MALOLOS—Desidido si Health
Secretary Enrique Ona na baguhin ang paraan ng pagdidiriwang ng Bagong Taon sa
bansa sa pamamagitan ng panukalang pagsasagawa ng mga fireworks display.
Si Ona ay nasa lungsod na
ito noong Huwebes, Disyembre 15 bilang panauhing pandangal sa pagbubukas ng
ilaw ng higanteng Christmas tree sa harap ng kapitolyo na tinampukan ng
10-minutong pailaw na gawa sa Bulacan.
“I wish this will serve as
the beginning on how we will change the way Filipinos celebrate New Year,” ani
Ona patungkol sa 10-minutong fireworks display.
Binigyang diin niya na ito
ay isang magdang halimbawa upang ipakita ang alternatibo ngunit ligtas na
paraan sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Batay sa tala ng Department of Health (DOH), mahigit sa
1,000 katao, karaniwan ang bata ang nasugatan noong 2010 dahil sa paputok.
Ayon sa Health Secretary,
ang pagdiriwang ng Pasko at pagsalubong sa Bagong Taon ay dapat puno ng
kasiyahan.
Ngunit para sa ilang
Pilipino na mahilig gumamit ng paputok sa mga nasabing pagdiriwang, ang
kasiyahan ay napapalitan ng kalungkutan.
Ayon kay Ona, bukod sa
pagpapaputok ng mga rebentador na nagiging sanhi ng pagkasugat at dalamhati,
may iba pang paraan upang maipagdiwang ang Pasko at Bagong taon.
Ito ay sa pamamagitan ng
pagsasagawa ng mga fireworks display kung saan ay mga taong may kasanayan ang
magsasagawa at magsisindi ng mga mitsa.
Sa kasalukuyan, sinabi ni
Ona na 10 lungsod na sa kalakhang Maynila ang nagpahayag ng interes par sa
pagsasaagwa ng fireworks display upang matiyak ang kaligtasan ng kanilang
nasasakupan sa mga aksidente ng pagkasugat.
Iginiit pa niya na ang
pagsasagawa ng fireworks display ay bahagi bg kanilang bagong kampanyang
tinaguriang “Aksyon: Paputok Injury Reduction” (APIR).
Ayon pa Kay Ona, ang APIR ay
isa ring palatandaan ng pagsuporta ni Pangulong Benigno Aquino III sa lokal na
industriya ng paputok.
Matatandaan na sa mga
nagdaang taon, ang DOH ang nanguna sa pagsasagawa ng kampanyang “Iwas Paputok”
na ayon sa Philippine Pyrotechnics Manufacturers and Dealers Association Inc.,
(PPMDAI) ay isang dagok sa kanilang industriya.
Ayon kay Ona,ang APIR ay
isang pagtalikod ng DOH sa kampamntyang Iwas Paputok; at isang pagsang-ayon sa
sa kampanya ng PPMDAI na
“Ingat Papautok.”
Ikinagalak naman ng PPMDAI
ang panibagong kampanya ng ng DOH dahil higit na nilang matututukan ngayon ang
kampanya laban sa mga smuggled pyrotechnics products.
Ayon kay Celso Cruz, ang
president emeritus ng PPMDAI, patuloy ang pagdami sa merkado ng smuggled
pyrotechnics products dahil sa pagkukulang sa pagbabantay ng Bureau of Customs.
Inayunan naman ito ni Gob. Wilhelmino Alvarado na nagsabing ang
pinahihirapan ng mga smiggled products ay ang mga produktong gawa sa Bulacan.
No comments:
Post a Comment