tulad ng nga lalawigang nasalanta ng bagyo kamakailan, nakaranas din ang Bulacan, partikular na ang Hagonoy at Calumpit, ng hagupit ng bagyong Pedring at Quiel. Nakatanggap din ang lalawigan ng mga donasyon at tulong mula sa pamahalaang nasyunal, lokal na pamahalaan, non-government organizations at international organizations.

Tinanggap nina Iligan City Mayor Lawrence Lluch Cruz at Mayor Vicente Emano ng CDO ang ang nasabing donasyon na dinala nina Political Affairs Consultant Vicente Cruz, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMO) Executive Officer Felicisima Mungcal, Dr. Jocelyn Gomez ng Provincial Public Health Office (PPHO) at Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) Assistant Department Head Norma Luarca.

Tinatayang 108,798 pamilya o 695,195 indibidwal ang naapektuhan ng bagyong Sendong at nasa evacuation centers pa rin ang 14, 089 pamilya o 69, 287 indibidwal. ###

PPP can enable increased production of seedlings of anti-hypertensive ubi

29 December 2011

A Public Private Partnership Project (PPP) is enabling increased production of “ubi” seedlings that should help meet the high demand for this anti-hypertensive, anthocyanin-rich crop used in delicacies such as cakes, yogurt, and ice cream.
   
A PPP initiative of the Visayas State University (VSU) in Baybay City, Leyte and the Bali Farms Crops Research Center (BFCRC) can make available increased seedlings of ubi, also called purple yam, year-round through tissue culture.
   
This will supply farmers with more adequate seedlings for ubi which according to VSU’s Philrootcrops can bring a net income to farmers of P185,000 per hectare per cropping on the first year and P258,000 on the second year under recommended farming conditions.
   
Food entrepreneurs may also have better access to ubi as present supply cannot meet increasing demand for ubi as jam, puree, flavoring for ice cream and yogurt, and filling for hopia, cakes, pastries, and breads.   
   
Flour and starch may also be produced from it-- products that can have industrial value-- while ubi’s strong purple color may make it important as food coloring or dye.
   
The VSU has agreed with BFCRC in Cagayan de Oro City, a commercial crops producer, on tissue culture use for ubi plantlets production.
   
“Production (of seedlings) is too seasonal— once a year from January to May.  Tuber supply cannot meet market demand, (causing an) underdeveloped industry despite competitive edge,” according to VSU’s Dr. Villaluz Z. Acedo and Catherine C. Arradaza.
   
Tissue culture, the growing of tissues or cells separate from the organism in laboratories in order to produce plantlets, can remove pest and disease in the seedlings.  It may produce planting materials in large volume and at a very rapid rate.
   
The tissue culture project of VSU won a bronze prize in the Bureau of Agricultural Research’s (BAR) National Research Symposium this year.
   
“We have a thrust to promote healthful products like ubi that will both raise income of farmers and provide consumers with products that have natural medicinal value,” according to BAR Director Nicomedes P. Eleazar.
   
With its blue-purple pigment, ubi is also known to be rich in anthocyanin which is considered a flavonoid.  It has potential beneficial health effects against cancer, aging and neurological diseases, inflammation, diabetes, and bacterial infections.
   
A linkage between the private sector and public institutions on tissue culture is “vital to promote and sustain higher productivity and competitiveness of ubi as one of the country’s five banner export crops in propelling economic growth,” said VSU.  It is further proposing with BAR a P4 million project to support development of the ubi industry.
   “Scaling up studies are needed to establish the viability of the new seed system,” the root crops specialist said.
   In its recommended tissue culture practice, monthly planting of ubi seedlings should be done to ensure year-round cropping. 
   VSU is proposing a seed system where private growers may produce their own seedlings on top of what VSU or other public institutions may produce.
   “This saves ubi tubers for food and industry,” said VSU.  “Tissue cultured purple yam can be planted year-round, although at certain months yield is low.  Nutrient boosting showed great promise in increasing tuber yield.”
   VSU earlier conducted from 2005 to 2010 at its Philrootcrops (Philippine Root Crops Research and Training Center) tissue culture laboratory a study on the production of plantlets through tissue culture. 
   Nutrient boosting practice on the plantlets include spraying of calcium-based fertilizer at 2.5 grams per liter water and basal application of Triple 14 fertilizer.
   The Philippine Council for Health Research and Development affirmed in a study the presence of PRP-1 (Philippine Rootcrops Protein 1), a novel anti-hypertensive protein isolated from ubi.
   PRP-1 is found to have angiotensin-converting enzyme (ACE) which prevents conversion of angiotensin I to angiotensin II, a compound that causes blood pressure increase in the body.
   This may make the locally-produced ubi a good source of alternative drug for the treatment of hypertension.
   “The significant role of yam in human health could not be overemphasized.  It can be used safely as a potential anti-hypertensive drug.  And because it is a natural protein, it could be a valuable molecule in today’s health-conscious society,” said Dr. Edgardo E. Tulin of VSU’s Philrootcrops.
   Entrepreneurial companies like La Union-based Sunlight Foods have found big economic value in indigenously-grown crops like ubi.  It now supplies ubi puree to Red Ribbon and Gardenia, Chowking, Fitrite, Jollibee and Selecta. 
   “It exports bottled ubi preserves to Japan, Europe, United States, Canada and Middle East through consolidators,” reported AGribusinessweek.
   The World Health Organization (WHO) itself has pushed for increased intake of natural food with anti-hypertensive content since commercial anti-hypertensive drugs are expensive.
   “Hypertension or high blood pressure lead to organ damage and several illnesses such as heart attack, stroke, heart failure, aneurysm or renal failure.  That is why the WHO recommends and encourages the use of plants as an alternative treatment for the disease,” said PCHRD.
   WHO indicated that hypertension is one of the leading causes of premature deaths reaching to eight million people globally.  It estimates there are one billion people suffering from hypertension worldwide of which two-thirds are from developing countries like the Philippines.

