MALOLOS—Hindi lang paputok
ang dapat pag-ingatan sa panahon ng pagdiriwang ng Pasko at Bagong taon.
Dapat ding mag-ingat sa
pagkain, kaya naman magig mga gamot at gamit sa mga tataas ang presyon ng dugo
at iba pang sakit at ipinahanda na ng direktor ng Bulacan Medical Center (BMC)
sa lungsod na ito.
Ayon kay Dr. Protacio
Badjao, direktor ng BMC, karaniwang nakapagtatala sila ng mataas na bilang ng
biktima ng paputok tuwing unang araw ng taon at karaniwan sa mga biktima ay mga
bata.
Ito ay dahil sa ang mga bata
ang karaniwang namumulot ng mga paputok na nagmintis.
“Nakahanda ang trauma center
ng BMC at maging ang bawat district hospitals natin para sa mga naputukan,” ani
Badjao patungkol sa mga district hospitan matatagpuan sa bayan ng Hagonoy,
Bulakan, Calumpit, Baliuag, San Miguel at Sta. Maria.
Ipinagmalaki niya na ang mga
duktor sa mga nasabing pagamutan ay mataas ang kasanayan at kakayahan sa
paggamot sa mga nasugatan; bukod pa sa nakahanda ang mga pasilidad at mga
gamot.
Maging ang mga nababril at
mga naaksidente sa sasakyan sa panahon ng dalawang sunod na pagdiriwang ay
pinaghandaan na rin ng mga pagamutan.
Bukod sa mga ito, sinabi ni
Badjao na dapat ding mag-ingat sa pagkain ang bawat isa.
“Kapag ganitong mga selebrasyon karaniwang nakakalimot tayo sa pagkain,
napaparamia ng kain natin,” ani Badjao.
Ipinaliwanag niya na ang pagkain g marami, partikular na ng maaalat,
matatamis at mamantikang pagkain ay delikado sa mga may sakit sa puso, mag may
alta-presyon at maging sa mga may sakit ng diabetes.
“Ingat lang po sa pagkain, hinay-hinay lang tayo,” paalala pa ni Badjao.
Para naman sa mga may hika at asthma, sinabi ng duktor na ang mga ito
karaniwang inaatake kapag nakalanghap ng usok.
Ipinayo niya na umiwas ang mga taong may sakit na hika sa mga lugar na
marmi ang nagpapaputok dahil ang usok ng paputok ay maaring maging sanhi ng
hika.
Upang makaiwas naman sa peligro, ipinayo niya na agad na kumonsulta sa mga
duktor sa pagamutan.
No comments:
Post a Comment