MALOLOS CITY-- Patay ang isang anim na taong gulang na
bata samantalang sugatan naman ang kanyang ama sa pagsabog ng isang tricycle na
may kargadang mga paputok sa baranggay Partida sa Norzagaray, Bulacan bandang alas-otso ng gabi noong Lunes.
Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Norzagaray
Municipal Hospital si John Ezekiel Silva habang inoobserbahan naman ang kanyang
ama na si Noli Silva, kapwa residente ng Guimba, Nueva Ecija.
Ayon sa inisyal na ulat, bumili ng paputok sa Bocaue ang
mga biktima at pabalik na ng Nueva Ecija ng biglang sumabog ang pinamiling
paputok pagdating sa sa baranggay Partida, Norzagaray na naging sanhi rin ng
pagkawasak at pagkasunog ng sasakyan ng mag-ama.
Nagkalat din sa kalsada at maging sa mga puno ay
nakasabit ang mga piraso ng mga paputok tulad ng sawa, sinturon ni hudas at mga
pla-pla.
Ang isang bahay malapit sa pinangyarihan ng insidente,
nabasag daw ang mga salamin dahil sa lakas ng impact ng pagsabog.
Ayon kay Dr. Joselito Santiago, municipal doctor ng
Norzagaray matindi ang naging pinsala sa
ulo ng bata na naging dahilan ng kamatayan nito.
Lumabas daw ang utak nito sa insidente kayat ilang oras
lamang matapos isugod sa pagamutan ay binawian na ito ng buhay.
Samantalang si Noli naman ay nagtamo ng 1st degree burn
at ililipat nila sa mas malaking ospital.
Ayon kay kay P/Supt. Bruno Viola, Jr., hepe ng Norzagaray
PNP, self accident daw ang pangyayari.
Aniya galing sa Bocaue ang mag-ama at doon namili ng mga
paputok na dadalhin sa Nueva Ecija.
Dahil daw sa init ng tambutso ng tricycle kayat nagsiklab
at sumabog ang mga paputok dito.
Nagkakahalaga daw ng trenta mil ang mga pinamiling
paputok nina Silva.
No comments:
Post a Comment