For any questions please call Dr. Villaluz Acedo, 0915-201-9173

Monday, December 26, 2011

6-anyos patay sa pagsabog ng isang tricycle na paputok


MALOLOS CITY-- Patay ang isang anim na taong gulang na bata samantalang sugatan naman ang kanyang ama sa pagsabog ng isang tricycle na may kargadang mga paputok sa baranggay Partida sa Norzagaray, Bulacan  bandang alas-otso ng gabi noong Lunes.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Norzagaray Municipal Hospital si John Ezekiel Silva habang inoobserbahan naman ang kanyang ama na si Noli Silva, kapwa residente ng Guimba, Nueva Ecija.

Ayon sa inisyal na ulat, bumili ng paputok sa Bocaue ang mga biktima at pabalik na ng Nueva Ecija ng biglang sumabog ang pinamiling paputok pagdating sa sa baranggay Partida, Norzagaray na naging sanhi rin ng pagkawasak at pagkasunog ng sasakyan ng mag-ama.

Nagkalat din sa kalsada at maging sa mga puno ay nakasabit ang mga piraso ng mga paputok tulad ng sawa, sinturon ni hudas at mga pla-pla.

Ang isang bahay malapit sa pinangyarihan ng insidente, nabasag daw ang mga salamin dahil sa lakas ng impact ng pagsabog.

Ayon kay Dr. Joselito Santiago, municipal doctor ng Norzagaray  matindi ang naging pinsala sa ulo ng bata na naging dahilan ng kamatayan nito.

Lumabas daw ang utak nito sa insidente kayat ilang oras lamang matapos isugod sa pagamutan ay binawian na ito ng buhay.

Samantalang si Noli naman ay nagtamo ng 1st degree burn at ililipat nila sa mas malaking ospital.

Ayon kay kay P/Supt. Bruno Viola, Jr., hepe ng Norzagaray PNP, self accident daw ang pangyayari.

Aniya galing sa Bocaue ang mag-ama at doon namili ng mga paputok na dadalhin sa Nueva Ecija.

Dahil daw sa init ng tambutso ng tricycle kayat nagsiklab at sumabog ang mga paputok dito.

Nagkakahalaga daw ng trenta mil ang mga pinamiling paputok nina Silva.

Natuklasan na may kargang bomb shell, pla pla, sawa, kwitis at ibat-ibang rebentador ang tricycle ng mag-ama.

Reported collapse of dams worsened CDO flashflood




The flashflood that killed and harmed hundreds of people in the northern Mindanao and southern Visayas areas was aggravated by the reported collapse of dams along the Cagayan de Oro River, according to the Department of Science and Technology Secretary Mario G. Montejo. Montejo was with the presidential party devastated by flashfloods wrought by Tropical Storm Sendong. 

“It is most likely that the flashflood in Cagayan de Oro was caused not only simply by the high volume of rain that fell in the watershed of rivers in said places but essentially of the reported collapse of dams at the upper parts of the rivers,” Montejo announced.

Reports from the field that reached the presidential party regarding the collapse of the dams are being investigated, per instructions of Pres. Benigno Aquino III.

“Pagasa had been doing its job conscientiously,” Montejo assured. “In fact, places such as Bohol, Surigao, and Camiguin that heeded Pagasa’s warning and took appropriate actions had mitigated the effects of Sendong.”

To further improve its weather forecasting and hazard mitigating capability, Montejo said that Pagasa in 2012 will upgrade monitoring systems.

“We are set to install 1,000 water level sensors in selected major river basins in 2012,” Montejo revealed. “Since the 1980s, only four rivers were installed with sensors to measure water-level rise. The President has given instructions and allotted resources to fast-track our river monitoring system nationwide to aid in forecasting potential floods.”

