CALUMPIT, Bulacan—Biglaang ipinasara sa daloy ng trapiko ang
Gatbuca Bridge sa bayang ito na nga-uugnay sa mga lalawigan ng Bulacan at
Pampanga dahil sa pinsalang nadiskubre noong Biyernes ng hapon, Disyembre 16.
Ang pagpapasara ay ipinag-utos ng Department of Public Works
and Highways
(DPWH) bilang isang
pag-iingat at makaiwas na matulad ito sa Colgante Bridge sa Apalit, Pampanga na
bumagsak noong Nobyembre 23.
Mananatiling nakasara sa lahat ng uri ng sasakyan ng Gatbuca
bridge sa loob ng susunod na apat na araw habang isinasagawa ang paunang
pagkukumpuni.
Ikinagalit naman ng mga motorista, partikular na ng mga
jeepeney driver ng bumibiyahe sa rutang Malolos-San Fernando ang biglaang
pagpapasara ng tulay dahil sa kawalan ng babala.
Ayon kay Inhinyero Antonio Molano, direktor ng DPWH sa
Gitnang Luzon, ang pasnamantalang pagpapasara ng tulay ay batay sa resulta ng
kanilang inisyal na inspeksyon na hiniling ni Bulacan Gob. Wilhelmino Alvarado
na nagpahayag nng pangamba matapos bumagsak ang di kalayuang Colgante Bridge.
Sa pagsasagawa ng inspeksyon noong Biyernes ng hapon,
natuklasan ng DPWH na isang steel truss ng sa ilalim ng tulay ang naputol.
“Kailangang isara
agad ang tulay sa trapiko, baka may madisgrasya pa,” ani Molano.
Naghatid naman ito ng kalituhan sa mga jeepeney driver na
nagpahayag ng pagkairita sa biglaang pagpapasara.
Ngunit ipinaliwanag ni Gob. Alvarado na kailangang bigyang
proteksyon ng buhay ng tao.
“Emergency ang sitwasyon, kaya biglaan ang pagpapasara ng
DPWH, hindi na tayo dapat maghintay na bumigay ang tulay at may masaktan,” ani
Alvvarado.
Hiniling din niya ang pang-unawa ng mga motorista sa abala
at maliit na sakripisyo.
“Lahat ng laging dumadaan sa Gatbuka Bridge
ay magsasakripisyo, pati ako,” ani ng gobernador na ang bahay ay matatagpuan sa
puno ng tulay sa Brgy. Gatbuca na
nasa ibayo ng ilog sa panig ng Pampanga.
Ayon pag kay
Alvarado, umiikot siya ngayon sa San Simon toll Plaza sa North Luzon Expressway
(NLEX) para lamang makapunta sa kanyang tanggapan sa kapitolyo ng Bulacan na
matatagpuan sa Lungsod na ito.
Ang Gatbuca
Bridge ay itinayo bago pa maganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, at noong
1946 o matapos ang digmaan, ito ay kinumpuni.
“Matanda na ang
tulay na ito, dahil ang karaniwang lifespan ng mga tulay ay 70 years,” ani
Alvarado at iginiit na noon pa lamang 2004 ay ipinanukala na niya sa Kongreso
na ito ay makumpuni, ngunit hindi nabigyang pansi.
Si Alvarado at
naglingkod bilang kongresista ng unang distrito ng Bulacan mula 1998 hanggang
2007.
Hinggil naman sa muling pagbubukas ng tulay sa trapiko,
sinabi ni Alvarado na magsasagawa muli ng pagsusuri ng DPWH matapos makumpuni
ang steel truss.
No comments:
Post a Comment