Tuesday, December 20, 2011

Iwasan ang malalaki at mga smuggled na paputok


MALOLOS—Huwag bumili at gumamit ng malalaki, mumurahin at smuggled o ilegal na paputok.

Ito ang paalala ng Philippine Pyrotechnics Manufacturers and Dealers Association Inc., (PPMDAI) sa mga nais magpaputok sa nalalapit na Pasko, samantalang hinikayat din nila ang gobyerno partikular na ang pulisya na kumpiskahin ang mga smuggled pyrotechnics o mga paputok na ipinuslit mula sa Bureau of Customs (BoC) na ngayon ay nasa mga pamilihan na.

Para sa PMMDAI ang mga oversized o naglalakihang paputok ay ilegal.

Bukod sa naglalakihang paputok, ilegal din ang mga paputok na walang label, at maging ang mga ipinuslit sa BoC dahil ang mga iyon ay hindi gawa sa bansa.

Ilan sa mga halimbawa ng mga naglalakihang paputok ay ang Og, super bawang, Lolo Thunder, GoodBye Philippines, Bin Laden at ioba pa.  Kabilang naman sa mga ipinagbabawal ang mga maliliit tulad ng watusi.

Iginiit ng PPMDAI na ang mga ilegal na paputok ay karaniwang nagiging sanhi ng disgrasya o pagkasugat sa panahon ng pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon kay Vimmie Erese, Pangulo ng PPMDAI, halos buong taon ang isinagawa nilang kampanya para sa ligtas na pagsalubong sa Bag0png Taon, gamit ang paputok.

Ang kampam\yang ito ay kanilang isinagawa sa pamamagitan ng mga pagsasanay at mga seminar partikular na sa mga gumagawa at nagtitinda ng paputok.

Sa nasabing pagsasanay ay kanilang ipinaliwanag ang nilalaman ng Republi Act 7183 o Act Regulating Manufacture, Sale, Distribution and Use of Pyrotechnics Device.

“Kung susundin ang sukat ng kemikal na ilalagay sa paputok, abutan ka man sa kamay ayy hindi ka masyadong masasakatan, dahil maliliit lang,” ani Erese sa isang panayam sa telepono noong Disyembre 5 bilang pagbibigay diin sa panganib ng naglalakihang paputok.

Dahil dito, nanawagan siya sa pulisya na paigtingin ang kampanya laban sa mga ilegal na paputok, partikular sa mga gawa sa ibayong dagat na ipunuslit sa BoC.

Hinggil naman sa kanilang produksyon sa taong ito, sinabi ni Erese na bumaba ang bilang ng mga rehistradong pabrika sa taong ito.

“This is our worst year mula noong 1990s, mas lumiit ang bilang ng registered manufacturers this year dahil sa napakataas ng presyo ng chemicals,” aniya patungkol sa mga kemikal na potassium nitrate, potassium chloride, barium nitrate at aluminum nitrate.

Sa kabila naman ng pagliit ng bilang nga rehistradong pabrika ng paputok sa bansa, sinabi niya na bumabaha pa rin ng paputok sa pamilihan dahil sa pagsasamantala ng ilang negosyante na nagbebenta ng mga smuggled products.

“We hope that the police will intensify the campaign, its our low year as far as production is concern, and that means that more illegally manufactured or sourced products will be I the market,” ani Erese.

Ipinaliwanag naman ni Celso Cruz, ang president emeritus ng PPMDAI na ayon sa RA 7183, hindi maaaring ibenta sa bansa ang mga produktiong ready to sell at ready to use.

“Malinaw ang batas, kailangan at dito sa bansa ang pagbuo at paggawa,” ani Cruz.  (Dino Balabo)

No comments:

Post a Comment