“To enhance rainfall and weather forecasting, we will also improve the integration of data from Doppler radars, satellites, automated weather systems, and rain gauges through numerical model WRF,” he added.

DOST is also looking at enhancing its flood forecasting system to determine expected impact to local communities. This includes the use of several techniques such as the use of 3D maps.

On the reported dam collapse, Sec. Montejo said that the continuous rains may have caused the accumulation and build up of water upstream of the dam. 

“At some point, the dams may have collapsed when the trapped water filled with debris overtopped the dam. This could have led to dam breakage and failure,” Sec. Montejo explained.

When the large volume of water trapped behind the landslide debris dams was released, it triggered the flashfloods. The landslide dam break mechanism caused the flashfloods, which would explain the sudden surge of water reported by survivors in Cagayan de Oro,” Montejo added. 

Sec. Montejo pointed out that survivors described the flashfloods as “sudden surge”, while post-disaster pictures showed large amounts of mud and debris, including trees, that were carried by the flashfloods.

He also clarified that although the rainfall brought by Sendong was not like Typhoon Ondoy that generated181 mm of rain for one day that caused the disastrous flashfloods in 2009. The landslide dam break that happened in Sendong had happened during the 2004 Infanta, Quezon and 2008 Iloilo flashfloods, he said. (S&T Media Service)

Sunday, December 25, 2011

SAN RAFAEL JOBS FAIR: Sutherland to hire 2,000 call center agents

 
SAN RAFAEL, Bulacan—At least 2,000 call center employees are expected to be hired in the two-day jobs fair here starting Tuesday.

Mayor Lorna Silverio of this town, said the jobs fair will be spearheaded by Sutherland Philippines, one of the top five business process outsourcing (BPO) company in the country.

“Sutherland is the second company to locate in our IT Center this year,” Silverio said referring to the San Rafael Information Technology Center (IT Center) at Brgy. Tambubong here.

A branch of Sutherland Global Services, Sutherland Philippines is investing at least P100-M for their first facility in Bulacan.  The other company that established their operation at IT Center is AAIN, a Korean undergarments exporting company.

Silverio said that Sutherland needs at least 2,000 new call center agents as they expand their operations in the country.

“While they are constructing their facilities, Sutherland will farm out and train newly hired call center agents in their branches in Central Luzon and Metro Manila,” the Mayor said.

The jobs fair will be held at the San Rafael governance center in Brgy. Sampaloc here from 8AM to 5PM.

To qualify, applicants must be at least 18-years old, with good communications skills, with or without experience, and must be at least high school graduate.

Based on documents, Sutherland Philippines has established branches in Tarlac, Clark Freezone in Pampanga; the cities of Makati and Taguig in Metro Manila; and in Camarines Sur and Davao City.

Established in Rochester, New York in the United States in 1986, Sutherland Global Services has over 30,000 employees in 33 centers in10 countries across the globe.

A global business process outsourcing company, Sutherland Global Services provides integrated platform-based and analytics enabled business-cycle support solutions for major industry verticals and global industry leaders.

In the US, it is named as the second largest job creator last August; while it leads in opening opportunities in “next wave cities” in the Philippines.  

Saturday, December 24, 2011

Bulacan pyro makers handang magdonasyon sa biktima ng kalamidad




MEYCAUAYAN CITY, Bulacan—Tutol ang mga kasapi ng Philippine Pyrotechnics Manufacturers and Dealers Associations Inc., (PPMDAI) sa panawagan ni Health Secretary Enrique Ona na i-donasyon na lamang sa mga nabaha sa Mindanao ang ipambibili ng paputok.

Ayon kay Vimmie Erese, pangulo ng PPMDAI, maging ang mga kasapi nila ay naghahanda ring magpahatid ng mga donasyon sa mga biktima ng kalamidad sa mga Lungsod ng Cagayan De Oro at Iligan sa Enero.

Iginiit pa niya na nakahanda rin ang PPMDAI na i-donasyon ang bahagi ng kanilang kikitain sa taong ito sa mga biktima ng kalamidad, bukod sa pangungulekta nila ng donasyon sa mga mamimili ng paputok.

Ngunit ang planong ito ay nakadepende sa magiging benta nila ng mga paputok sa nalalapit na pagsalubong sa Bagong Taon.

“Paano kaming makapagbibigay ng mas malaking donasyon kung kakaunti ang mamimili ng produkto namin,” ani Erese.

Iginiit niya na maging mga kasapi ng PPMPDAI ay kabilang sa mga nabaha, partikular na sa Bulacan noong Setyembre at Oktubre, at sa Mindanao nitong nakaraang linggo.

