MALOLOS—Dapat matutong magsariling sikap ng Pilipinas
partikular na ang mga pamahalaang lokal sa paglaban sa epekto ng climate
change.
Ito ang payo ng ibat-ibang grupo matapos ang ika-17
Conference of Parties (COP17) o Climate Change Conference na isinagawa sa Durban, South African kung
inayunan ng mayayamang bansa ang pagpopondo sa $100-Bilyon Green Climate Fund
(GCF) mula 2012 hanggang 2020.
“The Philippine
government must act as if the country is on it's own,” ani Red Constantino, ang
executive director ng Institute for Climate Sustainable Cities (iCSC) sa isang
email na ipinadala sa mamamhaya na ito noong Lunes ng hapon, Disyembre 5.
Si Constantino ay
isa sa mga Pilipinong lumahok sa isinagawang COP17 na nagsmula noong Nobyembre
28 at natapos nitong Linggo, Disyembre 11.
Sa nasabing
kumperensiya na tinampukan ng tensiyon sa pagitan ng mayayaman ay mahihirao na
basa sa mundo, umayon ang mas mayayamang bansa sa mundo sa pangunguna ng
European Union na pondohan ang GCF, at
palawigin ang Kyoto Protocol na matatapos sa susunod na taon.
Batay sa mga ulat
matapos ang kumperensiya, napagkasunduan na ipagpatuloy ang Kyoto Protocol na
naglalayong bawasan ang ibinubugang greenhouse gas (GHG) ng mayayamang bansa sa
himpapawid na naghahantid ng pag-init ng mundo o global warming na nagbubunga
ng pagbabago ng klima o climate change na sanhi ng mapanalantang bagyo at baha.
Ayon kay
Constantino, bago tuyluyang napagtibay ang kasunduan sa GCF at Kyoto Protocol
ay nagparamdan ng di pagsang-ayon s amga ito ang mayayamang bansa tulad ng
Amerika at Canada.
Sa kanyang email, sinabi ni Contantino na “in Durban most developed
countries continue to avoid taking responsibility in meeting their obligation
to compensate those who are increasingly suffering from climate change.”
Sa kabila nito, namayani pa rin ang mas maliliit na bansa;
at iginiit ni Constantino na hindi dapat tumigil ang Pilipinas sa paniningil sa
mayayamang bansa na nagdulot ng global warming dahil ang kinabukasan ng bansa
ang nakataya.
“This is about justice and the very viability of the Philippines as
an independent, healthy and flourishing nation. The future of development is at
stake,” aniya.
Subalit iginiit pa niya na “we cannot and should not rely on
the largesse of rich countries, which continue to take the path of destructive
self-interest,” at binigyang diin na kailangang ding kumiloy at magsariling
sikap ang bansa sa paglaban sa epekto ng climate change sa pamamagitan ng
pagpapatibay sa People Survival Fund (PSF) of “Depensa Bill.”
“This is a huge reason why the Aquino administration must
ensure the early passage of the People's Survival Fund, which was already
passed by the Senate but not moving in the House. The PSF seeks to provide
local governments and communities with direct access to adaptation finance. It
incentivizes early action from localities by creating an annual funding source
dedicated to adaptation and measures that build resilience to climate change
from below,” ani Constantino.
Inayunan din ito ng Philippine Movement for Climate Justice
(PMCJ) na nagsagawa ng climate justice awareness caravan mula sa lalawigan ng Isabela noong Lunes, Diyembre 5
hanggang Bulacan noong Biyernes, Disyembre 9 at Maynila noong nakaraang Sabado.
Ayon kay Khevin Yu, tagapagsalita ng PMCJ, masimulan man ang
pagbibiogay ng GCF sa susunod na taon, matatagalan pa ito bago matanggap ng
bansa at nga mga pamahalaang lokal na nagsagawa ng plano laban sa epekto ng climate change.
“Habang hinihintay natin yung GCF, kumilos na tayo, bumuo ng
mga planong isasagawa,” aniya.
Sa kabila naman ng kawalan ng pondo, sinabi ni Yu na maaring
gamitin ng mga pamahalaang lokal ang kanilang calamity fund para sa paghahatid
ng kaalaman sa mga mamamayan kung paano tutugunan ang mga kalamidad.
Sinabi pa niya na maging ang PSF o Depensa Bill ay
matatagalan at anumang oras ay maaring magkaroon ng kalamidad.
Hindi tayo dapat maghintay na magkaroon ng muli ng
kalamidad, kailangang ngayon pa lang ay kumilos na tayo,” ani Yu.
Binigyang diin niya na dapat manguna ang mga pamahalaang
lokal sa paghahanda sapagkat ang mga ito ang may hawak ng pondo at gumagawa at
lumilikha ng mga polisya.
Subalit ang isang problemma sa kalagayang ito ay iilang
namumuno sa mga pamahalaang lokal, partikular na sa lalawigan ng Bulacan ang
nakakaunawa sa paghahanda laban sa kalamidad, lalong higit ang pagbuo ng
emergency action plan.
Sa kalagayang ito, sinabi ni Nong Ranggasa, executive
director ng Climate Change Academy (CCA) sa lalawigan ng Albay na nakahanda
sila na magbigay ng kasanayan sa mga namumuno sa mga pamahalaang lokal.
Ayon kay Rangasa, ang mga pinuno ng mga pamahalaang lokal
partikular na ang mga alklade, gobernador, mga planning ang development
officers at maging mga disaster risk reduction officers at mga administrador ng
mga pamahalaang lokal ay maaring magtungo sa Albay upang magsanay.
Maaari ding imbitahan ang CCA at sila ang magtutungo sa mga lalawigan nais
mapataas ang kasanayan sa climate change adaptation.
Ayon kay Rangasa, iisa ang kanilang hinihiling sa mga nais
sumailalim s amga pagsasanay.
“Bago sila magsanay, kailang nakahanda ang kanilang local
development plan dahil doon nakabatay ang kanilang pagsasanay,a; aniya.
Inihalimbawa na niya na sa lalawigan ng Albay halos kalahati
ng ng may 600 barangay mula sa ibat-ibang bayan at lungsod ng bumuo ng sariling
development plan.
No comments:
Post a Comment