Friday, December 9, 2011

Maagang pamasko ipinamahagi ng embahada ng Canada

Christopher Thornley, Candian Ambassador to the Philippines.



CALUMPIT, Bulacan—Tumanggap ng maagang pamasko mula sa embahada ng Canada sa Pilipinas ang may 1,000 mag-aaral sa bayang ito at sa katabing bayan ng Hagonoy noong Lunes, Disyembre 5.

Ito ay matapos lumubog sa pinakamalalim na baha sa loob ng huling 40 taon ang dalawang bayan nitong Setyembre at Oktubre na naging dahilan ng pagkapinsala ng mga ari-arian, maging mga kagamitan sa pag-aaral mga mag-aaral.

Pinangunahan ni Christopher Thornley, embahador ng Canada sa Pilipinas ang pamamahagi sa mga mag-aaral ng mga bag gamit sa pag-aaral, kasama sina Luke Meyers, country manager ng Canadian International Development Agency (CIDA) ay Elnora Bailen Avarrientos ng World Vision Development Foundation (WVDF).

Ayon kay Thornley, ang mga regalo sa mga mag-aaral ay bahagi ng P8-Milyon ayuda ng Canada sa mga lalawigan sa bansa na sinalanta ng mga bagyong Pedring at Quiel.

Nauna ng ipinagkaloob ng Canada ang may P6-M tulong para sa mga bayan sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley at ilang lalawigan sa Gitangn Luzon.

Sa bayan ng Hagonoy at Calumpit, umabot sa P2-M ang ipinagkaloob na tulong ng embahada ng Canada sa pamamagitan ng WDVF.

Sa kanyang maikling pahayag, sinabi ni Thornley na matapos na pagbaha sa Hagonoy at Calumpit, agad silang nagpahatid ng ayuda sa pamamagitan ng paghahatid ng mga relief goods at pagsasagaw ang psychosocial counseling.

“We hope that the people of Calumpit and Hagonoy will continue to be optimistic as they have shown great strength in the face of adversity.  We are proud of them,” ani ng Embahador.

 Para naman sa WVDF, nilinaw ni Avarrientos na ang mga tulong na kanilang inihatid sa Hagonoy at Calumpit ay pawang pinondohan ng embahada ng Canada.

Kabilang dito ay ang pagsasagawa nila ng “work-for-food” program kung saan ay pinagkalooban nila ng mga relief goods ang may 2,500 residente ng dalawang bayan na lumahok sa paglilinis sa mga paaralan at maging sa mga barangay.

Kaugnay nito hinamon ni Avarrientos ang mga paaralan  at guro na isama sa kanilang itinuturo sa mga mag-aaral ang paghahada at pagtugon sa kalamidad.

Sinabi niya na magsasagawa ang WVDF ng mga Diaster Risck Reduction Training para sa mga guro sa mga bayan ng Hagonoyu at Calumpit.

Lubos naman ang pasalamat ni Leonilo Pascual, punong guro ng San Jose Elementary School sa bayang ito.

“We are very thankful to them, kung hindi sila tumulong baka hindi pa kami nakakabangon ngayon,” ani ng punong guro.

 Gayundin ang naging pahayag ng mga mag-aaral na sina Bea Cabasal, Neil Martinez na nasa ika-apat at ikalimang baiting ng pag-aaral ayon sa pagkakasunod.

Sila ay kabilang sa 640 mag-aaral ng San Jose Elementary School na tumanggap ng bag na may lamang tig-10 notebook, mga papel, lapis at ballpen.

Sa kanyang maikling pahayag na binasa para kay Thornley, sinabi ni Martines na, “we are very lucky to have you. In behalf of the children of San Jose, we would like to thank you, and we will always pray that God will continue bless you and guide you in helping children.”  (Dino Balabo)

No comments:

Post a Comment