Ayon kay Erese, ikinagalak na nilang ang paglulunsad ng kampanyang Aksyon Paputok Injury Reduction (APIR) ng ng Department of Health (DOH) nitong unang Linggo ng Disyembre, dahil iyon ay pabor sa industriya.

Sinabi niya na ang panibagong panawagan ni Ona na i-donasyon na lamang ang pambili ng paputok sa mga biktima ng kalamidad sa Mindanao ay maituturing na panibagong dagok sa kanilang industriya.

“Parang panibagong kalamidad ito, hindi pa kami nakakabangon dahil sa pagbaha sa Bulacan at Mindanao, may panibagong panawagan na naman laban sa industriya ng paputok,” ani Erese.

Binigyang diin niya lalong mahihirapang makabangon at makabawi sa nalusaw na puhunan ang mga kasapi ng PPMDAI na kasamang nasalanta ng kalamidad sa Mindanao at Bulacan.

Una rito, sinabi ni Erese na hindi maganda ang sitwasyon sa industriya ng paputok sa taong ito  dahil nabawasan pa ang bilang ng mga gumagawa.

Ito ay dahil sa tumaas ang presyo ng mga kemikal na gamit sa paggawa ng paputok.

Kaugnay nito, nananatilingmatumal ang bentahan ng paputok sa mga bayan ng Bocaue at Baliuag sa Bulacan, ang mga itinuturing na “Divisoria” ng paputok.

Ito ay dahil na rin sa mga sunod-sunod na kalamidad na nanalasa sa bansa sa taong ito.

Friday, December 23, 2011

Sariling-sikap ang panglaban sa epekto ng climate change


 MALOLOS—Dapat matutong magsariling sikap ng Pilipinas partikular na ang mga pamahalaang lokal sa paglaban sa epekto ng climate change.

Ito ang payo ng ibat-ibang grupo matapos ang ika-17 Conference of Parties (COP17) o Climate Change Conference na isinagawa sa Durban, South African kung inayunan ng mayayamang bansa ang pagpopondo sa $100-Bilyon Green Climate Fund (GCF) mula 2012 hanggang 2020.

 “The Philippine government must act as if the country is on it's own,” ani Red Constantino, ang executive director ng Institute for Climate Sustainable Cities (iCSC) sa isang email na ipinadala sa mamamhaya na ito noong Lunes ng hapon, Disyembre 5.

Si Constantino ay isa sa mga Pilipinong lumahok sa isinagawang COP17 na nagsmula noong Nobyembre 28 at natapos nitong Linggo, Disyembre 11.

Sa nasabing kumperensiya na tinampukan ng tensiyon sa pagitan ng mayayaman ay mahihirao na basa sa mundo, umayon ang mas mayayamang bansa sa mundo sa pangunguna ng European Union na pondohan ang  GCF, at palawigin ang Kyoto Protocol na matatapos sa susunod na taon.

Batay sa mga ulat matapos ang kumperensiya, napagkasunduan na ipagpatuloy ang Kyoto Protocol na naglalayong bawasan ang ibinubugang greenhouse gas (GHG) ng mayayamang bansa sa himpapawid na naghahantid ng pag-init ng mundo o global warming na nagbubunga ng pagbabago ng klima o climate change na sanhi ng mapanalantang bagyo at baha.

Ayon kay Constantino, bago tuyluyang napagtibay ang kasunduan sa GCF at Kyoto Protocol ay nagparamdan ng di pagsang-ayon s amga ito ang mayayamang bansa tulad ng Amerika at Canada.

Sa kanyang email, sinabi ni Contantino na “in Durban most developed countries continue to avoid taking responsibility in meeting their obligation to compensate those who are increasingly suffering from climate change.”

Sa kabila nito, namayani pa rin ang mas maliliit na bansa; at iginiit ni Constantino na hindi dapat tumigil ang Pilipinas sa paniningil sa mayayamang bansa na nagdulot ng global warming dahil ang kinabukasan ng bansa ang nakataya.

“This is about justice and the very viability of the Philippines as an independent, healthy and flourishing nation. The future of development is at stake,” aniya.

Subalit iginiit pa niya na “we cannot and should not rely on the largesse of rich countries, which continue to take the path of destructive self-interest,” at binigyang diin na kailangang ding kumiloy at magsariling sikap ang bansa sa paglaban sa epekto ng climate change sa pamamagitan ng pagpapatibay sa People Survival Fund (PSF) of “Depensa Bill.”

“This is a huge reason why the Aquino administration must ensure the early passage of the People's Survival Fund, which was already passed by the Senate but not moving in the House. The PSF seeks to provide local governments and communities with direct access to adaptation finance. It incentivizes early action from localities by creating an annual funding source dedicated to adaptation and measures that build resilience to climate change from below,” ani Constantino.

Inayunan din ito ng Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ) na nagsagawa ng climate justice awareness caravan mula sa  lalawigan ng Isabela noong Lunes, Diyembre 5 hanggang Bulacan noong Biyernes, Disyembre 9 at Maynila noong nakaraang Sabado.

