Wednesday, January 4, 2012

2011 TOP Stories: #10. Turismo, Sining at Kalinangan



Biak-na-Bato National Park, San Miguel-DRT, Bulacan

Baybayin ng Bulacan, limot na destinasyong pangturismo.


Ang pagtataguyod sa sining at kalinangan na bahagi ng turismo ay isa sa pitong agenda ng administrasyon ni Gob. Alvarado, ngunit mahigit isang taon matapos siyang manungkulan ay naghihintay pa rin ito ng malinaw ng direksyon.

Sa pagsasagawa ng pagpapako sa krus sa Kapitangan Paombong, Kneeling Carabao Festival sa Pulilan, at Obando Fertility Dance, mga bote ng tubig ang ipinamahagi ng tanggapan ng turismo ng Bulacan sa halip na mamahagi ng impormasyon hinggil sa  mga nasabing okasyon.

Hindi pa rin malinaw kung ano ang direksyong nais tahakin ng kapitolyo para sa promosyon ng Biak-na-Bato National Park, at iba pang pangunahing destinasyong pangturista sa lalawigan.

Ito ay sa kabila ng mga pahayag ni Gob. Alvarado hinggil sa pagpapahalaga sa natatanging kasaysayang naitala sa lalawigan at makulay na kalinangan ng Bulacan.

Kapansin-pansin rin ang pagsasarili ng timpalak na Lakan at Lakambini ng Bulacan sa taong 2011 matapos na ito ay palitan ng panglalawigang tanggapan ng turismio ng timpalak na Hari at Reyna ng Bulacan.

Naging kontrobersyal ang timpalak na Hari at Reyna dahil sa pananaw ng mga historyador sa lalawigan, ito ay isang konseptong banyaga at hindi akma sa konseptong Bulakenyo at Pilipino.

Sa kabila ng mga problema sa larangan ng turismo sa lalawigan, nagsimula na ang operasyon ng Bustos Sculpture Garden kung saan ay makikita ang mga free standing sculpture na likha ng yumaong premyado iskultor na si Conrado Mercado Jr.

Bukod rito, patuloy ang pagsisikap ng ibat-ibang grupo katulad ng Arte Bulakenyo Foundation Inc., (ABFI) sa pagsusulong ng kalinangan at sining ng lalawigan.

Isa sa mga isinagawang gawain ng ABFI ay ang Arts Festival sa Cuidad Clemente noong Nobyembre

No comments:

Post a Comment