Ayon kay Khevin Yu, tagapagsalita ng PMCJ, masimulan man ang pagbibiogay ng GCF sa susunod na taon, matatagalan pa ito bago matanggap ng bansa at nga mga pamahalaang lokal na nagsagawa ng plano laban sa epekto ng climate change.

“Habang hinihintay natin yung GCF, kumilos na tayo, bumuo ng mga planong isasagawa,” aniya.

Sa kabila naman ng kawalan ng pondo, sinabi ni Yu na maaring gamitin ng mga pamahalaang lokal ang kanilang calamity fund para sa paghahatid ng kaalaman sa mga mamamayan kung paano tutugunan ang mga kalamidad.

Sinabi pa niya na maging ang PSF o Depensa Bill ay matatagalan at anumang oras ay maaring magkaroon ng kalamidad.

Hindi tayo dapat maghintay na magkaroon ng muli ng kalamidad, kailangang ngayon pa lang ay kumilos na tayo,” ani Yu.

Binigyang diin niya na dapat manguna ang mga pamahalaang lokal sa paghahanda sapagkat ang mga ito ang may hawak ng pondo at gumagawa at lumilikha ng mga polisya.

Subalit ang isang problemma sa kalagayang ito ay iilang namumuno sa mga pamahalaang lokal, partikular na sa lalawigan ng Bulacan ang nakakaunawa sa paghahanda laban sa kalamidad, lalong higit ang pagbuo ng emergency action plan.

Sa kalagayang ito, sinabi ni Nong Ranggasa, executive director ng Climate Change Academy (CCA) sa lalawigan ng Albay na nakahanda sila na magbigay ng kasanayan sa mga namumuno sa mga pamahalaang lokal.

Ayon kay Rangasa, ang mga pinuno ng mga pamahalaang lokal partikular na ang mga alklade, gobernador, mga planning ang development officers at maging mga disaster risk reduction officers at mga administrador ng mga pamahalaang lokal ay maaring magtungo sa Albay upang magsanay.

Maaari ding imbitahan ang CCA  at sila ang magtutungo sa mga lalawigan nais mapataas ang kasanayan sa climate change adaptation.

Ayon kay Rangasa, iisa ang kanilang hinihiling sa mga nais sumailalim s amga pagsasanay.

“Bago sila magsanay, kailang nakahanda ang kanilang local development plan dahil doon nakabatay ang kanilang pagsasanay,a; aniya.

Inihalimbawa na niya na sa lalawigan ng Albay halos kalahati ng ng may 600 barangay mula sa ibat-ibang bayan at lungsod ng bumuo ng sariling development plan.

“Every locality is unique, kaya hindi pwede dito yung cut and paste, georgrapic sensitive ang mga development plan kasi bawat barangay o bayan ay magkakaiba ang terrain.  May maraming ilog, may mabundok,” ani Rangasa.

Thursday, December 22, 2011

Pyro-related injuries to drop, if...

SAN RAFAEL, Bulacan—Pyrotechnics related injuries will drop by at least 40 percent if authorities will only remove smuggled and sub-standard products from the market.

The move is also expected to increase sales of legitimate pyrotechnics manufacturers and dealers in the country who are struggling to compete.

Joven Ong of Dragon Fireworks here said that they can not calculate possible sales at this time as buyers usually flock to pyrotechnics store after Christmas.

However, he said that if authorities will removed illegal pyrotechnics products in the market, it will likely to increase their sales.

“Even injuries will drop by at least 40 percent,” Ong said noting that pyrotechnics related injuries are usually caused by oversized and sub standard products.

As the country’s leading fireworks manufacturer, he said that fellow legitimate manufacturers are following the requirements of the law to secure safety in the use of their products.

He was referring to Republic Act 71983 of the law governing the manufacture, sale and distribution of pyrotechnics devices.

Ong said the law required that for pyrotechnics no more than half teaspoon of chemicals must be used, and its fuse must take at least three seconds to explode after lighting.

Records showed that every year, a number of children are injured by pyrotechnics devices.

This is due to the fact that children usually pick up unexploded pyrotechnics.

Earlier, the the Department of Health launched a safety campaign dubbed as Aksyon: Paputok Injury Reduction (APIR).

The campaign is a clear departure from the previous DOH scare tactics known as “Iwas Paputok.”

Meanwhile, the Bureau of Fire Protection (BFP) in Bulacan are working double time to inspect pyrotechnics factories and stores in the province.

Yesterday, the BFP conducted their third inspection in seven days.

However, pyrotechnics dealers and retailers said that BFP’s inspection came a little to late. 

Di lang paputok ang dapat pag-ingatan, maging pagkain


MALOLOS—Hindi lang paputok ang dapat pag-ingatan sa panahon ng pagdiriwang ng Pasko at Bagong taon.

Dapat ding mag-ingat sa pagkain, kaya naman magig mga gamot at gamit sa mga tataas ang presyon ng dugo at iba pang sakit at ipinahanda na ng direktor ng Bulacan Medical Center (BMC) sa lungsod na ito.

Ayon kay Dr. Protacio Badjao, direktor ng BMC, karaniwang nakapagtatala sila ng mataas na bilang ng biktima ng paputok tuwing unang araw ng taon at karaniwan sa mga biktima ay mga bata.

Ito ay dahil sa ang mga bata ang karaniwang namumulot ng mga paputok na nagmintis.

“Nakahanda ang trauma center ng BMC at maging ang bawat district hospitals natin para sa mga naputukan,” ani Badjao patungkol sa mga district hospitan matatagpuan sa bayan ng Hagonoy, Bulakan, Calumpit, Baliuag, San Miguel at Sta. Maria.

Ipinagmalaki niya na ang mga duktor sa mga nasabing pagamutan ay mataas ang kasanayan at kakayahan sa paggamot sa mga nasugatan; bukod pa sa nakahanda ang mga pasilidad at mga gamot.

Maging ang mga nababril at mga naaksidente sa sasakyan sa panahon ng dalawang sunod na pagdiriwang ay pinaghandaan na rin ng mga pagamutan.

Bukod sa mga ito, sinabi ni Badjao na dapat ding mag-ingat sa pagkain ang bawat  isa.

“Kapag ganitong mga selebrasyon karaniwang nakakalimot tayo sa pagkain, napaparamia ng kain natin,” ani Badjao.

Ipinaliwanag niya na ang pagkain g marami, partikular na ng maaalat, matatamis at mamantikang pagkain ay delikado sa mga may sakit sa puso, mag may alta-presyon at maging sa mga may sakit ng diabetes.

“Ingat lang po sa pagkain, hinay-hinay lang tayo,” paalala pa ni Badjao.

Para naman sa mga may hika at asthma, sinabi ng duktor na ang mga ito karaniwang inaatake kapag nakalanghap ng usok.

Ipinayo niya na umiwas ang mga taong may sakit na hika sa mga lugar na marmi ang nagpapaputok dahil ang usok ng paputok ay maaring maging sanhi ng hika.

Upang makaiwas naman sa peligro, ipinayo niya na agad na kumonsulta sa mga duktor sa pagamutan.

Para naman sa mga naputukan, ipinayo rin niya na dapat ay hugasang mabuti ang sugat kung hindi rin lang makakapunta agad sa ospital.

Farm sa Tarlac sinalakay ng NPA; pagbabanta pinaigting ng Nolcom

MALOLOS CITY—Mas pinaigting ng Northern Luzon Command (Nolcom) ang pagbabantay laban sa rebeldeng New People’s Army (NPA) sa kabila ng pagdedeklara ng suspension of offensive military operations (SOMO).

Ito ay dahil sa insidente ng pagsalakay ng mga diumano’y rebelde sa Red Dragon Farm na matatagpuan sa Sitio Sapang Kuran, Brgy. Moriones, San Jose Tarlac noong Martes..

Ayon sa pahayag na ipinalabas kahapon ni  Captain Jovily Carmel Cabading,  tagapagsalita ng Nolcom dapat manatiling mapagbantay ang kasundaluhan.

Ito ay dahil sa habang ang buong bansa ay abala sa paghahatid ng tulong sa mga nasalanta ng kalamidad sa Minanao ay isang grupo na nagpakilalang mga kasapi ng rebeldeng NPA ang sumalakay sa Red Dragon farm sa Tarlac.

“Nakakalungkot po ang ganitong pangyayari lalo na at malapit na ang Pasko.  Imbes na tumulong sila sa nangangailangan,  pinagsasamantalahan pa nila ang kanilang kapwa,  Ang AFP nga po ay nagsuspinde pa ng offensive military operation upang lahat ay magkaroon ng pagkakataon na makasama ang kanilang mahal sa buhay sa panahon ng kapaskuhan,”  ani Cabading

Batay sa ulat ng Nolcom, sumalakay sa farm ang may 13 armadong kalalakihan na nagpakilalang NPA at dinisarmahan ang mga guwardiyang sina Leo Molina, Jonathan Lactaotao at Onofre Pagaduan.

Tinangay ng mga armadong kalalakihan ang mga baril at two way radio ang mga guwardiya, at ang cellular phone ng isang Engineer Bunagan.

Bago tuluyang tumakas ang mga armado, sinunog pa ng mga ito ang generator ng farm na nagkakahalaga ng P200,000.

Ayon kay Cabading, posibleng gamitin ng mga armado s amga ilegal na gawain ang mga nasamsam na baril.

Iginiit pa niya na sa mga nagdaang panahon ay nagsasagawa ng mga panghoholdap ang mga rebeldeng NPA.

Una rito, nagdeklara ng ceasefire ang Armed Forces of Philippines na nagsimula noong Disyembre 16.

Tinugon naman ito ng pagdedeklara ng unilateral ceasefire ng Communist Part of the Philippines (CPP), na magsisimula sa Disyembre 24 at matatapos sa ika-26 ng Disyembre.

Ito ay bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-43 taong pagkakatatag ng CPP sa Disyembre 26.

Para sa Bagong Taon, nagdeklara din ng cease fire ang CPP na magsisimula sa Disyembre 31 at matatapos sa Enero 2.

Bulacan-Pampanga Bridge muling binuksan

Gatbuca Bridge sa Calumpit na nag-uugnay na sa mga lalawigan ng Bulacan at Pampanga. (Kuha ni Bro. Martin Francisco)

CALUMPIT, Bulacan—Pansamantalang bubuksan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Bulacan-Pampanga bridge simula ngayong araw (Biyernes) para sa mga light vehicles bilang paghahanda sa nalalapit na Pasko.

Ito matapos ang pagkukumpuni sa nasirang bahagi ng tulay na natuklasan noong Disyembre 16 na naging dahilan upang ito ay biglaang ipasara sa daloy ng trapiko.

Ayon kay Ruel Angeles, OIC District Engineer ng First Bulacan Engineering District, patuloy nilang pag-aaralan ang kalagayan ng tulay na nag-uugnay sa mga lalawigan ng Bulacan  at Pampanga.

“It will be open for light vehicles on Friday, pero tuloy pa rin ang assessment namin,” aniya.

Ito ay nangangahulugan na hindi pa rin makakaraan sa nasabing tulay ang mga bus at mga cargo at trailer trucks.

Ayon kay Angeles, ipinanukala na nila sa punong tanggapan ng DPWH ang total rehabilitation  sa nasabing tulay na tinatayang gugugulan ng P200-Milyon at magiging dahilan ng may anim na buwang pagkakasara nito sa daloy ng trapiko.

Ang Gatbuca Bridge na nag-uugnay sa lalawigan ng Bulacan at Pampanga ay biglaang ipinasara noong Disyembre 16 matapos matuklasan ng DPWH ang mga sira sa ilalim nito.

Ang inspeksyon sa nasaing tulay ay kaugnay ng kahilingan ni Bulacan Gob. Wilhelmino Alvarado sa DPWH ilang araw matapos bumagsak ang Colgante bridge sa di kalayuang Apalit, Pampanga noong Nobyembre 23.

Kaugnay nito, sinabi ni Angeles na maging ang flyover sa lungsod ng Malolos ay kanila na ring kukumpunihin simula ngayon.

Ito ay matapos ang panawagan ng mga Malolenyo na nagpahayag ng pangamba sa kalampag ng flyover sa tuwing may dadaang bus at mga truck. (Dino Balabo)

Wednesday, December 21, 2011

PAMASKONG MENSAHE: Magkaisa, magtulungan, magmahalan

MALOLOS—Iisa ang diwa ng mensahe ng mga pinunong Bulakenyo sa pagdiriwang Pasko sa taong ito, matapos manalasa ang kalamidad sa lalawigan noong Setyembre at Oktubre.

Magkaisa, magtulungan at magmahalan tayo.

Ito ang nagkakaisang mensahe nina Gob. Wilhelmino Alvarado, Bise gob. Daniel Fernando, at ng mga Bokal na sina Felix Ople, Michael Fermin, at Ariel Arceo.

Maging ang ibang kinikilalang lider sa lalawigan tulad nina Lorna Silverio, alkalde ng San Rafael; Edmundo Jose Buencamino, dating alkalde ng San Miguel; at Rosie De Casa, ang pinuno ng turismo sa Baliuag ay nagpahayag ng katulad na mensahe.

“Hindi biro ang dinanas nating kalamidad nitong Setyembre at Oktubre, ngunit katulad ng ating mga bayani na, muli tayong bumabagon,” ani Alvarado sa isang panayam noong Huwebes ng gabi, Disyembre 15.

Ayon sa punong lalawigan, higit na mapapabilis ang pagbango ng mga Bulakenyo mula sa nanalasang kalamidad kung magkakaisa.

“Anuman ang problema, madali ang pagbangon kung nagkakaisa, kaya dapat tayong patuloy na magtulungan at magmahalan dahil iyan din ang diwa ng Pasko.

Iginiit pa ng gobernador na ang Pasko ay karaniwang ipinagdidiriwang ng mga Pilipino kasama ang kanila pamilya at malalapit na kaibigan na naging bahagi ng buhay.

“Dapat ay walang malungkot pag Pasko, wala ring dapat na nag-iisa o nagdaramdam, dahil ito ang diwa nito ay pag-asa,” aniya.

Binigyang diin niya na ang sabsabang sinilangan ng Panguinoong Hesu-Kristo ay sumisimbulo sa duyan ng simula upang gawing makabuluhan ang pag-iral ng bawat isa sa mundo; samantalang ang krus ng kalbaryo ay simbulo ng kaligtasan ng tao na higit pa sa kahit anong uri ng pangako.

Ayon pa sa gobernador, ang Pasko ay isa ring pagkakataon upang higit na pagtibayin ng tao ang relasyon sa kapwa, at lalong higit sa Pnginoong Diyos.

Inayunan din ito nina Fernando at Ople na nagsabing hindi dapat mawalan ng pag-asa ang bawat isa.

“Sabay sabay po tayong nalubog sa baha nitong Oktubre, sababay sabay din tayong bumangon,” ani Ople.

Para naman kina Silverio, Buencamino at Decasa, hindi dapat malimutan ng bawat isa ang kapwa, dahil walang halaga ang pagdiriwang kung walang pagmamahal at pagkalinga sa kapwa.

Editoryal: Pampahaba ng buhay



Hindi maitatanggi na isa sa pangarap ng bawat isa ay mahabang buhay sa mundong ito, ngunit, hindi lahat ay napagkakalooban ng biyayang iyan.

Sinasabing ang edad na 70 hanggang 80 ay hinog, ngunit sa paglipas ng dahon ng buhay, may mga taong binabawian ng buhay sa edad na 25, 30, 40, o 50 dahil sa pagkakasakit.

Sa kalagayang ito, masasabing tunay na mapalad si Fortunato “Tatay Tato” Sanchez Sr., ng Brgy.. Paco, Obando, hindi lamang sa siya at kanyang pumanaw na maybahay ay biniyayaan ng 10 supling, may 50 apo, at mahigit sa 70 apo tuhod; kungdi dahil na rin sa naipagdiwang pan niya ang kanyang ika-100 kaaranwa noong Linggo, Disyembre 11.

Simple ang lihim ng mahabang buhay ni Tatay Tato: Matapat na relasyon sa Diyos na masasalamin sa kawalan ng mga bisyong tulad ng pag-inom ng alak at paninigarilyo.

Ngunit ang mga ito ay nakasalalay sa personal niyang disiplina.  Hindi pa kasama rito ang kapaligirang kanyang ginagalawan na ang kadalang may kontrol ay ang mga namumuno sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga polisiyang akma at napapanahon.

Ilan sa mga halimbawa ng kapangyarihang nasa kamay ng gobyerno ay ang pagkontrol sa pagpapatapon ng tubig mula sa Angat Dam na kung sosobra ay magbubunga ng pagbaha na kung hindi maging sanhi ng pagkasawi ng buhay ay pagkasalanta naman ng ari-arian at mga pananim.

Bahagi rin ng kapangyarihan ng gobyerno maging ng mga pamahalaang lokal ay ang pagsasagawa ng mga inisyatiba upang ihanda ang sambayanan sa mga epekto ng climate change o pagbabago ng klima ng mundo na dulot ng global warmin o pag-init ng mundo na isa sa mga pangunahing dahilan ay ang pagbubuga ng usok lalo na ng greenhouse gas (GHG) sa himpapawid.

Ang malungkot, kung minsan ay iniaasa nating lahat sa gobyerno ang pagbuo ng mga plano at mga inobasyong titiyak sa mas maunlad at kaaya-ayang kapaligiran natin.  Nakakalimutan nating, bilang mga mamamayan at residente ng mundong ito, bawat isa sa atin ay binigyan ng sari-sariling kakayahan upang makapagbigay ng kanyang kontribusyon.

Sa kalagayang ito, kinikilala rin natin ang kontribusyong inobasyon ni Inhinyero  Alex Canoza ng SM City Baliuag.  Siya ang nanguna sa pagbuo ng pamamaraan upang higit na makatipid sa kuryente ang mall, na nagresulta sa katipiran sa ibinubugang GHG sa himpapawid ng mga planta ng kuryente.

Sa diwang ito, ang dapat nating isipin ay hindi lamang kung paano pahabain ang ating buhay, kundi kung paano natin ito higit na gagawing makabuluhan hindi lamang para sa ating mga sarili at mga anak, kungdi para sa susunod na salinlahing Bulakenyo.
Disiplinahin ang ating sarili. Maging aktibo sa pagtawag pansin sa gobyerno.  Gamitin ang kakayahan upang makapagbigay ng kontribusyon.  At higit sa lahat, huwag makakalimot sa Diyos na nagtiwala sa atin na pangangalagaan ang mundong minana natin sa ating mga ninuno na siya ring ipamamana natin sa susunod na salinlahi.